Kabanata XIX
"We often confuse what we wish for with what is."
~Neil Gaiman, Mirror MaskCelestine
Agad akong napa-upo at napakapit sa bakal ng jeep para maalalayan ko 'yung sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko, gusto ng lumuwa ng puso ko ngayon sa sobrang lakas ng pagpintig nito. Hinihingal ako na kinakabahan na para bang sasapit na 'yung araw dalaw ko na ewan. Parang may world war IV sa loob ng puso ko. May mga nagbabarilan, may nagpuputukan.
"That was not a kiss, that was just an accidental smack." sabi ni Justin sa may likod ko.
"Ganun ba?" medyo awkward na tanong ko sa kanya. So, hindi ko pala FIRST KISS 'YUN kundi, FIRST SMACK! Weird.
Steady na 'yung pag-andar na jeep, samantalang itong puso ko, alog parin ng alog. Maya-maya pa, napahawak ako sa lips ko at shems! Bigla akong napangiti.
***
Biglang huminto 'yung jeep sa gitna ng maraming tao. Doon namin narealize ni Justin na may festival palang nagaganap.
"Dong! Day? Okay ra ba nga muhunong sa ta kadali? Maniudto sa 'ta kay naay kaon! Dati! Abtik!" ( Iho! Iho? Okay lang ba na huminto tayo sandali? Maglunch muna tayo since may libreng pakain! Bilis! ) sabi ni Kuya kaya bumaba na kami ni Justin. Sobrang nakakatuwa 'yung festival kasi napaka-accomodating ng mga tao. Pinakain nila kami ng pinakain.
Habang kumakain kami ni Justin nang nagkakamay, may mga babaeng lumalapit sa kanya. Nakapagkamalan kasi siyang artista habang ako, napagkamalang P.A. niya. Ang saklap.
Nakapagcharge narin kami ni Justin ng mga gadget namin at nang in-on namin 'yung phones namin. Sigaw agad ng mga prof namin ang bumungad samin. Nag-explain naman kaming pareho ni Justin at naintidihan naman nila.
Pagkatapos naming maglunch ng libre, pinakain pa nila kami ng dessert. Nakakatuwa kasi hindi naman talaga kami rito nakatira, napaka-acommodiating parin nila sa'min. Kahit nga hindi kami nanghihingi, automatic silang ibinibigay nila samin.
"Boyfriend mo ba ito?" masiglang tanong ni Lola Lusing na nag-iihaw ng bangus.
"Ay hindi po." sumagot ako tas natawa nalang.
"Hindi pa." sabi naman ni Justin tapos biglang kinilig si Lola Lusing.
"Naku iho, igihan mo ang panliligaw kay ineng nang sagutin ka niya agad."
Sumagot si Justin, "Pa'no po ba napapa-oo ang babae?"
"Aba'y bakit mo naitanong? Hindi ka nagkanoyba dati?"
"I had one Lola Lusing."
"O e 'di alam mo na kung pa'no manligaw."
"Uh, to be honest Tita Lusing, 'yung ex girlfriend ko, siya 'yung nanligaw sa'kin."
Sa sinabing iyon ni Justin ay parehong kaming napanganga ni Lola Lusing. Tipong literal na nalaglag 'yung panga.
"Si Rebecca 'yung nanligaw sa'yo?" tanong ko kay Justin.
Tumango siya, "I was torpe way back then, kaya siya na 'yung gumawa ng moves."
Napaisip ako bigla. Grabe ha! Kahit may gusto ako sa isang lalaki, bilang babae, never talaga akong manliligaw. Napaka-desperate kasi tignan nun. Nakakawala ng poise, dangal, puri, at budhi bilang isang Pilipina. Babae ka, dapat ikaw 'yung nililigawan at hindi ikaw ang nanliligaw.
"Ganun ba?" garalgal boses na sabi ni Lola Lusing, "E 'di magreseach ka sa google. Uso na ang internet ngayon." sabi ni Lola kay Justin at natawa nalang kami.
"Pero, 'yung asawa ko dati. Sa pagkakatanda ko, niligawan niya ako ng limang taon. Maraming nanligaw sa'king mga binata noon ngunit si Eufracio lang ang nagtagal. Dati hinaharana niya ako, ginagalang ang pamliya ko at pinagsisilbihihan. Ganoon siya manligaw noon at hindi kagaya ngayon, naglalandian na kahit pa mag-on!" sabi ni Lola Lusing at halos matunaw 'yung kamay ni Justin na naka-akbay sa sa balikat ko nang titigan ito ni Lola Lusing.
Siniko ko naman si Justin nang sagayon ay maibaba n'ya yung kamay niya. Maya-maya pa, nagpaalam na kami kay Lola Lusing. Bago kami makaalis ni Justin, binigyan niya kami ng souvenir. Isang keychain na may drawing ng mapa ng Samal Island.
"Nakakatuwa si Lola Lusing." Sabi ni Justin at inakbayan niya ako.
Inalis ko naman agad 'yung kamay niya, "Remember, wala pang tayo!" sabi ko at natawa nalang kami ni Justin. 'Yun kasi ang bilin sa'mi ni Lola Lusing, 'wag daw muna kaming maglandian hangga't hindi pa nagiging kami.
Babalik na sana kami sa jeep na sinakyan namin kaso napahinto kami ni Justin nang may makita kaming weird na laro na pinagkakaguluhan ng mga tao.
Lumapit kami ni Justin doon at nakita namin 'yung mga tatay na hinabol ang isang biik sa putikan. Tawang-tawa kami ni Justin kasi namumudmud 'yung mga mukha at nguso ng mga tatay sa putik.
Sonbrang gulo nung laro at halos sumakit 'yung mga tiyang ng audience kakatawa. Sumali narin kasi yung mga misis sa may putikan kaya mas lalong naging katuwa-tuwa ang laro. 'Yung mga matatabang misis, nagsasapakan na! 'Yung iba naman, nagbubungguan na! 'Yung mga tao naman, sigaw na sigaw dahil sa kakatawa. Halos mangiyakngiyak din kami ni Justin sa nakita naming laro.
Maya-maya pa au may nakahuli na ng biik, "Hulik ka!"
Biglang nagsigawan yung mga tao dito sa paligid namin! Sa wakas may nag-champion na rin.
"Next round! Magboyfriend-girlfriend! May 2000 pesos ang makakahuli sa biik."
Biglang nanlaki 'yung mata ko sa sinabi nung MC.
2000 pesos? Biglang may kung anong bell ang tumunog sa parehong tainga ko nang marinig ko 'yung premyo.
"Justin! Sali tayo? Please?" pagmamakaawa ko sa kanya.
Ngumiti siya ng pilyo, "E di'ba magboyfriend-girlfriend 'yung hinahanap?" Ngumisi siya.
Nabuntong-hininha na lang ako. Oo nga pala! Hindi pa pala kami official! Tss.
"Isang pares nalang ang kulang! Magbibigalang ako ng sampu, kapag wala pang walang nang pupunta rito sa harapan, ang mga narito lang ngayon ang makakasali sa laro! Isa! Dalawa! Tatlo!"
Medyo naiyak na ako ng magsimula ng magbilang 'yung MC. Jusko! 2000 pesos din 'yun! 40 pesos lang baon ko araw-araw kaya malaking tulong na 'yung 2000 pesos sa'kin.
"Apat! Lima! Anim! Pito! Walo!"
Nagsalita bigla si Justin, "Unless sasagutin mo ako partially?"
Natigil ako sa tanong niya, "Partially?" kumunot yung noo ko.
"Siyam!!" Mas lalo akong nataranta at naiyak.
"Yes, patrially. Means, mauuna 'yung oo mo, tapos tsaka na 'yung panliligaw ko."
"Sam----"
Hindi na ako nagdalawang isip, tutal mahal ko rin naman siya at hiniling ko rin naman sa mga bituin na maging kami kaya, "YES! SINASAGOT NA KITA! PARTIALLY!" sigaw ko sa kanya at mabilis pa sa kidlat ay masigla akong binuhat ni Justin papunta sa may putikanb tapos napa-ayee yung mga tao. Tini-tease nila kami. Nakakahiya pero bigla akong kinilig.
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...