Kabanata XVI
"Because hope comes from in you, and wishes are just magic."
~Laini Taylor, Daughter of Smoke & Bone
Celestine
Tumila na 'yung ulan pero hanggang ngayon, wala parin kaming nasasakyan. Hindi rin namin alam kung anong oras na ba since nabasa 'yung mga telepono at relo namin.
"May bahay!" hinila ako ni Justin papunta sa isang bahay. Actually, isa siyang kubo pero mas malaki siya kaysa sa usual na kubo. Gawa sa balat ng kahoy ng niyog ang mga dingding at gawa naman sa nipa ang bubong. Kawayan naman ang bintana at plywood ang pintuan. May ilaw din sa loob. Kulay lila 'yung ilaw at mukhang galing sa gasera 'yung apoy.
"Sigurado ka ba dito?" tanong ko kay Justin.
"Mas mabuti na'to kaysa sa mag-stay tayo sa daan." Aniya.
"Tao po!" Kinatok ni Justin yung pintuan.
"Sino 'yan?" masiglang sigaw ng babaeng nasa loob. Medyo pamilyar yung boses niya.
"Si Justin po at Celestine. Hihingi po sana kami ng tulong. Wala na po kasi kaming masakyan. Galing po kami sa Mt. Puting bato!" sigaw ko.
Maya-maya pa, biglang nagbukas 'yung pinto. Pareho kaming nagulat ni Justin kasi nakita namin si Ate Precy. 'Yung kasama naming sumakay kaninang umaga doon karitel ng kalabaw kasama 'yung mga anak niya?
"Jusko! Kayo pala! Anong nangyari sa inyo't basang-basa kayo? Pumasok kayo, dali!" sabi ni Ate Precy at pinapasok niya na kami sa loob ng bahay nila.
Napaka-simple lang ng bahay nila Ate Precy. Mayroon itong maliit na kusina. Isang sala at isang kwarto na hinati sa dalawa gamit ang kurtina. Gasera naman ang gamit nilang ilaw since hindi pa sila abot ng kuryente. Masaya 'yung bahay nila kasi, masaya silang pamilya dito. Tulog na rin 'yung mga anak nila nang makarating kami.
"Kumain na muna kayo!" sabi ni ate Precy at inilagy niya sa mesa ang kanin na mais at ulam na tinola. Hindi ako kumakain ng kaning mais pero dahil sa gutom at pagod, napalamon talaga ako.
Si Justin naman, hindi magkandamayaw sa paghigop ng mainit na sabaw ng tinola. Masarap 'yung tinola kasi native yung manok na ginamit.
Nang matapos kami, "Thank you po, Ate Precy, Kuya Jordan." sabi ko sa mag-asawang nasa harap namin ngayon ni Justin.
"Thanks po, ang sarap ng tinola niyo." sabi ni Justin sa kanila.
"Ano ba kasing ginawa n'yo roon at inabot kayo ng gabi?" tanong ni Kuya Jordan.
"Inenvite po kasi kami ng mga foreigners sa isang talk, nahiya kaming tumanggi ni Justin kaya 'yun, natagalan talaga kami." sabi ko kay Kuya Jordan.
"Naihi rin po kasi Celestine kaya hindi namin nahabol 'yung guide at nawala kami."
"Aba'y mabuti nalang at walang masamang nangyari sa inyo." wika ni Ate Precy.
"Oo nga po e, nakalabas naman kami ng safe." sabi ko sa kanila.
"Ganun ba? E pa'no naman 'yung mga Professors n'yo?" tanong ni Ate Precy.
"Yung nga po ang problema namin Ate Precy e." sabi ko at napahinga nalang ng malaim. Paniguradong nag-aalala na silang lahat samin ni Justin. Haay.
Nagsalita si Justin, "Ate Precy, are there still some available vehicles sa labas na dumadaan dito sa ganitong oras?"
"Naku Justin, mukhang wala na talaga e. 'Pag walang ulan meron pero kakaonti lang. Pero 'pag ganitong kalakas yun ulan? Malabo."
"Ganun ho ba?" medyo nalungkot si Justin at malungkot niya akong tinignan, "Uh, tita Precy and tito Jordan? Pwede po ba kaming mag-overnigt ni Celestine rito?" tanong ni Justin na medyo ikinagitla ko. O-overnight?
