Kabanata XII
"You can be the moon and still be jealous of the stars."
~Gary Allan
Celestine
Rinig na rinig namin ngayon ni Justin ang mga kuliglig sa paligid. Maingay sila pero ang sarap sa pandinig. May mga nagtatayo na rin ngayon ng tent. 'Yung iba, naguluto na ng hapunan at 'yung iba naman kumukuha lang ng litrato as a remambrance.
Malapit ng mag-7 o'clock, at maya-maya ay sasabay a kami ni Justin sa next batch ng mg bababa sa bundok.
Pareho kaming nakaupo ngayon ni Justin dito sa may damuhan habang nakasandal yung likod ko sa likod niya. Nagsisimula na kami ngayon magsulat ng tula at promise namin sa isa't-isa na mag-eexchange kami ng poem mamaya nang sagayon ay mabasa ko 'yung sa kanya at mabasa niya ring 'yung sa'kin.
Kakasimula ko palang sa pagsusulat at na nasa first stanza palang ako. Inayos ko yung accounting book ko na kasalukuyan kong ginagawang patungan ng papel na sinusulatan ko ng poem.
Nang matapos ako sa first stanza, medyo nag-struggle ako kasi medyo nag-off yung utak ko. Binura ko 'yung word na sinulat ko at pinalitan ng ibang salita.
Si Justin, relax na relax lang siya ngayon. Pakiramdam ko, hindi siya nagbubura unlike sa'kin. May pagka-poet rin kasi si Justin. Natatandaan ko pa dati, noong sumali siya sa isang Balak Wring Contest. Isang contest kung saan ay magsusulat ka ng tula tungkol sa babaeng iniirog mo gamit yung mother language mo. Pagkatapos mong isulat, i-p-perform mo siya na may kasamang music na pangharana.
Tandang-tandang ko si Justin noon, nakasuot siya ng barong tagalog. Sobrang kintab ng sapatos niya noon tapos yung buhok niya ay yung tipong buhok na parang combination ng buhok ni Alden Richards, James Reid at ni Sir Jose Rizal. Lalaking-lalaki siya tignan noon. Pilipinong-pilipino. Binatang-binata. Makisig na makisig.
Nang magsimula siyang i-perform yung balak niya noong oras na 'yun, maraming babae ang nahiyawan. Lahat kinikilig sa balak niya. May mga nahimatay pa nga at ni-regla ng wala sa oras.
Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Justin noon, pakiramdam ko, nanuuot sa bawat hibla ng ugat ng puso ko. Mas lalo akong napahanga noon sa kanya. Ang galing niyang sumulat ng tula. Nakakamangha. Kaya ngayon, medyo napasubo ako. Kailangan kong galingan ng hindi ako mapahiya sa kanya
"I'm done," sabi niya tapos sumilip siya sa papel ko.
"Uy? Ano ba! Hindi pa ako tapos." sabi ko sa kanya tapos tinakpan ko yung papel na sinulatan ko gamit yung kamay ko.
Natawa lang siya tapos umupo siya harapan ko. Habang pinagpapatuloy ko 'yung ginagawa ko, napatingin ako sa kanya at nahuli kong nakatingin sa'kin.
First time kong nakita na namula si Justin kaya namula rin ako. Ano ba 'to!
Maya-maya pa, natapos narin ako sa ginagawa ko.
Kukunin na sana ni Justin 'yung papel ko pero tumanggi ako, "Uhh, Justin? Hindi ba mas okay na ako nalang ang magbabasa nitong sa'kin at ikaw namang ang magbabasa ng sa'yo?"
"Okay lang 'din." sabi niya.
"Sige, ikaw na ang mauna." sabi ko sa kanya.
Binuklat niya yung papel niya tapos nag-umpisa na siyang basahin 'yung tula niya..
"Sapat. Akala ko sapat na ang mahalin ka ng buo, akala ko sapat na ang pagmamahal na ibinigay ko sa'yo. Pero kung sapat nga iyon sa iyo, e di sana nanatili ka sa tabi ko at hindi na naghanap pa ng bago."
Medyo nasaktan ako sa intro niya. Halatang ex niya yung pinapatamaan niya.
"Sapat. Limang letra lang bumubuo nito pero nahirapan kang panindigan ang salitang 'yan. Sapat. Iyan 'yung tipong salita na para bang may patlang na ang hirap punan?"
"Sapat? Mahirap ba talagang maging sapat? Kung sinabi mo lang sana sa'kin ang salitang katapat ng sapat, sa palagay ko, at sa palagay ng kaluluwa at puso ko ay nagawa ko pa sanang isalba ang natitira sa salitang 'TAYO' na ngayon ay naging isang salita nalang. TAO. Tayo ay hindi na tayo bagkus ay dalawang TAO nalang. Sayang."
"Sapat. Ano ba ang kahulugan ng sapat sa iyo? Sapat, 'yung tipong sapat na hindi maging tayo? Sapat, 'yung tipong tinuldukan mo ang apat na taong meron tayo? Kung iyon ang kahulugan ng sapat sa iyo ay paniguradong sapat narin sa'yo na makita mo akong nagkakaganito. Salamat. Salamat sa pagiging sapat."
"Sapat. Apat na taon din nating pinagsaluhan ang tamis at alat na ngayon ay naging alat nalang lahat. Apat na taon, at hindi naglaon, inanod ako ako ng alon at naglayag ka kasama niya habang ako ay lunod parin sa nakaraaan natin at nahihirapang paring umahon."
"Kung sapat lang sana. Kung sapat lang sana ang maging tapat ay paniguradong hindi mo ako ipinagpalit sa lalaking produkto lang ng kakulangan ko ng panahon na dapat ay inilaan ko sayo."
"Sapat. Gusto ko pa sanang humaba ang ating kwento, kaso tinuldukan mo na agad kasi malaban sa sapat ay hindi mo rin alam ang salitang kontento."
Bigla akong naiyak matapos i-recite ni Justin yung tula niya. Ang sakit e. Ang sakit sa pakiramdam.
"Tss. At ikaw talaga ang naiyak ha?" natatawang sabi niya.
"Ikaw kasi e," sabi ko sa kanya.
"Here," inabot niya sa'kin yung panyo niya. Tinanggap ko naman at binugahan ko ng sipon ko, ibabalik ko na sana kanya pero sabi niya akin nalang daw? Bakit kaya? Feel ko pa naman ang mahal-mahal nung panyo niya e.
Pero atleast, 'diba? May remembrance ako sa kanya? Kahit aalis na kami dito sa Samal next day, at least may naiwan siyang bagay na magiging palatandaan na kahit minsan, nakasama ko siya.
"It's your turn," sabi niya.
"Oo na!" sabi ko sa kanya tapos sinimulan ko ng basahin 'yung tula ko.
Kung Hindi Sapat. Iyan 'yung title ng tula ko.
"Kung hindi sapat."
"Hindi ko alam kung may salita ba talagang 'sapat' kasi kagaya ng salitang aklat, iba-iba ang kahulugan nito at hindi magkakatulad ang lahat. Iba-iba ang dami ng pahina, iba-iba ang pamagat. Kaya ang salitang sapat, minsan, wala talagang katapat."
"Teka?"
Napahinto ako nang biglang magsalita si Justin.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko.
"Ahh, napansin kong 'yung tula mo, parang reply lang sa tula ko." sabi niya.
"Patapusin mo muna kasi ako. Assuming ka masyado e." sabi ko sa kanya tas natawa lang siya.
"Sapat. Sabi ko sa unang taludtod, wala talagang katapat ang saitang sapat. Pero, akala ko lang pala ang lahat, kasi, hindi naman yata tamang ihalintulad ang salitang sapat sa salitang aklat. Ang aklat ay bagay, pwedeng bilhin, pwedeng ibigay. Habang ang salitang sapat ay isang uri ng paninidigan, ginagawa, inaalay."
"Alay. Minsan naisip kong alayan kita ng bulaklak para sa puso mong nawasak at nanamlay. Oo, masakit sa umpisa pero mangagalay karin sa kakaisip ng dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay. Mas maiging kalimutan mo nalang siya't ipagpatuloy mo nalang ang buhay na naiwan mong nalalanta na na parang gulay. Diligan mo ang sarili mo ng pagsisikap, abutin mo ang iyong pangarap, magpursige hanggang sa marating mo ang rurok ng mundo. At, sa pamamagitan nito, lalapit ng kusa sa'yo ang taong nararapat sa'yo."
"Kung sapat nga lang na naging tapat ka, kung sapat nga lang na umiyak ka, kung sapat lang sana pero wala naman talagang sapat sa taong palaging may hinahanap e. Kung hindi ka naging sapat sa kanya, maging sapat ka para sa sarili mo. Kung hindi kayo? Anong bago? Lahat naman yata ng tao ngayon, nagiging g*go. Kung ako sa'yo, lakihan mo lang ng kaonti 'yang singkit na mga mata mo, tumingin ka lang sa paligid at makikita mong maraming naghahabol sa'yo."
"At isa na roon ay ako." dugtong ko sa sarili ko na dapat ay sa isip ko lang dinugtong.
Napatingin ako may Justin.
"Celestine? Anong sabi mo?" tanong niya.
Kinabahan ako pero nilabanan ko 'yung kabang naramdaman ko.
Huming ako ng malalim. Tutal, nasabi ko narin naman, itotodo ko nalang.
"Oo! Gusto kita!" nakayuko kong sabi sa kanya.
Akala ko magagalit siya tapos iiwanan niya ako pero, "Talaga? Gusto mo ako?" natatawang tanong niya at nagtaka nalang ako.
"Tara na nga." sabi niya at tinulungan niya lang akong makatayo tapos inakbayan niya ako at naglakad na kami. Nakangiti lang siya habang ako, pulang-pula na.
Okay lang ba sa kanya na gusto ko saiya?
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...