Kabanata III
"It's the kind of kiss that inspires stars to climb into the sky and light up the world."
Tahereh Mafi, Ignite Me (Shatter Me, #3)
Celestine
Mild lang 'yung alon ng dagat ngayon. Minsan, tumitilamsik 'yung mga tubig pero minsan lang talaga mangyari.
Habang naglalayag 'yung ferry boat, itinaas ko yung kamay ko sa may bintana para ramdamin 'yung masarap ng hangin. Hindi ako nabigo at dumampi nga ang mabanayad na haplos ng hangin sa kamay ko.
"Guys, picture picture!" itinapat sa'min ni Ma'am Joyce 'yung DSLR niya sa'ming lahat at kinunan niya kami ng shot. Ngumiti ako siyampre at nag-peace sign.
"Sa'yo ba ito?" napalingon ako sa may gilid ko.
"Ay, oo akin nga. Thanks." sabi ko sa kanya at kinuha ko 'yung Accounting book ko sa kamay niya. Nalaglag ko ata habang binabasa ko kanina. Kailangan ko kasing review-hin itong accounting kasi medyo nahirapan akong intindihin ito lately kaya dala-dala ko ito ngayon.
"By the way, boyfriend mo ba 'yung lalaking nasa kabilang ferry boat?" tanong niya at itinuro niya si Justin. Hindi ko alam kung dapat ko siya sagutin kasi hindi naman talaga kami magkakilala afterall, oo sa parehong university kami nag-aaral, same course pero magkaiba kami ng block. Minsan ko na siyang nakita pero hindi ko siya kilala.
"Hindi, ka-block mate ko lang." wika ko sa kanya,
"Akala ko boyfriend mo, tingin ng tingin e." sabi ng lalaking katabi ko at nag-plug-in nalang ako ng earset sa parehong tainga ko para hindi na niya ako isturbuhin. Ganito talaga ako. Minsan sinasabi ng iba na mataray ako pero sa totoo lang ay hindi naman. Nakikipagusap at nakikipag-biruan ako sa mga taong kilala ko pero hindi sa mga taong hindi ko alam ang pangalan.
After 5 minutes, dumaong na 'yung ferryboat sa mismong ferry terminal ng Samal Island. Pagkababa ko, medyo namangha ako kasi marami ng nagbago dito. Last time kasing nakapunta ako dito ay 7 years old palang yata ako noon at sa pagkakatanda ko, hindi pa naghihiwalay si Mama at Papa noon.
Nung nakababa na ang lahat, sinalubong naman agad kami ng mga Sama ( indigenous people living in Samal ) with their dance at music intermission number. Pagkatapos nilang gawin iyon ay binigyan nila kami ng kwintas na yari sa bulaklak na orchid.
"Guys! It's alteady 10:50pm at alam naming medyo nagutom kayo sa byahe. So what do you want? Mag-che-check in muna tayo sa resort or kakain muna tayo?" tanong ni Ma'am Ging.
"Let's eat muna ma'am!" sigaw ng mga ka-coursemate ko at naglakad na ang lahat papunta sa isang kainan which is the Balamban Liempo. Kinuha ko 'yung wallet ko at medyo nalungkot ako nung makita ko 'yung pera ko.
125 pesos. Ito lang ang perang dala ko at pagkakasyahin ko 'to sa loob ng tatlong araw. Buti nga cover lahat ng excess ng scholarship ko ang retreat na ito kasi for sure, hindi talaga ako makakasama.
"Aren't you gonna join them?"
Napalingon ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si Justin.
Medyo natulala ako sa pinakaunang segundo na nakita ko siya pero agad rin naman akong natauhan at sinagot ang tanong niya.
"Hindi na, kulang ako sa wawarts e." Sabi ko kay Justin. Wawarts ang informal na tawag namin sa pera dito sa mindanao. Kwarta naman kung formal.
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...