Sumagot si Kuya Jordan, "Aba siympre, pwedeng-pwede, 'yun nga lang, sa iisang kama kayo matutulog. Hindi rin naman pwedeng dito kayo sa sala matutulog kasi maliit lang naman ang mga bangko namin. Hindi rin naman pwede sa sahig kasi lupa 'yung sahig namin at hindi simyento? Okay lang ba 'yun?"
"Ha? Hehehe." 'Yun lang 'yung nasagot.
"Sure, okay na okay po." sagot naman ni Justin na siyang ikinatulala ko.
***
"Naku! Mukhang wala nga talagang magkakasya sayong iba kundi itong maong na mini-shorts ng pamangkin ko." inilagay ni Ate Percy yung shorts sa bewang ko at sinukat niya ito sa akin.
"Oh, sakto!" sabi ni ate Percy. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin 'yung napaka-ikling shorts.
"At eto pa oh, may sando, bra at panty pa. Sa pamangkin ko lahat 'yan." sabi niya at binigay niya sa'kin 'yung mga sinabi niya.
"Hindi kaya magalit 'yung pamangkin n'yo sa'kib kasi hiniram ko 'tong mga gamit niya?" tanong ko kay Ate Precy.
"Ay hindi, matagal ng pumanaw 'yung pamangkin ko kaya okay lang." Napanganga naman ako sa sinabi ni Ate Precy. Wala ako choice at tinanggap ko nalang, nakakahiya rin naman kung tatanggi ako. Nilabhan kaya to? Nganga.
"At eto, ibigay mo'to kay Justin." sabi niya at ibinigay niya sakin 'yung puting sando at panlalaking shorts.
"Kay Jordan 'yan, pinaglumaan niya." sabi ni ate Precy, "Teka, parang may kulang." Sabi niya at makalipas ang sandali ay hinugot niya mula sa cabinet 'yung telang puti na pahaba form sabay bigay sa'kin.
Nagtataka kong tinignan 'yung puting tela, "Ano po 'to?"
"Bahag 'yan, ginagamit 'yan dito ng mga lalaki bilang salawal." sa sanabing iyon ni Ate Precy at muntikan ko mang mabitawan yung puting telang bahag pala.
Lumabas na ako sa kwarto ni Ate Precy. Paglabas ko, nakita ko si Kuya Jordan at Justin na nag-uusap habang umiinum ng tuba. ( Tuba, in filipino: lambanog, in english, coconut wine. Tuba. )
"Sige po, pasok na ako. Salamat po sa tuba." sabi ni Justin kay Kuya Jordan at lumapit na siya sa'kin, awkward ko namang ibinigay sa kanya 'yung mga gamit na ipinapabigay ni ate Precy.
Nagkamot siya ng buhok at pilyong ngumiti, "Pa'no ba 'yan? Magkatabi tayong matutlog?"
"Tumigil ka nga!" sabi ko sa kanya at nauna ng pumasok kwarto.
Hinila ko 'yung kurtina na nagsisilbing pinto ng kwarto, "Huwag ka munang papasok! Magbibihis lang ako. Huwag kang maninilip!" sabi ko sa kanya.
Dali-dali naman ako nagbihis. Wala pang dalawang minuto, tapos na ako.
Lumabas na ako ng kwarto, at ibinigay na sa kanya 'yung towel. Ngumiti siya ng pilyo at pumasok na sa kwarto.
Hindi man lang niya hinila 'yung kurtina kaya ako na 'yung humila. At nung hinila ko na 'yung kurtina, nadatnan ko namang naghuhubad siya nga shirt niya. Ewan ko ba't kahit pigilan ko 'yung sarili ko ay napatingin parin ako sa katawan niya. Medyo nagulat ako kasi may a-a-abs pala siya. Namula naman ako. Pakiramdam ko kasi hinahalay ko siya sa isip ko.
Nang maghubad siya ng jeans, ay agad ko ng iniwas 'yung paningin ko pero ewan ko ba talaga't may kung anong pwersang nagtutulak upang muli kong ibalik yung paningin ko sa loob.
Lord, isang beses lang naman.
Sumilip ako kaso pagsilip ko, nakita ko yung mukha ni Justin sa harapan ko.
Siyempre, nanlaki yung mata ko.
Akala ko tatanungin niya kung bakit ako sumisilip pero iba yung tinanong niya.
"Celestine? Ano 'to?" sabi niya sabay pakita ng puting tela na ibinigay sa'kin ni Ate Precy na bahag ang tawag.
Napalunok ako ng laway.
Pa'no ko ba i-e-explain 'to?
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...