Goodbyes

2 0 0
                                    

Yue's POV

"Let's go" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto namin ng kambal.
"Sige susunod na lang ako sa inyo dun sa baba." Saad ko saka muling tumingin sa mga gamit namin na inimpake ko kagabi.
We're leaving, and we planned to never come back again. Siguro yun yung pinakamabuting gawin. Alam na rin naman ng kambal na hindi si Justice ang papa nila, at hindi rin nila kayang tanggapin si Jacob bilang ama.

Paglabas ko ng kwarto agad kong nakita ang mama at papa ni Justice na nakatayo sa bungad ng hagdan. Maluha-luha ang mama nito at halos lumuhod na sa harap ng asawa upang pigilan kami sa aming pag-alis.

"Hija, wag na kayong lumayo, hayaan mo naman kaming makasama ang mga apo namin. Patawarin mo na ang anak ko, patawarin mo na si Jacob" patuloy nitong pagmamaka-awa.

"May kasalanan din po ako tita, kaya hindi ko din po magagawang sisihin si Jacob sa lahat ng nangyari. Pero hindi na po ako ang may hawak ng desisyon, takot ang mga bata sa kanya, at lalo lang silang matatakot kung mananatili kami sa lugar kung saan maaaring pumunta si Jacob." Paliwanag ko sa matanda.

"Hindi naman masamang tao ang anak ko, nagawa nya lang yun dahil sa selos at hinagpis ng malaman nyang ang pinakamamahal nyang babae ay umiibig sa sarili niyang kapatid." Umiling na lang ako sa mama ni Justice.
"Sorry po talaga.  Hindi ko gustong ilayo sa inyo ang mga bata,  pero hindi ko rin po pwedeng hayaan na manatili pa sila dito sa ganitong sitwasyon.
Instead of arguing with me because of my decision,  nang-uunawang napatango na lamang siya sa akin kahit na tuloy parin ang luha nya sa pagtulo. Niyakap ko na lamang sya at ganun din ang ginawa nya sa akin.
I need to let my childrens heart heal, and mine as well.

4 years later.

"Still thinking of him?" napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko.

"Hmm. I thought I could just forget about him. I was so wrong." sabi ko saka ulit tumingin sa hampas ng alon sa dalampasigan.

"The kids are already fine. Dahil sa mga kwento mo,  gusto na din nilang patawarin at bigyan ang kanilang ama ng isa pang
pagkakataon." sabi niya sa akin. 

"I know. Hindi ko lang alam kung paano sya haharapin." I said again.

"Face it with sincerity then." sabi nya ulit. Napalingon ako sa kanya at napangiti.

"Just like how you sincerely broke my heart by saying that you've fallen in love at first sight with another girl?" pambubuska ko sa kanya, na nakapagpa-pula sa kanyang pisngi at tainga.

"Sorry." He said shyly.
Natawa na lang ako dahil sa pang-aasar sa kanya. Honestly, when he admitted that he fell for someone else,  I'm more relieved than hurt. Alam kong minahal nya ako,  pero alam kong hindi ako ang para sa kanya.
And I was right cause Honey is for Justice and I'm only for Jacob. The man I love even if he hurts me every time. My Mr. Right.

"Come on, talk things out with him." he said.

"Fine. I will. But I'll leave the kids to you.  Ok?" sabi ko sa kanya.

"OK!!" masaya na nyang sabi. He has always been that good friend that never leave me,  and I'm so happy na tinutulungan nya kaming magka-ayos ng kapatid nya.

After a week nakapag book na ako ng flight pauwi ng Pilipinas and of course nabilinan ko na rin si Jared sa dapat gawin. Silang dalawa ni Honey ang magbabantay sa mga bata habang wala ako. Medyo kinakabahan ako dahil magkikita na kami ulit ni Jacob. I was thinking if he'll be happy to see me or he had already move on since matagal-tagal na rin kaming komunikasyon.

"Hey!" Napabalikwas ako sa sobrang gulat ng biglang sumulpot si Justice.

"Muntik na kitang murahin" sabi ko sa kanya ng mahimasmasan ako.

"You're spacing out kaya naman binalik lang kita dito sa earth." Pagbibiro nya pa saka tumabi sa akin.

"I'm not spacing out. I just don't know if he'll still accept me. Wala ka bang balita kung may asawa na sya or what?" Seryosong tanong ko kay Justice pero imbes na saguyin ako ay nagkibit-balikat lamang ito saka umalis.

"Jerk!" Malakas kong sigaw sa kanya na syang nagpahalakhak naman rito.

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon