Kabanata II
"I think that we are like stars. Something happens to burst us open; but when we burst open and think we are dying; we're actually turning into a supernova. And then when we look at ourselves again, we see that we're suddenly more beautiful than we ever were before."
~C. JoyBell C.
Celestine
Kinagabihan, inihanda ko yung mga dadalhin ko sa retreat. Mula sa gamit pati narin sa mga pagkain at pati na ang libro ko sa Accounting1. Sabi ng prof namin sa Humanities, maganda raw yung Island Garden of City of Samal ng Davao del Norte since hindi pa raw ito masyadong ukupado ng mga tao.
Kahit nandito ako sa Panabo City na malapit lang sa Island Garden City of Samal ay isang beses pa lang talaga akong nakakapunta doon. Kaya nga excited ako e at tsaka mas lalong nagpa-excite sa'kin ang katotohanang makakasama ko si Justin sa retreat na iyon.
Pagkatapos kong ma-prepare ang lahat, chi-neck ko yung blog ko, sinulat kung ano ang mga nangyari sa araw ko, pagkatapos ay naghilamos na ako at natulog na.
Bandang 4am ng umaga, tinulungan ko muna si Mama sa labada niya at pagdating ng 5am, naligo na ako at nag-almusal. Nagpaalam na ako kay Mama at bago mag-six o'clock ay nakarating na ako sa univeristy na'min.
Since hindi naman gaano kalaki 'yung university namin since sub-branch lang ito ay kasama lahat ang second year na business administration students.
Matapos ang mahaba-habang paghihintay, dumating na 'yung bus at sumakay na kaming lahat. Gusto ko nga sanang sumakay dun sa bus na sinasakyan ni Justin kaso napuno na agad.
"Celestine, sa kabilang bus ka nalang." sabi sa'kin nung prof ko.
"Sige po." Malungkot akong sumang-ayon at habang naglalakad papunta sa kabilang bus ay napatingin ako kay Justin. Nasa may side ng window kaya agad ko siyang nakita.
May suot siya shades at may naka-plug-in na earset sa parehong tainga niya. Akala ko, tulog siya kasi nakasandal siya sa kinuupan niya pero nagulat ako ng tinanggal niya 'yung shades niya at ngumiti siya sa'kin.
Ngumiti rin ako sa kanya at naglakad na. Pagkatalikod ko, bigla akong napahawak sa parehong pisngi ko. Ang init!
Matagal na kaming magkakilala ni Justin. First year palang kami, magka-blockmates na kaming dalawa. Kasama ko rin siya sa honor society. Matalino si Justin at maraming bagay ang kaibig-ibig sa kanya.
May mga babaeng na-wi-weird-duhan sa kanya kasi masyado siyang matalino at seryoso pero ako, mataas ang pagtanaw ko kay Justin. Para sakin, siya ang ideal guy ko. Hindi kasi ako yung tipong basta gwapo, nagkaka-crush na agad, kinikilatis ko muna yung character ng tao at kapag suited sa standards ko, nagkaka-crush talaga ako.
Habang nag-t-travel 'yung bus na sinaskyan ko, bigla kong naalala 'yung unang araw na nakilala ko si Justin.
Enrollment noon and since freshman at walang kasang Mama, medyo nalilito pa ako noon sa process kung paano ang mag-enroll. Kasalukyan kong hinahap yung registrar noon pero ewan ko ba't sa labis na katangahan ko ay napunta ako sa CR ng boys. Problemado kasi ako noon kasi hindi pa sure ang scholarship ko kaya medyo lutang ako.
Nagulat ako kasi imbes na mga staff ng university ang nakita ko, si Justin na kasalukuyang umiihi ang natagpuan ko. Napasigaw ako noon habang si Justin ay pinipilit na matapos 'yung pag-ihi niya. Agad akong lumabas noon at pagdating ng pasukan, gulat na gulat ako kasi classmate ko si Justin.
Akala ko hindi kami magkakasundo pero dahil sa yellow pad ay naging magaan ang loob ko sa kanya.
Morning 'yun, first class, nagpahanda ang professor namin na si Ma'am Melody ng yellow pad para sulatan ng essay. Kaso sa kasamaang palad, intermediate pad 'yung na meron ako. Pinagtawanan ako ng mga classmates ko kasi pang-highscool 'yung papel na dala-dala ko.
Hiyang-hiya ako noon at mabuti nalang, binigayan ako ni Justin ng yellow pad. At dahil sa yellow pad na iyon, naging magaan ang loob ko sa kanya. Pagkatapos ng first subject, nagpakilala siya sa akin. Tandang tanda ko pa noon kung paano niya inabot ang kamay niya sa akin sabay sabi ng pangalan niya at tandang-tanda ko rin kung paano kong nauutal na sinabi ang pangalan ko sabay tanggap ng kamay niya. Nagshake hands kami noon. Malaki ang kamay niya at mainit. Sakop na sakop niya ang maliit kong kamay. Pakiramdam ko nga ayaw kong bitawan ang kamay niya noon.
Iba rin yung mga ngiti niya, 'yung tipong 'pag nginitian ka niya, mapapangiti ka rin ng hindi sinasadya? 'Yung mga mata niya, nakakalusaw. 'Yung tipong ma-i-intimidate at mako-concious ka sa mukha mo kapag tinitigan ka niya. At higit na nagpa-iba kay Justin sa lahat ay yung mismong pagkatao niya. Hindi kagaya ng ibang good looking guys diyan sa tabi, si Justin, napaka-down to earth. Hindi niya iniisip na marami ang humahanga sa kanya.
Nang makarating na kami sa Sasa Ferry Terminal ng Davao City ay agad na kaming bumaba lahat. Bale dalawa yung bus na naghatid at nasa 38 kaming lahat na estudyante at may lima ring professor na kasama.
Napa-wow kaming lahat kasi kung tutuusin ang lapit lang pala talaga ng Samal Isand. Tapos ang ganda rin nitong tignan mula rito sa talyer ng Davao City.
"Okay! Guys! Come here muna!" sigaw ni Ma'am Casidy sa'ming lahat. Nagtipon-tipon kami at pinakinggan siya.
"Our Profoessors have decided that instead of riding a barge papuntang Samal Island, sasakay tayo sa dalawang magkahiwalay na ferryboat okay? Sa byahe, ayaw kong makakita ng makukulit. Remember college na tayo at alam na natin kung ano ang dapat gawin. Maliwanag ba?"
"Yes ma'am!" sigaw naming lahat at excited kaming sumakay sa magkakahiwalay na ferryboat.
Nang makasakay na kami at all set na ang lahat ay agad ng nagstart ang engine ng ferryboat. Nang umusad na ito, we all sang our university hymn in chorus. Nagtawanan kaming lahat kasi nawawala sa tono 'yung iba.
Habang nakiki-join ako sa pagkanta ng university hymn, bigla akong nahinto nang makita kong nakatingin si Justin sa kanin mula doon sa boat na sinasakyan nila.
Medyo natulala ako kasi pakiramdam ko, kanina pa niya ako tinititigan. Bigla naman siyang pinagtawanan ng mga ka-barkada niya ng biglang natapon yung tubig alat sa mukha niya, pati ako ay natawa rin.
"Tingin ka kasi ng tingin kay Celestine bro!" pabirong sabi ng mga ka-tropa niya. Medyo nakaramdam naman ako ng pag-init ng parehong pisngi ko matapos kong marinig 'yun mula sa kanila.
Tingin siya ng tingin sa'kin? May muta ba ako?
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...