Kabanata V

2K 96 3
                                    

Kabanata V
"There is no shortage of fault to be found amid our stars."

~ John Green, The Fault in Our Stars


Celestine

Pumasok na ako sa room ng mga girls. Nag-didiscuss na si Ma'am Casidy ng bedroom rules kaso nag-excuse ako kasi na-iwan ko pala 'yung accounting book ko doon sa recreation area.

Kakalabas ko lang talaga ng room ng biglang may mag-approach sa'kin, "Libro mo ba 'to?"

Napalingon ako at nakita ko 'yung lalaking nakatabi ko sa ferry boat kaninang umaga.

"Ahh, oo thanks." sabi ko sa kanya at umalis na. Medyo na-weird-duhan ako ng kaonti kasi pangalawang pagkakataon na 'to na naiiwan ko 'yung book ko at siya rin palagi ang nagsasauli.

Matapos kong kunin sa kanya 'yung libro ay nagpahangin muna ako sa may balcony ng second floor. Nag-check din ako ng blog ko gamit ang phone ko. Tinawagan ko rin si Mama at sinabi ko sa kanya na okay lang ako. Mabuti nalang at kasama niya ngayon si Tita sa bahay pati na 'yung pinsan ko kaya medyo nawala 'yung worries ko kay Mama. Ayaw ko kasing naiiwan mag-isa siya e kasi for sure marami lang siyang maiisp at malulungkot lang siya.

Nang matapos ako sa pagtawag kay mama ay hinarap ko ang buong syudad ng Samal. Kita ko rin yung dagat nito at pati na ang syudad ng Davao. Napangiti ako kasi nakaka-relax sa pakiramdam. 'Yung tipong ang nostalgic ng scene at parang narerelax 'yung pagkatao ko? Lalo na 'pag ganitong gabi at makikita mo 'yung city lights dito, pakiramdam mo, maiiyak ka talaga sa sobrang pagka-romantic ng makikita mo.

Kapag naging financial manager ako, dito ko talaga itatayo ang dream house namin ni Mama. Ang ganda kasi talaga e. Malayo sa stress. 'Yung tipong at peace at napaka-kalmado lang ng lugar?

Sobrang lakas nung hangin na dumampi sa balat ko kaya napapikit ako habang nakangiti. In-extend ko ang parehong kamay ko sa bawat side ay dinama ang malamig ng hangin. Nililipad-lipad pa nito 'yung buhok ko kaya medyo nakikiliti ako. Tinanggal ko 'yung jacket na suot ko at itinali sa bewang ko, in-extend kong muli ang parehong kamay ko sa ere at muling dinamdam ang paghaplos ng malamig na hangin sa mismong balat ko.

Maya-maya pa ay napahinto ako sa ginagawa ko nang may narinig akong flash ng kamera. Napatingin ako sa may side at nakita ko si Justin sa kabilang balcony, hawak-hawak 'yung DSLR niya habang kinukunan ako ng litrato. Tutal, pinicture-ran na niya ako, nag-pose nalang ako nang kinunan niya ako ulit.

"Ang ganda ng background." pabirong sabi niya.

"Wow ha? 'Yung background talaga ang maganda? Ang sama mo!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ipapa-develop ko 'to."

"Bigyan mo ako ng copy." sabi ko sa kanya.

Sumagot siya, "Sige ba." Ang baliw lang namin ngayon kasi pwede naman talaga kaming mag-usap ng harapan pero nag-usap talaga kami dito sa may balcony, pero okay lang naman since naririnig naman namin 'yung isa't-isa.

"Hindi ka pa ba papasok sa room niyo?" tanong niya.

"Maya-maya pa." 'Andito ka pa e.' Dagdag ko sa isip ko.

Tumango-tango siya, "4 AM daw tayo gigising bukas. May ibibigay daw na instruction 'yung mga prof natin." sabi niya, tumango lang ako.

Tinignan niyang muli yung screen ng DSLR niya, "Ang ganda mo 'pag stolen yung kuha." sabi niya. Kinilig ako.

"Selfie tayo?" sabi niya sa kanilang balcony.

"Ha? Pa'no?" sabi ko sa kanya at pina-usog niya ako sa may side.

Iniharap niya 'yung lense ng DSRL niya sa harapan niya, "1, 2, 3 Cheese!" sabi niya at 'yun nga, natapos 'yung mumunting selfie namin.

Muli niyang tinignan ang screen ng DSRL niya at kung hindi ako nagkakamali, ngumiti siya.

Nakagat ko 'yung ibabang labi ko kasi kinilig ulit ako.

"Justin! Pasok ka na raw sabi ni Prof!" sigaw ng isang ka-coursemate namin na lalaki at nagpaalam na siya sakin.

"Good night again?" natatawang sabi niya.

Natawa ako, "Maayong gabii pud ug usab." ( Magandang gabi ulit. ) sabi ko sa kanya.

"Mauna na ako." Sabi niya.

Tumango ako, "Sige, aalis na rin ako. Bye."

Aalis na sana ako kaso hindi ko napigilan ang sarili ko at napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko, nakita ko rin siyang nakatingin sakin.

Natawa siya, yung tipong nahihiya.

"Good night for the last time." he said.

"Maayong gabii sab."  natatawa at namumula kong sabi sa kanya at tuluyan na talaga kaming nagkahiwalay. Akmang babalik na talaga sana ako pero napatingin ako ulit doon sa dinaanan niya kaso sa pagkakataong ito, wala na siya. Pero infairness ha? Aminado akong kinilig ako.

Bumalik na ako sa room namin ng nakangiti. 16 kaming mga babae at may 11 na malalaking bed sa room naming mga girls. Akala ko tulog na sila pero hindi pa pala.

"Celestine!" tinawag ako ni Ana Rose.

Napatingin ako sa grupo nila, "Sali ka sa laro namin." sabi niya. Kasama niya 'yung dalawang prof namin na sina Ma'am Joyce at Ma'am Casidy at pati narin 'yung mga babae dito sa loob ng room. Lahat ng girls pinagdikit-dikit 'yung mga kamay nila kaya nakapag-form sila ng big circle.


Medyo hesitant ako ar first pero, "Sige ba." sabi ko at tumabi na ako kay Ana Rose.

Inexplain na ni Ma'am Joyce 'yung mechanics ng laro. Truth dare siya na with a twist. Instead na bote ang papaikutin, panyo ang gagamiting instrument para matukoy kung sino ang magsasabi ng truth o magpeperform ng dare.

Itatali ng first person sa kamay ng second person ang panyo, dapat hihigpitan ni first person yung pagkatali tapos tatanggalin naman ni second person sa kamay niya ang panyo at itatali sa thrid person hanggang sa umabot sa forth at bumalik ulit sa first person. Pero, may twist kasi may music na i-p-play, once the  music stops, ibig sabihin, hihinto narin ang pagpapasa ng panyo. At sa kung sino man ang hihintuan ng panyo, siya ang magsasabi ng truth or mag-pe-perform ng dare.

Nagsimula na 'yung laro at sigaw ng sigaw 'yung mga kasama ko sa sobrang excitement. Tawang-tawa rin kami kasi naiiyak na yung iba kapag hindi nila natatanggal 'yung panyo sa kamay nila. After 3 minutes, nag-stop 'yung music at nahinto ang panyo sa ika-pitong person which is si Ma'am Casidy.

Dare yung pinili niya kaya tawang-tawang kami nang sumayaw siya ng Nae Nae.

Nagstart na ulit yung laro, round 2 na. Sigaw ng sigaw ulit 'yung mga kasama ko habang yung iba ay tawang-tawa naman.

After 2 minutes, medyo kinabahan na ako kasi palapit na sa'kin 'yung panyo and after one minute...

"TRUTH OR DARE! TRUTH OR DARE!" sigaw ng mga ka-course mate ko.

Tawang-tawa ako sa sarili ko kasi hindi ko tanggal 'yung tali.

"Truth." sabi ko sa kanila at pa-isa-isa silang nag-question. Nakakatawa yung mga tanong ng iba kasi medyo walang sense kagaya ng tanong na 'kapag ang langaw ba, namatay, nilalangaw din?' or 'kapag ang lason ba na-expire nakakalason pa rin?'

Tawang-tawa kong sinagot 'yung mga tanong nila pero nahinto talaga ako sa isang na tinanong sa'kin ni Mary Grace...

"Sa mga boys na kasama natin, sino 'yung crush mo?"

"Wala akong crush promise!" namumula kong sabi sa kanila kasi sobrang tini-tease talaga nila ako.

"Celestine, baliw lang ang walang crush!"

"Hahahahahaha!" nagtawanan 'yung mga ka-course mate ko.

"Okay, sasabihin ko na." natatawang sabi ko sa kanila.

Natahimik naman silang lahat at nakatingin lang sa akin.

Makalipas ang ilang sandali, sinabi ko sa kanila ang sagot sa tanong nila...

"Si Justin." sabi ko at nagwala 'yung mga kaklase namin sa sobrang kilig habang ako, nahihiya ko namang binaon sa unan yung mukha ko at napangiting kinikilig nalang. Nakakahiya!
***

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon