The end

6 0 0
                                    

Yue's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng opisina ni Jacob. Tinext ko na lang sya na gusto kong makipag usap at naghihintay ako sa second floor ng building nila na malapit sa hagdan. Dito ko na lang sya kakausapin dahil konti lang yung taong dumadaan and most of the time wala talagang dumadaan.

I'm too busy practicing my line na hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sya.

"Hi." I greeted him.

"Hello." He coldly said. Gusto kong hawakan yung tummy ko pero pinipigilan ko yung sarili ko.

"I need to tell you something." Sabi ko ng nakayuko. Hindi ko sya matingnan sa mata dahil hindi ko alam kung anong reaksyon ang ibibigay nya sa akin.

"What's that?" Tanong nya sa akin. I can feel that He's not interested to whatever I'm going to say. And that shuts me up for some moment. I take all the courage that I had and open my mouth, hinihintay nya lang rin na mag salita ako.

"I'm-----" Before I could tell him my intentions, bigla nya na lang akong pinigilan, I saw him take his phone out of his pocket, tumutunog ito. He answered the call and according sa facial expression nya, mukhang may nangyaring masama. He's too disturbed. After the phone call nag paalam sya bigla sa akin but I tried to stop him. It's now or never.

"Wait, Jacob kailangan kong sabihin sayo to.. Please just give me a moment. Kung hindi ko to sasabihin sayo, mawawalan na ako ng lakas ng loob sabihin to sayo sa susunod."

"I really have to go. Ally needs me, and whatever is that, that you wanted to tell me just keep it in your self, lalo na kung makasisira lang yan ng friendship natin at ng relasyon namin ni Ally." He's almost mad. No! He's mad. Natahimik ako sa sinabi nya, ang nagawa ko lang ay ang panoorin syang tumakbo palayo sa akin. Then tears run down my cheeks, hindi ko na mapigilang hawakan yung tummy ko. Naaawa ako sa baby ko, naaawa ako sa aming dalawa dahil hindi man lang kami binigyan ng tatay nya ng chance na ipaalam na nag'eexist sya sa mundo. I sat down on the stairs, and continued to cry. Then someone handed me his handkerchief. I look at the guy behind me, and thank him for lending me his hanky.

"Tama na yan, Yue. You shouldn't cry over a guy who's foolish enough to never see your worth." Sabi ni Justice na ngayon ay hinihimas ang likod ko. Si Justice yung kapatid ni Jacob, he's younger than him, halos magka'edad lang nga kami, but he's older ng 3 months sa akin.

"Thank you again Just. Hindi ko na kasi mapigilang umiyak." I said. Pinunasan ko na yung luha ko at naglakad palabas ng building nila. Tahimik namang nakasunod sa akin si Justice, hindi ko na lang sya pinansin dahil baka uuwi na sya or may meeting sya. I reach for my phone and before I can dial Dion's number, bigla ng nagsalita si Justice.

"Hatid na kita. San ka ba uuwi?" He asked.

"No. I'm ok, susunduin ako ni Dion." I said and give him a smile.

"You don't look ok. Namumutla ka na and I think matatagalan si ate Dion kung hihintayin mo sya rito. Let me send you home, makabawi man lang sayo in behalf of my brothers wrong doing." Sabi nya.

"Ok fine." Pag sang-ayon ko sa kanya. I don't want to argue right now. Unang-una sa lahat pagod na ako, and pangalawa gutom na gutom na ako, gutom na rin yung baby ko. And I really need to feed my child.

/

/

/

/

Bago kamiumuwi, dumaan muna kami sa isang fast food chain. Bumili ako ng Fries, burger, and coke. Bumili din ako sa nadaan naming convenience store ng 1 gallon of Ice cream at siopao naman sa stand na nasa gilid ng store.

"Will you eat all of that?" Takang tanong ni Justice sa akin. I just nod at him. Nakita ko rin syang bumili ng sarili nyang pagkain kanina.

"You will not share it with me?" Tanong nya ulit.

"Nope" I simply answered. Natawa naman sya at tinawag akong matakaw. Nakarating kami sa bahay namin dito sa Manila. Simula ng nag-migrate sila mommy at daddy sa New York, hindi na ako umuwi dito. Ngayon na lang. I invited Justice in. Um-oo naman sya kaya dumeretso na kami sa garden. Doon ko gustong kumain dahil maganda ang ambiance sa may garden. Kumakain na ako ng mapansin ko na nakatingin sya sa akin.

"What's with you?" I asked him.

"Seriously? Burger na nilagyan mo ng Ice cream?!!" React nya.

"Oa? Eh sa yan ang gusto ng ba----" I pause. I shouldn't tell him na buntis ako. Baka mamaya masabi nya pa sa kuya nya. And for sure tatanungin ako nito kung sino ang ama ng anak ko.

"Ahmm. Eto yung gusto ng system ko eeeh.. Walang basagan ng trip." I said instead.

"You're weird seriously. Pero dahil yan ang gusto ng system mo then. Fine" Tapos tinuloy nya na yung pag kain. Ganun din yung ginawa ko. After naming kumain, nag-paalam na sya sa akin dahil may meeting pa daw syang dadaluhan. Hinatid ko sya hanggang sa may gate namin at nag pasalamat. I also texted Dion para dito na ako sunduin. Nang makaalis na ang kotse ni Justice saka naman dumating si Dion.

"What happened?" Pagka baba pa lang nya ng sasakyan ay tinanong nya na ako agad. I tell her the whole story, and I can feel na galit sya kay Jacob. Hinawakan nya yung kamay ko at kinomfort ako. Pinigilan kong umiyak dahil ayaw kong ma-stress ang anak ko.

"Maybe that was the end. I already have to cut all the ties between me and him. Let's not bother him anymore. Wag ka ng gumawa ng paraan para sabihin sa kanya to. Hayaan mo na lang kami ng magiging anak ko na tahimik na mamuhay. Please?" I pleaded. Alam ko kasi ang ugali ni Dion, baka sumugod pa sya doon kina Jacob at mag eskandalo. Hindi sya eskandalosa, but when it comes to me or sa iba pa naming barkada kahit kay Jacob, nagiging ganyan sya. Cause she loves us and she never wanted to see us hurting. Tumango lang sya bilang sagot.

'Goodbye Jacob Dei Guillian' I said to my self.

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon