Pain

6 0 0
                                    

6 months later....

Yue's POV

Nagtatalo kami ngayon ni Justice dahil gusto nya akong papuntahin sa kasal ng kuya nya. Ngayon kasi ikakasal si Jacob. I tried to stop Justice pero mapilit sya. Kulang na lang hilain nya ako para lang sumama sa kanya. Nang makarating kami ng simbahan agad nya akong hinila palabas ng sasakyan nya, hindi na ako gaanong makalakad dahil sobrang laki na ng tyan ko at kabuwanan ko na rin. Habang papasok kami ng simbahan ay nag aaway pa kami.

"You need to claim your right! Ayaw ko sa babaeng papakasalan ng kapatid ko" He said in a very low tone. Hindi si Ally ang papakasalan nya dahil nag hiwalay na sila, bago pa man mag tatlong buwan itong dinadala ko. And I don't even know the reason. Ang alam ko lang umalis si Ally ng bansa and now she's with Jonas.

"Hoy! Justice, hindi naman ikaw pakikisamahan ng asawa ng kapatid mo. I tigil mo na to. Uuwi na ako!!" I said while pulling my hands. Napatahimik naman ang Pari sa sasabihin nya ng marinig nya yung boses ko. Napalakas kasi. Lumingon din sa amin si Jacob at ang babaeng papakasalan nya. Patapos na yung kasal at inilalagay na nung babae yung singsing sa daliri ni Jacob. Hindi ko alam kung nakita ako ni Jacob dahil medyo natatakpan ako ng malaking flower vase, pero para makaiwas lang sa gulo bumulong na ako kay Justice.

"Look at what you've done. Patapos na yung kasal and there is nothing we can do" Impit kong sabi bago lumabas ng simbahan.

Justice's POV

Before I can say a word mabilis ng lumabas si Yue. Tumingin ako sa harapan kung saan nakatayo ang kuya ko.

"Sorry to ruin this day. Ituloy nyo na po Father. Kuya, Congratulations sayo. But I have to go." I said then followed Yue. Hinanap ko sya pero wala sya sa kotse, I was worrying a lot. Hangang marinig ko yung mahihinang hikbi sa likuran ng simbahan. As I followed the sobs nakita ko si Yue na nakatayo at naka sandal sa isa sa mga poste ng simbahan.

"Leche ka Justice! Tingnan mo naihi tuloy ako dahil sa ginawa mo!" She said. Napatingin ako sa may paa nya at basa nga sya, but before I can say sorry nakita ko na may kasama ng dugo yung umaagos sa mga binti nya. I've research about this things, pag malapit ng manganak yung isang babae puputok yung bag of water niya at minsan may kasamang dugo. Lumapit ako sa kanya at binuhat sya na para kaming bagong kasal.

"You didn't pee! Manganganak ka na!" I said, habang nagmamadali akong ipasok sya sa kotse.

"Kaya pala feeling ko mapupunit na yung buong pagkatao ko!!!!" She shouted in pain. I drive the car to the nearest hospital. Yung free hand ko ang ginamit ko para hawakan sya. Nakikita ko na nahihirapan talaga sya.

"Yue. I need to tell you something" Sabi ko sa kanya. It's now or never.

"Ano yun? Bilisan mo!!!"

"Let me take all the responsibilities. Let me be the father of your child." I said. Hindi sya sumagot at hinawakan lang ng mahigpit yung kamay ko.

"I need an answer Yue." Pagmamadali ko. We reach the hospital at humingi agad ako ng assistance sa mga doctor at nurse na nasa loob. Hawak ko parin yung kamay ni Yue at nakikita ko na hindi nya na kaya.

/

/

/

Nasa loob na kami ng D.R pinasama ako ng doctor para may humawak daw sa kanya habang umi-ire. I heard her shout.

"WALANG HIYA KA JACOBO!!! PAPATAYIN KITA!!! AHHHHH!!!" Lalong humigpit yung kapit nya sa akin.

"Push! malapit ng lumabas yung baby mo, dalawang push na lang Mrs." I heard the midwife said.

"AAAAAHHHHH!!! WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN JACOB!!! JUSTICE!!!!" I heard her call my name kaya naman lalo ko pang hinawakan yung kamay nya. After almost seven hours nakapanganak na si Yue. She was about to close her eyes ng mag salita ulit yung midwife nya.

"Mrs. Mamaya ka na matulog may isa pa."And right after the midwife said that nakaramdam nanaman si Yue ng sakit.

"Just Push it. Kaya mo yan." The midwife instructed. Hinawakan ko ng mas mahigpit yung kamay nya kahit namamaga na yung mga kamay ko.

"WAAAAH!!! HINDI LANG KITA PAPATAYIN GUILLIAN!!! CHA CHOP-CHOPIN KITA!!!" Sabi nya habang yung buhok ko na yung hinihila nya. Gusto kong tumawa sa pinag sasasabi nya, pero mas pinili kong pigilan ang sarili ko.

"JUSTICE!!!!! WAG NA WAG MONG PALALAPITIN ANG KAPATID MO SA AKIN, SINISIGURADO KO SAYO PAGKAKASYAHIN KO SYA SA LATA NG SARDINAS PAG NAGKATAON!!!! AAAAAAH!!!!" Pagkatapos nyang sabihin yon nakita ko naman na lumabas na yung second baby nya. Nalaman ko sa midwife na babae at lalake yung baby nya. Before she fell into a deep sleep I asked her once again tungkot sa pagiging father ng mga anak nya.

"Hindi ko naman kayang makipag-talo sayo diba? Yes. You can be a father to them" She said. It feels heaven. I'm happy to become the father of her child. Because I love her. Matagal ko na syang mahal I keep my feelings for her sa mahabang panahon, pero ngayong nabigyan na ako ng chance to be with her and join her in every step of the way, hinding-hindi ko na sasayangin yon. Hindi ko na sya papakawalan pa.

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon