Jacob's POV
Papunta akong Subic ngayon. Sa isa sa mga private property namin na nabili nila mama nung mga bata pa lang kami ni Justice. Three weeks na rin ang nakakalipas mula ng sumabog yung balita sa panloloko sa akin ng magaling kong asawa. Medyo humupa na yung story ng tungkol sa kanya pero may isang balita nanaman ang nagpagulo ng buhay ng pamilya ko, isang babae kasi ang lumabas at nag claim na nagka-anak ako sa kanya. 'Damn! 'How was that even possible? Ni hindi ko nga hinawakan si Serene noong nagsasama kami, tapos makakabuntis ako ng iba?'
"Ladies and gentlemen, we have started our descent/in preparation for landing, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Please turn off all electronic devices until we are safely parked at the gate. The flight attendants are currently passing around the cabin to pick up any remaining cups and glasses." I heard one of the flight attendant said. After 35 minutes, nakarating na rin kami sa Subic Bay International Airport. Instead of going straight sa bahay namin dito sa subic, naisipan kong pumunta sa isa sa pinaka-sikat na resort dito. I just want to chill and have the whole week only for my self. Gusto kong mag retreat in my cool way. Gusto kong timbangin yung nadarama ng puso ko, na matagal ko ng piniling itago. I think it's time to find that person I love.
/
/
/
Nakarating na ako sa Icove Beach Hotel at dumeretso na sa front desk para makapag check-in. Dumeretso muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Umupo ako saglit para magpahinga saka ako lumabas ng hotel, dumeretso ako sa sea side at naupo sa buhanginan. I feel the sea breeze touching my skin. Ipinikit ko ang mata ko and her image suddenly showed up. Nagalit ako sa kanya inaamin ko, galit ako dahil iniwan nya ako. Galit ako dahil kung mahal nya talaga ako dapat pinaglaban nya ako at hindi nya hinayaang mawala ako sa buhay nya, dahil handa naman akong ipaglaban sya kung tinanong nya lang ako. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa galit ko at hinayaan syang mawala, samantalang nandun na sya sa harap ko noon, kinakausap ako, hindi ko lang alam yung gusto nyang sabihin pero dama ko na mahalaga yun.
Flashback....
Nabasa ko yung text sa akin ni Cala, gusto nya daw makipag kita at may sasabihin sya sa akin. I was mad at her dahil halos isang buwan din syang nawala, ni hindi ko sya makita at hindi ko rin sya naabutan sa bahay nila. All I thought was she left the country at sumama sa parents niya. But now she's here and she wanted to talk to me. I slowly walked down the stairs, hindi ako nag elevator dahil gusto kong mag-hintay sya. But deep inside my heart I just wanna make her stay inside my building for a longer while, kahit hindi ko pa sya nakikita. When I reached the second floor nakita ko na syang nakatayo dun sa kabilang side ng staircase. Napaderetso sya ng tingin sa akin. Napansin kong medyo maputla sya pero tumaba naman ng konti. The first thing that came into my mind is to hug her. Very tight. Pero inunahan ako ng galit. I tried to calm my self habang hinihintay ko syang magsalita, but she keeps on cutting out everytime she talks. Mas nairita ako, is it that hard to just say 'Jacob, I love you, I'm sorry but I can't live without you' masasagot ko naman sya eh, yung sagot na alam kong ineexpect nya, yung totoo at galing din sa puso ko. But before she could speak, tumunog na yung cellphone ko. Ayokong sagutin, but I saw that the caller is Allyson's mom. Matagal na kaming wala ni Ally, well hindi official, dahil mula nung nagkita kami sa condo namin ni Cala, naging cold na ako sa kanya. Ayaw ko syang saktan but I can't help it. Hindi ko kayang mag panggap. I answered the call and was alarmed sa sinabi ni tita sa akin. I look at Cala, galit ako oo pero ayaw ko syang iwan. Gusto ko syang makausap. Pero kailangan din ako ni Ally. Responsibilidad ko parin sya at kailangan ko syang puntahan. I choose to do the latter thing. I ran as fast as I could and agad pinaharurot yung sasakyan ko palabas ng parking lot. Naabutan ko naman si Cala sa labas na umiiyak at nakahawak sa tyan nya, nahagip din ng paningin ko si Justice na naka-buntot lang sa kanya.
Present.....
Naluha ako ng maalala ko yung araw na yun. Chance ko na yun para ipadama sa kanya yung totoong nararamdaman ko but I chose to hurt her. Hindi ko na alam kung nasaan sya. Before I get married pinaimbistigahan ko ang whereabouts nya pero wala ni isa ang nakapag sabi sa akin kung nasaan sya. Naalala ko din si Justice at yung kasama nyang babae na hindi ko nakita at hindi ko na rin masyadong pinansin dahil mas focus ako kay Justice. That was the last time na nakita ko yung kapatid ko dahil, maliban sa nagpunta kaming Alaska ng ex wife ko, ay hindi na talaga sya bumalik ng bahay starting that day.
"Hindi ko alam kung nasaan na kayong dalawa. Nawala sa akin yung babaeng pinakamamahal ko, at pati yung nag-iisang tao na pinagbibigyan ko ng 101% trust ko nawala din. I hope to see you soon. Gusto kong i-pursue ka Cala. Hahanapin kita. Ikaw naman Justice gusto kong ipakilala sayo ang future sister-in-law mo. Sana mahanap ko kayo. Sana makita ko na kayo." I whispered in the air. I look like a crazy jerk talking to my self. But what can I do? I miss them. Alam ko magkakasundo silang dalawa. Dahil noon pa lang close na sila pero hindi kagaya ng level namin ni Justice o Cala.
I stand up matapos kong mag muni-muni. Nang makatayo na ako, Narinig ko yung babae na sumisigaw, I look at her direction and nagmamadali sya sa paghabol sa isang bata. The Lady is pregnant kaya nahihirapan syang habulin yung batang babae na siguro nasa two or three years old.
Medyo lumapit ako para kung sakaling dumaan sa gilid ko yung bata eh mahuli ko. While I was walking napansin ko na parang kilala ko kung sino yung babae. 'Ally?' Mas lumapit pa ako, nakita ko naman na nahuli nya yung bata.
"I said don't be so makulit. Look at your kuya he's so silent."
"Mamu, Kuya is a freaking nerd and I'm not like him."
"I'd rather talk to your freaking nerd kuya, kesa mag alaga ng freaking kulit na gaya mo." Nawawalan na sya ng pasensya. I guess.
"Whatever mamu." Nag belat pa yung bata at saka tumakbo ulit. Nahuli ko naman sya at, iginaya sa Mamu nya which is, si Allyson nga. Medyo nagulat sya ng makita ako, pero hindi nya yun pinahalata.
"Chantelle Ice!" Nakita kong nilakihan nya ng konti ang mata nya.
"Chantelle Ice?!! Mamu did you forgot that its Yu-----" Tinakpan ni Ally ang bibig nung bata at pinapunta ito sa isa pang bata na nakatayo at naka sandig sa pader sa labas ng hotel.
"Hi!" I greet her.
"Hello" She replied. mukha syang bothered.
"Anak mo?" I asked
"No! Nandito pa lang yung sa akin oh." Sabi nya, sabay turo sa nakaumbok nyang tyan.
"Then kaninong baby yung makulit na bata na yun?" I asked again.
"Friend." She simply said. Napansin ko naman na medyo natataranta sya so I ask her if she's ok, and she said na medyo masama daw yung tyan nya. Before I could even ask for her number, agad na syang umalis. She's weird pero pinabayaan ko na lang dahil baka mag kita pa kami sa susunod at dun ko na lang hihingiin yung number nya.
Umakyat na ako sa hotel room ko at nagpahinga. Ibang araw nanaman ang sasalubungin ko bukas, and I guess kelangan ko ng mas maraming lakas para harapin yun. I close my eyes and dream of her again.
BINABASA MO ANG
Within the Month
Storie d'amoreI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...
