Kabanata XV
"But wishes are only granted in fairy tales."
Simone Elkeles, Perfect Chemistry
Celestine
Kung palakasan lang ng trip ang paguusapan, siguro kami na ni Justin ang mag-ta-top sa top list ng mga malalakas ang topak at may toyo sa utak. Imbes kasi na magmukmok kami sa waiting shed at mag-drama, sumulong kami sa ulan at naglaro.
"Mahahabol din kita!" sigaw ni Justin habang hinahabol niya ako.
"Kung kaya mo! Hahaha!" sigaw ko sa kanya at nagpaikot-ikot lang sa daan.
Kung titignan mo kami ngayon, para kaming mga bata na first time na nakapaglaro sa ulan. Pero ang totoo, first time ko talaga 'to. Since, ako lang 'yung nag-iisang anak ni Mama, medyo naging overprotected siya sa'kin. Naiintindihan ko naman iyon at wala namang problema sa'kin 'yun. Siyempre, mama ko siya at natural lang na maging concern siya sa'kin.
Naalala ko nung bata ako, umuulan noon, gusto kong maglaro sa labas kasama nung mga kalaro ko pero hindi ako pinayagan ni mama. Sa bintana ng bahay namin, nakatingin lang ako sa kanila, pinagmamasdan ko lang silang maglaro.
Aaminin kong maraming na-deprive sa'kin ng mama ko noong bata ako. Marami akong hindi na-experience. Naalalala ko noon, sa school namin, lunch, elementary ako, usong-uso noon ang chinese garter. Gusto kong sumali nun pero hindi ko alam kong pa'no kasi hindi ko siya na-tray na laruin kasi ayaw ni Mama kasi baka raw magaluasan ako. Kaya ang ginawa ko, bumili ako ng goma sa labas ng school at pinagpramtisan ko siya sa bahay. Tinali ko siya sa dalawang kahoy at pinursige kong makuha 'yung 10, 20, 30, 40, 50 na step, sabay talon, aapakan ang parehong garter at sabay ssigaw ng '100'. Para akong tanga noon kasi naglalaro ako ng chinese garter mag-isa. Napagkamalan pa nga ako ng kapitbahay namin na may kaibigan daw akong maligno kasi nga, naglalaro ako ng mag-isa.
Marami akong hindi narasan noong bata ako, kaya nga siguro ngayon na nagdalaga na ako, naging curios ako sa mga bagay na hindi ko na experience dati.
Itong retreat na ito, ang totoo, hindi ko sponsored ng excess ng scholarship ko. Hindi ito libre at may bayad itong 7,500 pesos. At ang totoo niyan, hindi rin ito compulsory. Isa lang itong retreat ng organization na sinalihan ng blockmates ko para sa subject namin sa Humanities. At oo, nagsinungaling ako sa mama ko.
Nagsinungaling ako kasi kahit isang beses lang sa buong buhay ko, gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam ng isang retreat at ngayon, nalaman kong masaya pala siya.
"Huli ka!" sigaw ni Justin ng mahuli niya ako.
Pareho kaming natawa at habang binabasa ng ulan, umupo kami sa isang sirang kahoy na nasa gilid ng daan.
"Ang saya palang maligo sa ulan." sabi ko sa kanya.
"Sinabi mo pa." sabi ni Justin at natawa siya.
"Ikaw? First time mo rin bang maligo sa ulan?" tanong ko sa kanya kahit medyo giniginaw na.
"First time." sagot niya, "At first time ko ring masaktan ng ganito." sabi niya at dahil umuulan, hindi ako sigurado kung umiiyak ba siya ngayon o hindi.
"Iiyak mo lang 'yan, pero 'wag kang iiyak habang buhay. Ma-dedehydrate ka, sige ka." pabiro kong sabi sa kanya.
Yumuko si Justin nakita ko kung paano namula yung gilid ng mga mata niya. Makailang beses niyang kinagat ang ibabang labi niya at doon ko nakumpirma na umiiyak siya.
Sa tanang buhay ko, first time kong makakita ng lalaking umiiyak. Na-realize ko na mas masakit palang pakinggan ang iyak ng isang lalaki.
Masakit pakinggan kasi walang tunog ang pag-iyak nila. Wang hikbi, walang hiyaw. Nasa loob lahat ng sigaw. Pinipigilan nila ang paghinga nila para hindi lumabas yung luha pero sa oras na iiyak sila, wala na silang kontrol sa lahat. Agos lang ng agos ang mga luha nila.
Hindi kagaya sa'ming mga babae, kung nasasaktan kami, automatic kaming naiiyak kasi defense mechanism namin 'yun para malabanan 'yung sakit na nararamdaman namin.
Sa part ng lalaki, hindi iyak ang defense mechanism nila kundi pagtitimpi. Iniipon nila lang ng galit, sama ng loob, puot, sakit, hinagpis at kung anu-ano pang negatibong na emosyon sa sarili nila. At pag napuno 'yun, doon lang nila ipapalabas ang lahat.
Hindi ko alam kung paano icomfort ang isang lalaking umiiyak pero nabasa ko dati sa isang article na kapag umiiyak daw ang lalaki, the best comfort to give him is smoothly tap his back. Base daw ito sa isang research kung saan may mga lalaking babies ang respondents. 49 babies ang sabay-sabay na umiyak at sabay-sabay ring ti-nap ang likod at after some minutes, tumigil na sa pag-iyak 'yung mga babies.
I tapped Justin's back. Ngayon, hindi masyadong intense 'yung pag-iyak niya kaya medyo napangiti na ako.
Hindi ko pinangangalandakan sa buong mundo na matalino ako pero alam ko namang may ibubuga ako. Pero kung anu ang ikinatalino namin ni Justin, siya rin naman ang ikinahina ng puso namin pagdating sa pag-ibig.
Si Justin, obsessed sa girlfriend niyang mayroon ng bago, habang ako, obsessed naman sa kanya. Ang saya no? Para naming hinabol ko 'yung isang finish line na may hinabol din finish line.
Yung cliché na sinasabi ng iba na puso ang ginagamit kapag nagmamahal, pakiramdam ko totoo nga siguro 'yun. Sa pagkakaalam ko kasi, utak lang ang lahat ng responsible sa lahat. Kaya ang nangyayari sa'min ni Justin, utak 'yung tumitibok at hindi puso. Kaya kapag nasaktan, utak din ang nahahati. Kaya ang tawag dun, hindi na heartbreak kundi, brainbreak. Saklap no?
Dati may kaklase ako sa subject na Corporate Social Responsibility and Good Governance. Matalino siya. Hindi ko alam kung paanong sumagi sa isip niya ang tanong na iyon pero itinanong parin niya iyon sa kaklase naming nag-rereport, sabi niya in a non-verbatim way, 'Bakit daw 'I love you' ang sinabi kung ang salitang love ay hindi naman na-p-procees sa heart kundi sa mismong utak? Bakit daw hindi nalang I mind you?
Nainis ako kaya sinagot ko siya, 'Masyado mo kasing ginagawang literal ang salitang 'love'. Ang love kasi, ginagamit siya as a figurative word. At kung liliteralin mo talaga siya, mapapasabi ka talaga ng, 'I brain you.'
Pinagtawanan siya ng mga kaklase ko dahil sa sagot ko, kinalaunan pinagtawan ko 'yung sarili ko kasi napagtanto ko at paulit-ulit ko talagang natatanto na hindi lang pala puso ang pinapairal, pati rin pala ang isip. Kaya nga may verb na ISAPUSO kasi ang dapat ginagawa ng mga taong nagmamahal ay pinag-iisa ang ISip at PUSO. Kaya ISAPUSO. Kung nalilito ka, gamitin mo isip mo, huwag kasi, puso ng puso!
Hanggang ngayon, umuulan parin. Alam kong bad timing pero sasabihin ko na ito sa kanya tutal nasabi ko rin naman ito kanina, "Justin? Tinatanong mo kung gusto kita 'di ba?" tanong ko sa kanya at mula sa pagkakayuko ay lumingon siya.
"Alam kong napaka-awkwrd nito pero inaamin kong matagal na kitang hinahangan. Kaya 'yung tinatanong mong gusto ka ba kita?" tumingin ako sa mga mata niya, "Oo ang sagot."
Katahimikan.
Biglang natahimik ang paligid namin kahit umuulan. Nabingi ako sa katahimikang iyon na siyang naging dagilan upang makaramdam ako ng matiding kaba.
Akala ko, wala ng plano si Justin na sagutin ang sinabi kong iyon sa kanya pero makalipas ang ilang sandali ay ngumiti siya, "Sige Celestine. Sa abot ng makakaya ko, susubukan kong pantayan ang nararamdam mo."
Sa sinabing iyon ni Justin ay nawala ang kabang naramdaman ko. Bigla akong nakaramdam ng tuwa at napayakap nalang ako sa kanya.
"Sige, Justine. Susubukan ko ring pantayan ang pagmamahal mo sa ex mo. Kung pupuwede, mas hihigitan ko pa." sabi ko sa kanya at naramdaman kong humigpit bigla 'yung yakap niya.
Hindi ko namalayan, may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko dahil sa tuwang naramdaman ko. Kahit walang mga bituin dahil umuulan ay napatingin parin ako sa kalangitan. Masyado atang napaaga ang pag-grant ng hiling ko. Salamat sa'yo JUPITER0520.
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...