The Truth

8 0 0
                                    

Yue's POV

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong mag wala. 'Ang kawawa kong anak.' Nakatingin ako sa loob ng ICU nakahiga doon si Ice at walang malay, nakabenda ang paa nya at maputlang-maputla. Nalaman namin na may dengue sya. Pero hindi yun yung ikinakagalit ko. Yung sinabi ni Jacob. Narinig ko ang lahat ng sinabi nya. Lahat-lahat. Gusto kong isampal sa pagmumukha nya yung katotohanan sa pagkatao ni Ice at Tice pero para saan pa? Sinaktan nya yung mga anak ko at hindi man lang inisip na mga bata lang sila.

"Mahal." I heard Justice's voice. Walang gana akong lumingon sa kanya at walang anu-ano ay tumulo na ang luha ko.

"Mahal tama na. Wag ka ng umiyak, makakasama yan sayo at masasaktan si Ice at Tice pag nakita kang ganyan." Inaalo nya ako pero hindi parin matanggal yung galit na namuo sa dibdib ko. Gusto kong patayin si Jacob. Yun yung nag iisang bagay na tumatakbo sa utak ko.

"I don't know what to do Justice. Natatakot ako. Hindi ko kayang makita si Ice sa ganyang posisyon. She's too fragile, hindi sya yung Ice na laging nakatawa at gumagawa ng kalokohan. Mahal, baka ikamatay ko pag may nangyaring masama sa kanya." I said between my sobs. Hindi ko kayang mawala ang isa sa kadugtong ng buhay ko. She's my life, my Princess. Sila lang ni Tice at Justice ang buhay ko. Kung mawawala ang isa sa kanila baka hindi ko na kayanin.

"Don't say that Yue. Please. Be strong. Magigising si Ice babalik sya sa dati." He said.

"Paano Justice? Paano nagawa ng sarili nilang ama na saktan sila? Bakit nagawa ni Jacob ang ganoon? Bakit nya dinamay yung mga bata? Bakit? Ako na lang sana ang sinaktan nya. Ako na lang sana yung ginawan nya ng ginawa niya sa anak ko." Humahagulgol na ako. Hindi ko lubos maisip na nagawa kong mahalin ang halimaw na gaya ni Jacob. Niyakap nya lang ng mahigpit.

"Hindi na sya lalapit pa sa inyo. Kung kailangan kong ilayo kayo, gagawin ko." Sabi nya at hinalikan ako sa noo. Si justice lang ang nakakapagpa tahan sa akin. Tiwala ako sa kanya. Sasama kami kahit saan. Dahil alam kong mas magiging masaya kami na si Justice ang kasama kaysa sa halimaw na Jacob na yun.

Kenneth's POV

Halos mataranta na ako sa pag-takbo dahil tumawag sa akin sila Dion at sinabi na nasa hospital si Icy. Nakarating na ako sa sinabi nilang hospital pero hindi ko parin sila makita. Siguro naunahan ko sila sa pag dating. Hinanap ko si Justice at Yue. Nakita ko naman sila. Nasasaktan ako na nakikita yung kaibigan ko na nasasaktan. Pero mas nabigla ako sa nalaman ko.

"Paano Justice? Paano nagawa ng sarili nilang ama na saktan sila? Bakit nagawa ni Jacob ang ganoon? Bakit nya dinamay yung mga bata? Bakit? Ako na lang sana ang sinaktan nya. Ako na lang sana yung ginawan nya ng ginawa niya sa anak nya." Halos napasinghap ako sa nalaman ko. 'Si Ice at Tice anak ni Jacob? SHIT!' Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Akala ko si Justice talaga ang papa nung dalawang bata. Magpapakita na sana ako sa kanila ng biglang may humawak sa akin.

"Alam mo na?" I heard him say. Si Gelo ang kuya ni Yue. Tumango na lang ako sa kanya.

"Let's talk" Sabi nya kaya naman sumunod na lang ako sa kanya sa labas ng hospital.

"Gelo, paanong----" Hindi ko na napatapos yung sasabihin ko.

"He break her and Justice catch her. Kung naaalala mo pa yung sinabi ni Guillian noon sa mall, yung sa kwento ni Min, totoo yun may nangyari nga sa kanilang dalawa ng kapatid ko. Pero hindi totoong nagpagamit ang kapatid ko sa iba. Minahal nya ng buong puso ang hayop na Jacob na yun. Halos ikamatay nya ang bawat araw na dala nya sa sinapupunan niya yung kambal. Sinubukan nyang aminin kay Jacob ang totoo pero bago pa nya sabihin ang totoo, iniwan na sya ng hayop na yun para pumunta kay Allyson. Pinilit nyang mabuhay mag-isa kahit hirap na hirap sya dahil sa sakit nya. She have a heart condition. Pero salamat na lang at dumating si Justice. Nanjan sya mula umpisa hanggang sa huli." Hindi ko mapigilang hindi maging proud kay Justice. He's to brave to handle all the responsibilities that Jacob should be doing. Naaawa ako kay Yue, alam ko brat sya noon. Moody and all pero hindi ko alam na sa likod ng fierce, and strong na ugali ni Yue may tinatago pala syang sikreto. She's too fragile and no one knows that. Kahit siguro si Jacob.

"Gelo. I have to go." Tumayo na ako. Pinigilan nya pa ako.

"Saan ka pupunta?" He asked looking intently into my eyes.

"I just need to finish something, babalik ako agad." I said. I tried to hide my anger. Sobrang galit na galit ako kay Jacob. I didn't expect to have a friend who's worst than a devil. Pupuntahan ko sya. Papatayin ko sya. Matatanggap ko kung galit sya kay Yue, pero yung idamay yung inosenteng bata? Yung bata na hindi niya nga inalagaan pero nagawa nya pang saktan. Kung hindi sila gagalaw, ako ang gagawa ng paraan para maipag higanti sila. Hindi ko hahayaan na saktan pa ulit ni Jacob yung kambal.

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon