Kabanata XX

1.5K 67 0
                                    

Kabanata XX
"The Milky Way is nothing else but a mass of innumerable stars planted together in clusters."
~Galileo Galilei



Celestine

"Kung nakakaadik lang."

"Kung nakaka-adik lang ang mga haplos ng mga kamay ng mahal mo sa balat mo. Kung naka-adik ang ang bawat yakap niya't halik niya sa noo mo. Kung nakakaadik lang ang bawat pagdampi ng kamay niya sa bewang mo ay paniguradong nakakulong kana ngayon sa utak pagamutan, sapagkat naaalala mo naman ang mga nakaka-adik na nakaraan."

"Kung nakakaadik lang ang kiliti niya, ang bawat halakhak, ang bawat boses at ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Kung nakakaadik lang na malaman mong kayo na-- at kung nakakaadik lang na malaman mo hanggang ngayon ay kayo parin sa paggising mo sa umaga."

"Kung nakaka-adik na lang na wala kang nararamdaman na kahit anong puot, galit, sakit at pighati sa mga segundong kasama mo siya. Kung nakaka-adik lang pag-alala sa dati at pati na sa mga gabing kayakap mo siya."

"Kung nakakaadik lang sana. Kaso alam kong mas adik ka parin sa lungkot, sa iyak, sa pighati, sa yamot, sa galit, sa kirot at lalong lalo na sa paglimot. Kaya sana, tigil-tigilan mo ang pagbalik sa sakit na kanyang naidulot."

"At kung ako sa'yo, buksa mo nalang ang paningin mo sa panahong magaganap pa. Sapagkat sa pagharap mo ay magagalak ka. Magagalak ka sa kadihalang sa pinakaunang pagkakataon at masisilayan mo, mapapagtanto mo, mahihinuha at maiisip mo, na mas nakaka-adik palang lumaya sa sarili mong sa sarili mong hawla."

Nagpalakpakan 'yung mga tao dito sa loob ng hall sa resort. At oo, nakabalik na kami ni Justin. Hindi kami nanalo kanina dun sa pagdakip ng biik pero nag-uwi ako ng consolation price. 500 pesos.

"Maraming salamat." nag-bow 'yung nagpresent ng tula kanina na isa sa mga ka-blockmate namin ni Justin. Ngayon na kasi ang presentation ng mga tula kaya kabado kami ng kaonti ni Justin. Nagsulat kasi ulit  kami ng bagong tula since napasama 'yung mga sinulat namin sa mga nabasang gamit namin kagabi dahil sa ulan.

"Tayo na ba 'yung susunod?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa."

Nakaupo kami ngayon dito sa isang table. Magkakahiwalay din kasi ng table ang lahat. One pair, one table.

Maya-maya pa, nagsimula na 'yung next na magp-present. Nakinig lang kaming pareho ni Justin at nag-behave lang. Monitored narin kasi kami ngayon ng mga prof namin.

Kanina nga, pagdating namin ni Justin dito, naiyak pa si Ma'am Casidy. Pinahanap na kasi kami nila kagabi sa mga pulis.

Habang nakikinig sa nag-p-present ng tula, medyo napangiti ako kasi naalala ko yung nangyari sa'min kanina ni Justin nung naglaro kami ng habulan ng biik.

Tatlong rounds ang nangyari kanina, unang round, partner kayong dadakipin yung biik. Second round, magkaholding hands na. Pangatlong round, naka-piggy back ride na kaming mga babae sa partner namin. Nakakilig kasi kahit maliit ako at medyo payat at hindi ko magawang makuha 'yung biik, ginawa parin ni Justin 'yung best niya para mahuli niya 'yun para sa'kin pero wala e. May kalaban talaga kasi kami na sobrnag bilis at liksi kumilos kaya naunahan kami pero okay, grabeng effort 'yung binigay ni Justin at sobrang na-aaprecciate ko 'yun.

"Kung pwede lang."

"Kung pwede lang na totoo ang sinasabi nilang nakakatunaw ang mga titig mo sa kanya. Kung pwede lang na totoo ngang nakakapag-bigay lang ng inspirasyon ang bawat sulat na inilaan mo sa kanya na kahit minsan ay hindi mo naibigay dahil takot ka. Kung nakakawindang lang ang mga ngiti mo kapag kinikilig ka sa kanya, sana... sa bawat oras na tinatanaw mo siya, sa bawat oras na sinusulat mo ang nadarama mo sa kanya, ay paniguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang nandiyan ka lang pala. Nakatago sa sulok at palihim na tinititigan lang siya."

"Kung nakakamatay ang umasa. Kung nakakamatay lang  ang umibig sa taong wala kang pag-asa. Kung nakakamatay lang sana ang bawat pag-iyak mo sa kanya nang malaman mong sila na pala. Kung nakakamatay lang ang bawat luhang pumatak sa mga nagpaasa sa kanila ng husto, ay paniguradong naging menteryo na ang kalahati ng mundo."

"Kung pwede lang na sumigaw ka. Kung pwede lang na isigaw mo ang nararamdamam mo sa kanya. Kung pwede mo lang lapitan at isigaw sa tainga niya na mahal mo siya."

"'Kung pwede lang'; iya ang bulong sa sarili mong patay na patay sa kanya. Kung pwede lang, kung pwede lang na ako nalang ang sayo at hindi nalang ikaw ang sa kanya. Kung pwede lang."

Nagpalakpakan yung mga tao. Grabe! Ang daming naiyak. Maging ako ay naiiyak din.

"Now, it's Mr. Justin and Miss Celestine's turn."

Hiyaw ng hiyaw yung mga tao. Nakaka-pressure tuloy.

Nang makarating na kami sa stage, unang nag-present si Justin.

"Ang paglimot."

"May mga bagay na ang sarap balikbalikan. Tipong mga alaala na mahirap kalimutan. May mga bagay namang ang dali mawala sa isipan, kagaya ng paglimot niya sa'kin at ang madalian niyang paglisan."

Bigla namang napa-ooh 'yung tao na  medyo nalungkot sa first stanza ni Justin. Ang sakit din kasi pakinggan e.

"Mahirap ang kalimutan siya. Lalong-lalo na ang mga gabing meron kayong pipantasya. Mga pantasya na pinlano at maluwalhating inipon sa isipan na para bang alkansya. Pero mas mahirap yatang lumimot kung alam mo sa sarili mo na siya na mismong ang dumistansya."

Ngayon, may nakikita na talaga akong umiiyak. Pati ako bumibigat narin ang pakiramdam.

"Distansya. Katumbas 'yan ng salitang pasensya na hinaluan ng konting konsensya. Pasensya, para sa panahong hindi kita nabigyan ng importansya. At konsensya. Sana makonsensya ka para sa mga panahong iniwan mo ako't hindi mo binigyan ng importansya ang apat na taong pinagsaluhan nating dalwa."

"Pero, napagtanto ko na masarap palang lumimot. Para siyang gamot, na inaaalis sa'yo ang lahat ng sakit, hapdi, puot at kirot. Masarap ang lumimot, pero mas masarap  paring magmahal muli sa taong hindi mo inakalang nandyan lang pala sa iyong palibot."  sabi ni Justin tapos bigla naman niya akong tinignan sa mga mata ko na naging dahilan upang tuksuhin kami ng mga ka-blockmate namin.

Pabiro ko lang siyang hinampas at agad ko namang kinuha yung mic at nilipat ko sa harapan ko. It's my turn.

"Ang paglaya."

"Nakakulong ka. Isang kang bilanggo sa iyong nakaraan. Isang kang alipin sa isang panahon na hindi mo kayang bitawan. Isa kang bobo, tanga, baliw, oo ikaw na! Ikaw na mismong nasaktan sa panahong biglang iniwan ka niya."

"Nakagapos ka. Nakagapos ka sa lubid na mismong ikaw ang nagtali. Nakagapos ka sa mga sandaling kasama mo siya at sa tuwa ay hindi kayo mapakali! Masakit? Oo masakit alalahanin ang mga oras na nakalapat ang labi mo sa kanya. Pero, mas masakit isipin na mga labing iyon ay nakalapat na ngayon sa iba."

"Masakit oo, pero ito ang tatandaan mo, 'wag kang magmadali. 'Wag mong madaliin ang lahat ngunit 'wag na 'wag kang magbakasakali na ibabalik niya pa ang sukli sa mga sinayang niyang sandali."

Napatingin naman si Justin sa'kin pero nagpatuloy parin ako.

"Lumabo. Salitang nangyari sa relasyon n'yo't sa inyong mga pangako napako. Ganun paman, mangyaring alisin mo ang mga pakong iyon na ngayon ay nasa kamay mo na. Masakit sa umpisa pero pag naghilum na, malaya ka na."

Biglang dumagundgong sa ingay ang loob ng hall. Kitang kita naming pareho ni Justin kung sino at ilan ang mga umiyak.

Matapos ko i-present 'yun, niyakap ako lang ako ni Justin.

Maya-maya pa, pinalabas na kami ng hall at pinapunta sa recreation area. Pagdating namin 'dun, nagstart na 'yung countdown para sa fireworks display. Ganito talaga dito 'pag weekend, merong fireworks display na nagaganap.

"Justin? Diba partial kitang sinagot kanina?" nakangiti kong sabi kay Justin na nakatingin lang ngayon sa kalangitan.

Bigla siyang napatingin sa'kin.

"Five, four, three, two,-----" sigaw ng mga mga tao na hinihintay ang fireworks display.

"ONE!!!!"

"Sinasagot na kita ng buo." sabi ko sa kanya. Ngayon, nasiputukan na 'yung mga fireworks sa kalangitan.

Nginitian niya ako, at maluha-luha niya akong niyakap. "Thanks! Celestine! Thanks!"

Niyakap ko siya pabalik, "Tutulungan kitang lumaya. Tutulungan kitang lumimot." sabi ko sa kanya.

Mas lalo pa akong niyakap ni Justin.

Naluha ako sa sobrang saya.

Napatingin ako sa mga bituin.

Napangiti ako't nagpasalamat sa kanila.

Tinupad na nila ang hiling ko.
***
 

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon