Kabanata VII

1.7K 75 1
                                    

Kabanata VII

"The nitrogen in our DNA, the calcium in our teeth, the iron in our blood, the carbon in our apple pies were made in the interiors of collapsing stars. We are made of starstuff."
~ Carl Sagan,Cosmos




Celestine

"Gusto mo buhatin kita?"

Napatingin ako kay Justin. Namula ako bigla.

"Ay, hindi na. Okay na ako." sabi ko sa kanya at tumayo na ako kahit masakit pa talaga 'yung tuhod ko. Pero nung tumayo na ako ay bigla akong na-out of balance kaya ang nangyari...

"Sabi ko sa'yo e. Buhatin nalang kita." sabi niya tas bigla niya akong binuhat.

"Ibaba mo ako! Hoy! Ano ba!" sigaw ko sa kanya pero nakangiti lang siya. Lahat ng naglalakad napatingin samin, 'yung iba natatawa, 'yung iba kinikilig.

Halos 20 minutes din akong buhat-buhat ni Justin at habang buhat-buhat niya ako kanina, nakangiti lang talaga siya. Weird pero aminado ulit ako, kinilig ako.

"Buko Juice te? Tag-pila?" tanong ko sa aleng nagbebenta ng buko juice sa daan. Tinanong ko sa kanya kung magkano 'yung buko juice niya.

"Tag-singko langga, pila ka buok?" sabi niya, five pesos lang daw at ilan daw ang bibilhin ko.

"Dalawa po, siya po magbabayad." sabi ko sa ale sabay turo kay Justin. Sinabi ko talagang siya 'yung magbabayad kasi nagtitipid talaga ako ngayon e. Gipit na gipit ako.

"Dara langga oh," ( Ito na iha oh ) sabi ni ate tapos ibinigay niya sa'min ni Justin 'yung dalawang transparent plastic cup na kay lamang buko juice. Uminum kami tapos naglakad na ulit. Maya-maya pa, may nakasalubong kaming habal-habal ( motor ) na huminto sa harapan namin.

"Kuya? Ano po bang pwede naming sakyan papuntang Mt. puting bato?" tanong ko sa kanya.

"Ay, ma'am sir, pwede mo musakay ug habal-habal padulong didto." Sabi ni Kuya, pwede raw kaming sumakay ng habal-habal papunta doon.

"Pwede po ba kaming sumakay sa inyo?" tanong ni Justin. Tumango si Kuya kaya sumakay na kami ni Justin sa motor niya. Itong single na motor ni Kuya, habal-habal ang tawag dito. Hindi rin siya 'yung tipong ordinary na motor. Ito 'yung klase  ng motor na luma, malaki ang pwet, nasa harap ang gas tank, at madalas na Kawasaki ang brand.

Habang nag-t-travel, medyo namumula ako kasi 'yung zipper ni Justin, medyo dumidikit kasi sa may likuran ko kaya medyo awkward sa pakiramdam.

"Celestine?" biglang nagsalita si Justin.

"Hmm?"

"Pwede mo bang sabihin sa driver na huminto muna tao?"

"Ha? Bakit?"

"Naiihi ako."  sabi niya na siyang ikinamula ko.

Awkward kong pinahinto si Kuya driver at agad namang tumakbo si Justin sa may puno ng niyog.

"Boyfriend nimu gang?"

"Ay, hindi po. Ka-course mate ko lang po siya." Sabi ko kay Kuya driver, tinanong niya kasi kung boyfriend ko raw si Justin. Gusto ko sanang sagutin si Kuya ng oo, kaso hindi naman talaga kami ni Justin. Sa panag-ini ko, pwede pa.

"Tara?" nakangiting sabi ni Justin ng makabalik na siya. Sumakay ulit ako tapos sumunod naman si Justin. Ayan na naman yung zipper niya.

Maya-maya pa, medyo napansin namin ni Justin na pataas na 'yung daan at nahihirapan ng umusad 'yung sinasakyan namin. May bangin din sa gilid ng daan na 'pag nahulog ka ay paniguradong patay ka talaga. Kita rin namin ngayon yung buong Samal. Ang ganda.

Nagulat kami ni Justin kasi biglang huminto yung motor ni Kuya.

"May problema mo ba?" tanong ko.

Napakamot si Kuya sa ulo niya, "Naku, pasensya na talaga Maam and Sir pero hindi na kaya ng motor ko na tahakin pa 'yung daan, masyado na kasing matarik."

"Ganun po ba?" tanong ko kay Kuya at bumaba na kami ni Justin. Hindi na kami pinagbayad ni Kuya at naiwan nalang kami ni Justin ngayon dito sa walang katao-taong daan.

"What should we do?" tanong ni Justin sa'kin.

"Kain muna tayo." sabi ko sa kanya at itinuro ko 'yung puno ng santol na maraming bunga.

Napangiti si Justin at pareho kaming napatakbo doon sa may puno ng santol. Maya-maya pa, umakyat na siya.

"Celestine! Saluin mo lahat!" sigaw niya sa taas.

"Oo na! Ready na ako!" sigaw ko sa kanya at makalipas ang ilang sandali...

"Ahhhhh!" bigla akong napatakbo nang makita kong sobrang dami pala ng santol na inihulog niya. Nakita ko namang tawa lang ng tawa si Justin sa may ibabaw.

Maya-maya pa, bumaba na siya...

"Ang tamis ng santol dito." sabi niya habang kumakain ng santol. Niluwa ko naman 'yung buto at itinapon. Kumuha ulit ako ng santol at ipinukpok ito sa puno para mabiyak ito at presto! Isang santol na naman ang mabibiktima ng panlasa ko.

Habang taimtim kaming kumakin ni Justin ng santol, may biglang pumutok na kung sa may likod namin.

"Ano 'yun?" tanong ko kay Justin at nag-shrug lang siya ng shoulder niya. Nang lumingon ako sa may likuran ay biglang nanlaki ang mga mata ko...

"MGA MAGNANANAKAW NG SANTOL!!!" sigaw ng isang lolo na may dalang baril na pang-hunting.

"TAKBO!!!" sigaw ko kay Justin, kinuha namin 'yung mga bag namin at pareho kaming napatakbo tapos natawa nalang kaming pareho nang hindi na kami nahabol nung lolo na may dalang baril. Nagtawanan kami ngunit bigla kaming nagkatinginan sa isa't-isa.

"May dumi sa labi mo." sabi niya at lumapit siya sa mukha ko. Bigla akong namula at nag-init ang pakiramdam nang dumampi ang hinlalaki niya sa labi ko.

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon