Hindi ako mapakali simula ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa Pilipinas. Sa totoo lang wala na akong naging masyadong balita tungkol kay Jacob. Basta ang alam ko lang ay lagi nyang kinakamusta kay Justice ang mga bata at humihingi sya ng tawad sa amin. Maliban doon ay wala na akong ibang balita tungkol sa kanya. Hindi rin naman gaanong nagkukwento si Justice dahil busy sya sa asawa nya na malapit ng manganak.
"Sorry!" Mabilis na paumanhin sa akin ng babaeng nakabangga sa mga gamit ko habang palabas kami ng airport.
"it's okay." Tipid ko na lang na sagot saka ko itinayo ang maleta ko na natumba ng mabangga niya.
"Pasensya ka na miss, nagmamadali kasi ako." Paumanhin nya ulit sa akin.
"No. Don't worry ayos lang talaga ako. Pwede mo na akong iwan mukhang nagmamadali ka nga talaga." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sige miss. Pasensya na ulit." Sabi nya saka naglakad ng mabilis palabas ng airport. Mabilis ko din namang nakuha lahat ng gamit ko at nagmamadali na rin lumabas ng airport upang makapunta na ako sa lalaking mahal ko. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng airport ay natigil ako sa nakita ko.
"Jacob" Tangi kong sambit sa lalaking ngayon ay mahigpit na nakayakap sa babaeng nakabangga sa akin kanina. Napaatras ako ng kaunti kaya naman hindi ko na napansin ang lalake sa likuran ko na nabangga ko na pala.
"Sorry. Sorry talaga. Sorry." Paulit-ulit kong sabi sa matandangg nabangga ko.
"Ano ba naman yan?! hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? bulag ka ba o tanga ka lang talaga kaya hindi mo nakita ang nasa likuran mo?!" Sigaw nya sa akin na nakakuha na ng atensyon ng mga tao.
Hindi ko alam kung dahil ba sa pagpapahiya sa akin ng matandang ito ang dahilan sa tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko o ang mga nasaksihan ko bago ko pa man mabangga itong matandang ito. Imbes na sumagot ay napayuko na lamang ako. Ayaw kong makita nya ako sa ganitong sitwasyon. Mali, ayaw kong makita nya ako dito, dahil ngayon din pagkatapos ng kahihiyang ito, babalik na ako sa mga anak ko. Hindi ko na pala sya kailangang guluhin dahil masaya na sya sa piling ng bago nyang babae.
"Magsalita ka! Ano? nabingi ka na rin ba?" Arogante parin ang matandang lalaking ito na tinulak-tulak pa ako gamit ang hintuturo nya.
"S-sorry" Impit kong sagot dahil sa pagpipigil kong umiyak. Narinig ko naman ang bulungan ng mga tao sa paligid ko na naawa sa akin at ang iba naman ay natatawa pa sa sitwasyon ko.
"Sorry? Sa tingin mo ba sorry lang ang katapat ko? You don't even look sincere!! If you want me to forgive you, then you have to kneel!" Nagulat naman ako sa sinabi nya at nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Nakita kong nagpupuyos na sya sa galit.
"Let's take your dad home." Narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki sa di kalayuan.
"We can't just stop him. Alam mo naman ang temper ni dad. Mamaya nyan tayo pa ang mapagbuntunan. Kasalanan din naman nya kaya sya napapahiya ng ganyan. She's spacing out kaya nya nabangga si dad." Sagot naman ng babaeng kasama nya. I know her voice too since kanina nya lang ako nabangga. Paluhod na sana ako ng may kamay na pumigil sa akin. And to my surprise it's someone I know. Akala ko ba magpapaiwan ito sa amerika upang samahan ang kambal?
"Sorry I'm late. Let's go home. You don't have to do what this old hag wants you to do." Mariin nyang sabi, habang nakikipagtitigan sa matandang lalaki na nabangga ko.
"What the hell? Old hag? That bitch--" Hindi na napatapos ng matanda ang sasabihin nya ng duruin sya ni Justice.
"Don't you dare call her like that or else I'll destroy everything that you had in life." Banta nya na mukhang ikinakaba naman ng matanda. Kaya naman imbes na sumagot ay napatikhim na lang ito.
Agad akong inalalayan ni Justice papasok ulit ng paliparan pero sandali muna syang huminto at humarap sa isang direksyon, sa direksyon ng kanyang kuya. Napaharap na rin ako sa kanila dahil pinilit akong pinaharap ni Justice."Tss." May pa-iling pang umpisa ni Justice.
"I never thought that you want this kind of in laws brother." Sabi nya sa kapatid, na syang lalong nagpaputla sa matandang hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan nya."Oh, by the way. Look at her." Sabi nya ulit saka ako itinuro.
"She came here to fix things between you. You know what I mean. But I don't think may aayusin pa sya dito. Look at her for the last time bro. Cause You'll never see her again." Galit na sabi ni Justice.
Kita ko naman ang gulat na gumuhit sa mukha ni Jacob bago ito napalitan ng pag-sisisi. Pero nawalan na ng expresyon ang mga mata ko. This will be our end. Mukhang wala talaga akong Happy ending kasama ng lalaking ito. Inalalayan na ako ni Justice papasok pero napahinto nanaman kami ng pigilan nya ang kamay ko.
"You're here for me?" Tanong niya na mababakasan ng pagkabigla.
"Yes she was. But not anymore" Sabat ni Justice.
"You want to give me a chance?" Tanong nanaman nya na mas naging masigla ang boses. Pero imbes na sumagot ako ay si Justice nanaman ang sumagot.
"Yes she was. But not anymore" Boring nyang sagot. Pero patuloy parin sa pagtingin sa akin si Jacob. Hindi nya pinapansin ang kahit na anong sabihin ng kapatid nya.
"You're really, really here because of me?" He asked again and now his eyes is filled with happiness.
"Paulit- ulit ka----""Shut up I'm not asking you" Putol ni Jacob sa muling pag sabat ni Justice.
Saka lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko."I want an answer from you. Please. Tell me you want to make things right between us. Tell me you wanted me back in your life." His eyes were pleading.
"Yes. But I guess I'm already late for that" I answered in an awkward tone as I look at the young lady behind him.
"No! No you're not late. You'll never be late. I swear." He said with a big smile on his face. I look at him for a while and damn, this man is always as gorgeous as he was before.
BINABASA MO ANG
Within the Month
Storie d'amoreI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...