An Angel Came

9 0 0
                                        

Angelo's POV

I was planning to surprise Yue and the twins kaya nandito ako ngayon sa subic. But I didn't expect na ako pala ang masu-surpresa sa maaabutan ko. I knock on their suite's door. Pinagbuksan naman ako ni Dion, I look at her with curiosity in my eyes. Namamaga yung mata niya. Napatingin din ako dun sa buntis na humahagulgol at hinihimas nya yung likod ng isang bata. Nanlaki yung mata ko, si Ice.

"Anong nagyayari dito?!" I ask. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko makita si Justice at Yue.

"Si--si Yue.." Hindi na naituloy ni Dion yung sasabihin nya dahil naiyak nanaman sya.

"Ano bang nangyayari ha?! Anong nangyari sa kapatid ko?!" Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko yung pangalan ng kapatid ko.

" Pasok ka muna." Narinig kong sabi ni Jonas, nakilala ko sya noon dahil kasama siya ni Justice noong dumalaw ako sa kanila sa New York.

"Ano bang nangyari tol?" Tanong ko ng makapasok na kami sa loob ng suite nila.

"She's in the hospital. Sumikip ang dibdib nya kanina sa mall at nag black out na lang sya bigla." Paliwanag ni Jonas, mas lalo akong natakot ng malaman ko yun. Pero hindi ako dapat mag panic dahil hindi naman sya pababayaan ni Justice.

"Bakit naman sya aatakihin? May nangyari ba na hindi ko alam?" I asked again. Tumingin ako kay Jonas at napayuko sya, tiningnan ko din si Dion pero tiningnan nya lang ako na parang takot na takot na sabihin sa akin yung totoong nangyari.

"Tito, someone named Jacob punch daddy and hurt mommy." Napalingon ako kay Ice. She was crying but then nagawa nya paring sabihin sa akin ang nangyari. Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko yung pangalan nya. 'Jacob?!' Lumingon ako kay Dion na nanlilisik yung mata ko. I saw her mouthed 'sorry' pero binalewala ko yun.

"I'm going to my sister. At pag nalaman kong may masamang nangyari sa kanya, sinisiguro kong papatayin ko ang lalaking yun" Tumayo na ako at lumabas na ako sa suite nila pero hinabol at pinigilan ako ni Dion.

"Gelo! Please naman wag ka ng mag padalos-dalos." Sabi nya habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Padalos-dalos? Naririnig mo ba ang sarili mo ha? Ilang ulit nya pa bang sasaktan si Yue?! Ano ba ang gusto nyang mangyari mamatay ang kapatid ko? Yun ba yung gusto nyang makita?!" Hindi ko mapigilang magalit at masaktan sa nangyayari sa kapatid ko. Una iniwan sya ng lalaking yun na mag isa habang nagdadalang tao, at ngayon naman ito?

"Gelo alam ko galit ka, pero ok lang si Yue. Please naman." pag mamakaawa nya. hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na sa pag punta sa hospital na sinabi ni Jonas kanina.

/

/

/

Nandito na ako sa labas ng kwarto nya pero hindi ko parin mapag desisyunan kung papasok ba ako o hindi. But I need to see her. I have to. Pinihit ko ang seradura ng pinto ng kwarto niya at nakitang natutulog sya. Naroon din si Justice sa gilid nya at hawak ang kamay nya. Naaawa ako kay Justice dahil mahal nya yung kapatid ko kahit na may anak na ito at kapatid nya pa yung walang hiyang Jacob na iyon, na ama naman ng kambal. Napalingon din ako sa dalawa pang lalaki na natutulog sa may couch sa loob ng kwarto ni Yue. I think they are their friends. Min and Kenneth I guess. Lumapit ako ng dahan dahan sa kama ni Yue. She's too pale and sad. 'Shit! My fragile sister.' Naaawa ako sa kalagayan nya ngayon. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil napansin ko yung butil ng luha sa gilid ng mga mata nya. I wipe it out and look at her face again.

"Tol." Nilingon ko si Justice and he gave me his 'sorry' look.

"Ok na ba sya?" I asked in a low tone dahil ayaw kong magising si Yue at makita akong umiiyak.

"Yes. She's fine. Tol, I'm really very sorry." His voice cracked.

"Don't be sorry tol. Wala kang kasalanan. It's your good for nothing brother who should have say that" Sabi ko. Hinawakan nya yung kamay ni Yue at hinalikan ito.

"I don't know what to do kanina. I wanted to protect her pero hindi ko man lang nagawa." He said.

"It's ok. You did your best to protect her. Hindi lang kanina kundi mag mula noong umpisa pa lang." I said. He's been good to her. I never see nor heard that he dare to hurt my sister. Kaya kahit galit ako sa kapatid nya, hindi yun naging rason para kamuhian ko din sya. I like him for my sister and I won't let anyone ruin them. Lalo na si Jacob Dei Guillian.

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon