A journey with the person I love

9 0 0
                                    

Fast forward...

Jacob's POV

After the wedding reception dumeretso na kami ni Cala sa airport, pupunta kaming Japan for the honey moon.

"Jacobong tulala!!" I look at her and frown. Bakit ang hilig nitong papangitin yung pangalan ko??
My thoughts were wash away when I look at her lips. I still can't get over with that kiss, first time nya yun alam ko, pero bakit pakiramdam ko ako yung first time lang makahalik?? I shook my head. ERASE THAT THOUGHT JACOB!

"Hala!! Tulala talaga!" She exclaimed. I raise my brows and give that what-do-you-want look.

"Kanina pa ako nagsasalita hindi ka pala nakikinig sa akin. I said let's go, maiiwan tayo oh??" She pull my hand and lead me inside.

After 364926167 years nakarating din kami sa Japan, I was walking out the airport to grab a cab when Cala stopped me.

"Hanggang dito na lang ako Jacob, puntahan mo tong address na to, enjoy the three days honeymoon with the person you really wanna be with." And she handed me a piece of paper na may address.

"San ka pupunta?" I asked her. She just smiled at me.

"Korea, mag papa-autograph ako kay Song Joong Ki" I smiled at her, puro sya kalokohan. I hugged her tight and left her.

Yue's POV

Naka upo ako ngayon sa isang vacant seat sa airport habang hinihintay na tawagin yung flight ko. Three hours na ako dito and I think makakarating na si Jacob sa private villa na pa sikreto kong inupahan para magkaroon sila ng oras ni Ally. Alam ko nagpapakatanga ako pero hindi sya sa akin, kinuha ko na nga yung dapat kasal nila pati ba naman yung honeymoon aagawin ko pa? 'No wonder Cala Yuerecca Santillian-Guillian baliw ka na nga.' I said to my self.
Tumayo na ako ng marinig na tinawag na yung flight na sasamahan ko. Hindi naman ako papuntang Korea, pupunta ako sa Syria. Ok waley. Pupunta ako sa Thailand, dun ko kasi balak magtayo ng sarili kong bahay after kong makuha yung inheritance ko.
Hayyy. Sana masaya ka jan Dei.

Jacob's POV

Gabi na ng makarating ako sa isang maliit na Japanese house na tinutukoy sa address na bigay ni Cala, I enter the house and saw how beautiful it is, modern and ancient touch are seen in the whole house and I love it. May nakita akong petals sa sahig at napangiti ako. I followed the petals and it leads me to a door sa likod ng bahay, I was in shock to see Ally, nakatalikod sya sa akin at nakatingin sa kawalan. I hug her from behind at agad naman syang humarap. She kiss me and I responded, pero natigil ako sa pag halik sa kanya ng biglang pumasok sa isip ko yung mga labi ni Cala.

"May problema ba baby?" Pukaw ni Allyson sa akin.
"Wala. I'm just glad that you're with me." I hug her and shrugged the thought of Cala on my mind. 'Salamat bestfriend. Salamat para dito' I said to my self then once again, I look at Ally's face and give her a peck on the lips.

Fast forward....

Last day na namin ni Ally dito sa Japan, we spend more time alone kesa sa pag pasyal. Ngayon nasa bahay lang kami at naghahanda sya ng dinner for us. We wanted to be together for a longer time pero kailangan pa naming tulungan si Cala. And speaking of her tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot at pag nag chat naman sya kay Ally sinasabi lang nito na inaabangan nya parin si Song Joong ki na Idol na Idol nya, kaya hindi na rin ako masyadong nagtatanong.

"Baby!? Dinner is ready!!" Hay, my baby's so loud. Napailing na lang ako at tuloy-tuloy na tumungo sa kitchen kung saan nag hihintay na sa akin ang prinsesa ko.

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon