Almost....

7 0 0
                                        


Dion's POV

Maaga kaming nagising maliban kay Ally na talaga namang antukin dahil na rin siguro sa sitwasyon nya. Pinili naman si Jonas na samahan ang asawa kaya naman nag palit na kami ng barkada at ng kambal ng swim wear. Hinintay ko silang lahat na lumabas sa mga kwarto nila dahil kanina pa naman ako handa. Unang lumabas sina Min at Kenneth, and as expected hot and sexy parin tong dalawang play boy na ito. Sumunod naman ang kambal, naka shorts lang si Tice at naka puting sando, samantalang naka one-piece si Ice at may suot pang sun glasses. Ilang minuto pa ang lumipas, lumabas na si Yue at Justice sa kwarto nila.

"Ang tagal nyo naman sa loob.. Sinundan nyo na ba?" Malokong tanong ni Min.

"Hoy! bunganga mo oh????" Sabay turo ko sa dalawang chikiting.

"Eww! Mommy you're so manang! Why use daster??!!!!" Narinig kong sabi ni Ice sa mommy nya, na suot yung malaking damit ni Justice.

"Tingnan mo yan! Sabi ko sayo eh! Hinayaan mo nga akong mag suot ng two-piece tapos pinag-suot mo naman ako nitong t-shirt mo..." Maktol naman ni Yue. She already changed. I thought. Binalewala ni Justice yung sinabi ni Yue at binigyan ng 'don't-you-dare-take-that-shirt-off' look.

"Baby, you know what??? Daddy is a very territorial kind of human being. I don't want to see other guys looking at your mommy. Ikaw ba Tice you want na may tumingin sa mommy mo na ibang guy except kay daddy??" He asked. Kinilig naman ako sa kanya, at ganun din si Yue.

"No daddy. I won't let anybody look at mommy's body." Isa pa itong territorial na anak nila. Napangiti na lang ako kasi ang cute nilang 'mag-ama' I wish sya na lang talaga ang tatay ng mga bata.

"WOOOOH!! Madamot ka lang talaga! Tara na nga!" Sigaw ni Kenneth at saka tumakbo palabas ng Suite namin. Natawa na lang kami sa ginawa nia. Bago pa kami makarating sa baba, inihagis ni Min yung shirt nya sa akin.

"Suot mo!" Sabi nya. Natawa na lang ako sa ginawa nya. He's really like that sa aming dalawa ni Yue noon pa lang. He's a gentle man indeed, medyo playboy nga lang.


Yue's POV

We all enjoyed the beach. Naka-akbay sa akin si Justice at pinapanood naming maglaro yung kambal kasama nila Dion, Min at Kenneth. I'm very happy dahil nandito sila at kasama ko.

"Yue." I heard Justice saying.

"Hmmm?"

"Are you happy?"

"With this? Yes. With them? So much." I answered without looking at him.

"With me?" I heard a little bit of sadness in his voice. I faced him and cupped his face. I don't know when, how and why. But I think I've already fallen for him.

"Very much." I genuinely smiled at him. He hugged me and whispered.

"I love you." Maybe this is the right time to respond to that statement.

"I love you too. I guess I've already do. Maybe it has been for a long long time. But I only realizes it today." I said. He doesn't respond, hanggang sa maramdaman ko yung pag galaw ng balikat nya at pagbabasa ng braso ko. I push him gently and look at his face.

"Hey! Ano ka ba? Bakit ka umiiyak??" I asked habang nangingiti sa itsura nya. Para syang bata.

"This day is the best day of my life. At yung sinabi mo ngayon, yan ang pinaka paborito kong salita na narinig mula sayo. Maliban syempre sa sinasabi mong gwapo ako" He said jokingly. Natawa ako at yumakap ulit sa kanya. After ng madramang eksena namin, pinili naming maglakad muna. Tumatawa ako sa mga storya at kinikilig at the same time sa mga banat nya, nang bigla kong narinig na parang may tumawag sa pangalan ko. I look back and saw a man walking away. Napasingkit yung mga mata ko at pilit inalala yung lakad at likod na yon. But I can't. Binalewala ko na lang yun at baka nagkamali lang ako ng dinig. Sumandal ako sa braso ni Justice at nagpatuloy kami sa pag lalakad. I'm very thankful na nakilala ko sya, na natutunan ko syang mahalin, na hindi sya nagsawa sa akin, na pinadama nya sa akin yung pagmamahal nya, at binuhay nya muli yung mahina kong puso.


Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon