Yue's POV
Nasa office ako ngayon ng daddy ko. Ewan ko ba kung bakit bigla nya na lang akong pinatawag, tapos wala din pala sya dito.
Anyway bago ko pa makalimutan ako nga pala si Cala Yuerecca Santillan. 21. Anak ako ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa.Natigil ako sa pagmu-muni-muni ng biglang....
"Baby!" Ay palaka! Nabigla naman ako dito sa tatay ko.
"Dad?!! Required talagang sumigaw?? And nanjan ka nanaman sa "baby" na yan ha? Sabi ng ayaw kong tinatawag na baby." Tumawa naman ang magaling kong ama sa sinabi ko.
"What's funny Mr. Santillan?"~ako
" Nothing Ms. Santillan. But I guess mami'miss mo yung pag tawag ko sayo ng baby after this conversation" makahulugang sabi ni daddy.
"Bakit? Aalis ba kayo? O ipapatapon nyo na ako sa ibang planeta?" Nagkibit balikat lang si dad at umupo na sa swivel chair niya. Ang weird ng taong to. Napatingin ako sa orasan ko at hinihintay syang mag-salita pero ayun, 'nganga' nakatalikod lang sya sa akin habang tinatanaw yung labas ng building namin.
"Dad---" 'di ko natuloy yung gusto kong sabihin ng marinig ko yung seryosong boses ng ama ko.
" I want you to get married Cala Yuerecca. As soon as possible. Wala akong pakialam kung sino man yung lalaking papakasalan mo, as long as sigurado ka na sya nga ang gusto mo. Or else, kelangan mong i'give up lahat ng mana mo at sumunod sa akin sa amerika at mag simula sa pinaka umpisa hanggang sa maabot mo yung dapat ay makukuha mo na lang pag nagpakasal ka." I was stunned! Ano daw? Dad rewind pwede?? Ako magpapakasal? Ako mag hihirap pag hindi ko sinunod ang gusto niya? Ako???!!!!!
"Dad?? Seryoso ba to?? Dad alam mo namang wala akong boyfriend" kasi may girlfriend na yung mahal ko.
"You must find a way" maikling sagot ng daddy ko. Tumayo ako sa upuan ko at lumakad palayo, anong gagawin ko? I look at him one more time and said..
"Nag jo-joke ka lang dad. Susumbong kita kay mom." And I shut the door.Mr. Santillan's POV
Hindi ko mapigilang mapaluha nung sabibihin ko yung sinabi ko sa anak ko. Alam kong mali yung pilitin sya na magpakasal pero anong magagawa ko? Nagmamahal at nasasaktan yung anak ko sa lalaking yun, na bestfriend nya pa.
Flashback...
Nasa kala gitnaan ako ng pagpirma ko ng mga papeles para sa gagawing reconstruction ng isa kong branch sa may visayas ng marinig ko yung ingay sa kabilang kwarto. Tumayo ako para silipin kung ok lang ba ang anak ko.
Bago pa man ako maka'pasok ay narinig ko na yung impit na hikbi ni Yue, napasilip ako sa kwarto niya at nakita ang mommy nya na hinahaplos yung likod nya.
"Mom, hindi ko po alam kung tama pa na manatili ako sa tabi niya kahit nasasaktan na ako. Alam ko wala akong karapatan kasi bestfriends lang kami, pero mommy hindi ko na kasi kaya." Rinig kong sabi niya habang umiiyak.
"Sinabihan na kita noon Yue Santillan na itigil mo na yang friendship nyo. Na masasaktan ka lang, tapos ikaw pa ang naging tulay para lang magsama sila ng babaeng mahal niya. Anak naman Hapon ako oo, pero wala naman sa lahi namin ang masokista." Napailing ako sa asawa ko, nagawa niya pang mag biro.
"Pero mom, mahal ko sya. Mahal ko si Jacob." Umalis na ako sa pintuan ng kwarto ni Riko at pumasok sa office ko sa bahay. Nakapag desisyon na ako. And it's final.End of flashback.
At eto nga ang naging pasya ko, nalaman ko kasi na kahit may barkadang lalake si Yue eh isa lang yung nagiging hingahan nya ng problema at yun ay ang bestfriend nya. Sana magkusa yung lalake na yun na tulungan at pakasalan ang anak ko. May utang na loob sya sa kaisa-isa kong prinsesa kaya dapat mag kusa syang tumulong.
BINABASA MO ANG
Within the Month
عاطفيةI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...