1 month later....
Yue's POV
Isang buwan na mula ng maghiwalay kami ni Jacob. Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng umalis si mommy at daddy patungong amerika. Ako naman nandito sa bahay namin sa probinsya kasama ni Dion. Ang bestfriend ko. Kumakain ako ngayon sa may pool side ng bigla syang lumapit sa akin.
"Yue! nandito ka lang pala." Tumabi sya sa akin at tiningnan ang kinakain ko.
"Damn, Cala siopao na sinasawsaw sa gatas? Ano ba yang trip mo?" She said, halatang nandidiri sya sa kinakain ko.
"Che! Eh sa ito ang hinahanap-hanap ng sistema ko eh. Ano ba kailanagan mo at nandito ka?" I said habang patuloy na kumakain.
"Wala naman. Napansin lang kasi kita, halos mag-iisang buwan ka ng ganyan. Matutulog ka ng maaga pero late kang magigising, lagi kang masungit, palagi kang nahihilo, pag ok ka naman ayan ganyan ka, kung hindi siopao na sinasawsaw sa gatas, isaw na sinasawsaw sa gravy, kung hindi naman noodles na may cream sa ibabaw at kung ano2x pang weird na pagkain. Sa tingin mo ba ok ka pa nyan? Ayaw mo bang magpa-check up? Kung hindi ko lang alam na pure ka parin hanggang ngayon, iisipin kong buntis ka." I was stunned with what she said. Nabitawan ko yung ikatlong siopao na kinakain ko. 'Buntis ako?!!'
"Oh my! Buntis ka nga ba? Hoy! Bakit gulat na gulat ka?" Hindi ako makasagot. Hindi ko alam yung sagot. I hold her hands, oh my, I'm shaking!
"Dion, can you please do me a favor? Bilhan mo naman ako ng pregnancy kit." I said, kinakabahan ako and at the same time na-eexcite. Kung buntis man ako ibig sabihin itong batang to, sa lalaking mahal ko.
"Ok. But before I go, sabihin mo muna sa akin ang totoo, kay Jacob ba yan? May nangyari ba sa inyo nung nagsasama pa kayo?" Natatakot akong sumagot, pero kailangan kong magsabi ng totoo sa kaisa-isang tao na kasama ko ngayon sa journey ko na to.
"Hindi pa naman tayo sure kung buntis ako, pero oo may nangyari nga sa amin." Pag amin ko. Napatutop naman sya sa noo nya, bago nya ako niyakap at hinimas ang likod ko.
"Let's talk about this later pag balik ko, kukumpirmahin muna natin ang hinala ko. Magpahinga ka muna jan." Tumayo na sya at iniwan ako. Nilingon ko yung dinaanan nya at napatawa ako ng kaunti dahil nakita ko na muntik na syang madulas sa pagka-taranta.
When she already left the house, Tumingin na ako sa pool, at unknowingly, napahawak ako sa tyan ko. 'Baby, kung meron man talagang baby dito sa tummy ko, ako ang mommy mo. Kung nanjan ka man sa loob ng tummy ko ngayon baby, gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.' I notice na tumulo na yung luha ko habang sinasabi yun. Hindi ko alam yung tamang gawin sa sitwasyon ko ngayon. Dapat ba sabihin ko kay Jacob to kung sakaling buntis man ako? Pinunasan ko ang luha ko saka ko kinausap yung maliit ko pang tyan. Mukha na akong tanga rito dahil hindi pa naman confirm kung buntis ba ako o hindi.
"Baby, kaya nating dalawa to, yung daddy mo, masaya na sya sa iba kaya hindi na natin sya guguluhin. Wag na tayong maging kontrabida sa love story nila ni tita Ally mo." After saying those words, pumikit na ako.
Dion's POV
Hi! I'm Dion Villarama 23 and best friend ni Yue. Anyways, I'm driving as fast as I can, I need to go home immediately dahil excited na akong malaman kung buntis ba si Yue. When I reach our house dito sa province, agad na akong bumaba ng kotse at tumakbo sa taas ng kwarto ni Yue, pero hindi ko sya nakita dun, I ran all over the house shouting Yue's name pero walang sagot, and then I remembered leaving her sa pool side. Napatakbo ako sa likod bahay at nakita si Yue na mahimbing na natutulog sa isa sa mga lounge chair doon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at inuyog sya.
"Yue. Nandito na ako." I said in a very calm voice, excited na talaga ako. Naku pag buntis tong babaitang to magtata-talon talaga ako sa tuwa. Alam ko kasi na magiging masaya din sya dahil mahal nya yung lalaking tatay ng anak nya. Secret lang naming dalawa yung bagay na yun at ako lang din ang inasahan nya nung broken na broken sya pagkatapos nyang iwan si Jacob.
I saw her move a little then open her eyes. Inabot ko sa kanya yung kit at tiningnan nya naman ito ng mataman.
"Yue. Bestie, kahit na anong resulta hinding hindi kita iiwan, nandito lag ako sa tabi mo, kaya halika na alamin na natin yung result." I lead her to her room at naghintay sa labas ng banyo nya ng 214412045 years.
"Bestie matagal ka pa ba? Kinakabahan na rin ako dito ohh." I said, habang paikot ikot sa labas ng banyo. No answer.
"Bestie papasok na ako jan sa loob ha?" Paalam ko sa kanya then pinihit ko na yung door knob. I saw her standing in front of the mirror. hawak nya yung pregnancy kit ng mahigpit sa kamay nya.
"Anong result?" Atat kong tanong sa kanya.
"Hindi ko matingnan bestie. Natatakot ako na baka nag assume lang tayo." She said. I ask her to hand me the pregnancy kit. Dahan-dahan kong inilapag ito sa harapan nya, then tears fall down her eyes.
BINABASA MO ANG
Within the Month
RomanceI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...