Kabanata VIII
"Keep your eyes on the stars, and your feet on the ground.
"
~ Theodore RooseveltCelestine
"Okay ka lang?" tanong ko kay Justin, nalunok niya kasi 'yung buto ng santol nung tumakbo ako kanina matapos niyang kunin 'yung dumi sa labi ko. Kinabahan ako kanina sa ginawa kaya napatakbo ako. Weird.
"Okay lang." sabi niya pero halata namang namumutla siya.
Biglang natawa 'yung pamilyang kasama namin ngayon dito sa isang sasakyan na gawa sa kahoy na hinihila ng kalabaw.
Natagpuan nila kami sa may daan na hingal na hingal kaya pinasakay nila kami. Papunta rin kasi sila ng Mt. Puting Bato since doon sila nakatira. Precy 'yung pangalan ng ale na siyang nanay ng mga batang kasama niya. Asawa naman niya ang nagmamanipula sa kalabaw na siyang humihila sa sinasakyan naming ito.
"Naku iho, lagot ka! Mangungugat sa loob ng tiyan mo 'yung buto ng santol at magiging punong kahoy ka!" sabi ni Ate Precy at nagtawanan sila ng mga anak niya.
Alam kong biro lang 'yun pero pakiramdam ko ay naniwala si Justin kasi medyo namutla siya. Hinaplos-haplos ko yung likod niya para i-comfort siya. Natawa tuloy ako sa kanya.
"Bana nimu day?" tanong ni Ate Precy.
"Ay dili te uy, bata pa kaayo mi!" Sabi ko at natawa ulit yung pamilya ni Ate Precy. Tinanong niya kasi kung asawa ko ba daw si Justin, sabi ko naman hindi, ang bata-bata pa kaya namin.
"Anong grade na po itong bunso niyo?" tanong kay ate tapos kinarga ko 'yung anak niya.
"Grade 2 na siya, mag-g-grade 7 naman itong kuya niya." Sabi ni Ate Precy.
"'Yang nasa ibabaw ng kalabaw, asawa ko. Si Jordan." proud na sabi ni Ate Precy.
"Ate, bakit Puting bato 'yung name ng Mt. Puting bato?" curious na tanong ko, pareho naman kaming nakinig ni Justin sa sagot ni Ate Precy.
"Kasi nga, literal na mayroong mapuputing bato roon. At alam mo ba hija, 1,345 feet ang taas ng bundok na 'yun above sea altitude, kaya nga nagtataka ako kung bakit kayo pupunta roon. Paniguradong aabutin kayo ng hapon bago n'yo marating yung tuktok at aabutin naman kayo ng gabi pababa."
"May retreat po kasi kami sa Humanities namin ate e, pinapagawa po kami ng tula at kailangan naming pumili ng lugar dito sa Samal para gawing inspirasyon." sabi ko kay Ate Precy. Nakinig naman si Justin. Hindi siya gaanong nagsasalita kasi worried parin siya doon sa buto na nalunok niya. Cute.
"Ahh, ganun ba? Pero 'wag kayong mag-alala, maya't-maya ay may umaakyat-baba sa bundok na 'yun kaya paniguradong marami kayong makakasama." dagdag naman ni Ate Precy.
In-enjoy lang namin ni Justin 'yung free ride namin. Nailuwa narin niya kasi 'yung buto at sabi niya okay na siya. Nakikipagbiruan narin siya sa mga batang kasama namin. Minsan, napapahinto 'yung sinasakyan namin at tinutulak namin ito. Kung tutuusin, nakaka-enjoy 'yung ride namin ngayon kasi pinakain pa talaga kami nila ng suman.
"Say cheese." sabi ni Justin at kinunan niya kami ng litrato. Ang ganda-ganda kasi talaga ng view.
"Say cheese." sabi ko naman at sila naman 'yung kinunan ko ng litrato.
"Kayo namang dalawa ang kukunan namin." sabi ni Ate Precy.
"Sure." inabot ni Justin 'yung DSLR niya kay Ate Precy tapos bigla niya akong inakbayan. Namula na naman ako.
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...