2 months later.....
Yue's POV
dalawang buwan na ang nakakalipas at tatlong buwan na ang tyan ko. Konting panahon na lang ang gugugulin ko at makikita ko na rin ang baby ko. Medyo tumaba din ako at lumobo bigla yung tummy ko. Inaasar nga ako ni Dion na baka daw twins or triplets ang anak ko. I just laugh with the thought of having two or more child. Papunta ako ngayon sa department store para mamili ng kailangan ko sa bahay and para tumingin ng maternity dress hindi pa kasi ako nag susuot ng ganun dahil naiilang pa akong gumala na naka maternity dress. Isang simpleng white tee na maluwang ang suot ko at leggings. Medyo halata na yung umbok sa tyan ko pero hindi naman gaanong halata pag ganito ang get-up ko. Mag isa lang akong aalis kaya naman iniwan sa akin ni Dion yung susi ng kotse nya, sabi nya para iwas hassle daw.
/
/
/
Namimili na ako ng gatas, prutas, at kung anu-ano pa ng biglang may bumunggo sa akin, gusto ko syang murahin dahil sa ginawa nya. Paano na lang kung natumba ako at nasaktan yung baby ko?
"Sorry miss, hindi ko sinasad----- YUE?" Hinarap ko yung nagsasalita at nagulat naman ako dahil si Justice pala yung naka bangga sa akin.
"Ahh. Anong ginagawa mo dito?" I'm stammering while asking him, I'm trying my best to hide my stomach gamit yung bitbit kong gatas, pero nahuli parin nya ako at nakita nya yung umuumbok kong tyan.
"Are you-----" I didn't let him finish and nag nod na lang ako. Nakita ko naman na nagulat sya sa nalaman nya.
"Sa kap------" Hindi ko nanaman sya pinatapos at tumango ulit. Lalong nadagdagan yung pagka gulat nya dahil sa nalaman nya.
" Why didn't you tell him? O kahit sa akin man lang? Why are you keeping this to him? responsibilidad ka nya, dapat ipaalam mo to sa kanya." Tuloy tuloy nyang sabi.
"I tried telling him, pero hindi nya ako pinakinggan, ayaw ko namang ipag-pilitan yung sarili ko sa kanya. Please just keep this secret from him." I begged. Wala syang nagawa kundi tumango.
"Yung araw na nakita kita sa company namin, yun ba yung araw na sasabihin mo na sana sa kanya ang totoo?" I just nod. Naglakad lang kaming dalawa at sya na ang nag tutulak ng cart na tulak ko kanina.
"So may pamangkin na pala ako. What are your plans?" He asked me again.
"I will raise my child sa paraang alam ko, I know my parents will help me. In fact I'm planning to follow them in New York pag nakapanganak na ako. " I simply answered.
"I'll help you. Kahit dito man lang makabawi ako para sa kuya ko."
"No. It's ok. Kaya ko naman, nanjan si Dion sa tabi ko kaya hindi ako mahihirapan."
"No. I insist. Gagawin ko to para sa pamangkin ko. I will help you all through out your journey. What I mean is hanggang sa makapanganak ka na. I'll make sure that I'll be there to hold your hands. Kahit dun man lang makabawi ako ginawa sayo ni kuya." Kahit siguro tumanggi ako ipipilit nya parin yung gusto nya. And there is nothing I can do.
"Ok. Mukhang hindi ka naman papayag kahit na ipilit ko sayong wag na. But, You'll only do this things hanggang sa makapanganak ako. After I give birth hindi mo na ako responsibilidad. OK?" I said in a very authoritative voice.
"Yes Ma'am!" I smiled at him. Siguro nga kailangan ko ng makakasama. Para naman hindi na mahirapan si Dion sa akin.
After I bought all the the important necessities at home, hinatid na ako ni Justice, and para daw malaman nya rin kung saan ako pupuntahan.
/
/
/
"Baby, Kilala ka na ni tito Justice. Siguro naman hindi nya sasabihin sa daddy mo na meronka dito sa mundo. Sana wag nya nang sabihin. Ayaw ko naman na sirain sila ni tita Ally. Narinig mo naman yung sinabi niya diba? Wag daw nating sirain yung relasyon nila." I didn't notice that my tears already fall from my eyes. Nakatingin lang ako sa kawalan habang hawak ko yung tyan ko. I don't know how to live without Jacob. Pero dahil nakaya ko na ng tatlong buwan, kakayanin ko na rin ng habang buhay. I smiled bitterly.
BINABASA MO ANG
Within the Month
RomanceI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...