Jacob's POV
It's been two weeks since I've decided to help Cala with her problem. Two weeks na rin mula ng naging madalang yung pagkikita namin ni Ally dahil sa paghahanda ng kasal namin ni Cala. I feel so stressed out at feeling ko ganun din si Ally. Nagte-text naman ako sa kanya pag may oras ako, pero alam ko na hindi yun sapat sa kanya. Alam ko naiintindihan ni Ally ang sitwasyon namin ngayon, isa rin naman sya sa sumang-ayon sa kasal na to, pero alam ko deep inside her nasasaktan sya kasi hindi sya yung unang babae na ihaharap ko sa altar. And I hate it, pero nandito na ito. Matagal ko ng kaibigan si Cala at hindi ko naman kayang iwan sa ere ang bestfriend ko na halos itaya ang buong single life nya na kasama ako at tumutulong sa akin sa panliligaw kay Ally. I suddenly got back into reality when I heard my phone rang.
~CALA Beebee CALLING~
"Hello?" I said.
"Bae." This is the very first time since naging kame ni Ally na tinawag nya akong bae.
"Yes bee.. anong meron?" I asked her. Her voice is a little bit cracked kaya medyo nag worry ako sa kanya.
"Wala naman. I just feel like I'm giving you lots of burden. Last na nating pagkikita yung kahapon and the day after tomorrow magiging Mr. and Mrs. Guillian na tayo. And I feel so ashamed lalo na kay Ally dahil kinuha ko yung dapat First experience ninyong dalawa na mag lakad sa isle." I smiled unconsciously after she talked, yan yung gustong-gusto ko kay Cala. Mas inuuna nya kaming barkada nya kesa sa sarili nya, at sa tuwing pinipilit naming sabihin sa kanya na ok lang ang lahat, hindi parin yan titigil at kung minsan pa nga pupunta yan sa mga kamag-anak namin o sa kung sino ang huling kasama namin before nya kami makitang down para lang mag tanong sa totoong nangyari. That's also the reason kung bakit ayaw kong ibigay na lang sya sa kung sino, in fact pwede naman si Justice yung kapatid kong bunso dahil halos same age lang sila, pero ayaw ko parin syang ipagkatiwala sa sarili kong kapatid. hindi ako natatakot na baka masaktan sya, natatakot ako na baka masaktan si Justice, cause she's extraordinary at walang nakaka-gets sa kanya kundi ako, si Min, Kenneth at Jonas pati na si Dion. kami lang ang may alam ng totoong ugali nya.
"Wag mo ng isipin yun. Just take a rest and be beautiful on our wedding day. This is the only gift I can give to you sa lahat ng bagay na nabigay mo sa akin at kay Ally. And don't you dare cry dahil hindi ko gusto yan." Sabi ko in an authoritative voice. Alam ko kasing iiyak sya.
"Yes sir. And just wanna remind you it's a FAKE wedding day. Gonna hang up na bae. Spend the day with Ally I know you miss her so much.." Before I can speak binabaan nya na ako ng telepono. I smiled while looking on my phone. I started dialling Ally's number.
Yue's POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Jacob ay inihagis ko yung phone ko sa may kama at hinayaang pinadausdos ang katawan ko sa carpeted floor. Hindi ko alam kung tama ba na gamitin ko si Jacob dito at hayaang masaktan si Ally. hindi ko alam kung tama ba na saktan ko si dad para lang hindi ako mawalan ng mana. Nasasaktan ako, sobra. Pero alam ko sa sarili ko na mas masasaktan si daddy at mommy pag nalaman nila yung ginawa ko. Kinuha ko yung alak na tinago ko sa ilalim ng cabinet ko at inisang lagok yung laman, hindi naman ako umiinom, pero mas feel kong uminom ngayon at damahin yung sakit na nararamdaman ko sa mga maling desisyon na ginawa ko. Dapat nga masaya ako kasi, yung lalaking pinakamamahal ko at pinapangarap kong makasama sa habang buhay yung papakasalan ko, pero hindi ko magawa dahil alam ko sa araw ng kasal namin, yung babaeng mahal niya ang makikita nya sa katauhan ko, at syempre yung babaeng yun lang yung pag-uukulan nya ng pansin at pag-ibig. I stand up at deretsong pumasok sa CR sa kwarto ko, I need to freshen up and kailangan ko din magpakita kay mommy, sabi nya may pupuntahan daw kami at ayaw ko naman syang ayawan.
After 3542137254 years ng pagtitig sa mukha ko sa salamin, I've decided to go down at puntahan si mommy na alam kong kanina pa ako hinihintay.
"Mom, let's go?" Bungad ko sa kanya nang maka-baba ako sa hagdan, I saw her looking at my photo album.
"Ok honey." She close the album and slightly bend to put it under the table, pero huling-huli ko parin na sa pag yuko nya ay ang pag-punas nya sa luha nya. I wish that this is just a dream, na bago pa man mangyari yung kasal namin ay mag bago na ang isip ni dad at sumigaw sya ng "JOKE JOKE LANG" but I guess mangangarap na lang ako na sana mangyari yung bagay na yun.
....Nandito kami ni mommy sa isang classy restaurant at hinihintay yung pagkain na in-order namin. Nag simba lang kami, nag pasalamat daw sya kay God kasi hindi daw kami iniwan ni God sa journey namin sa buhay and hiniling nya daw na sana maging masaya ako sa magiging buhay ko after ng kasal, nung papunta na kami sa restaurant kinausap ako ni mommy na maging mabuting asawa, at kung gusto ko daw umurong gawin ko na daw bago pa ako masaktan. Tutulungan naman daw nya ako kung sakali. But I just shrugged my head and tell her na sigurado na ako sa desisyon ko.
Nabalik ako sa realidad ng makita si mommy na papitik-pitik ng daliri nya sa harap ng mukha ko.
"Honey, are you ok?" I smiled at her and nod.
"Opo mom. Siguro kinakabahan lang ako kasi sa makalawa na yung kasal." Nakita ko naman na nag-aalinlangan sya sa sagot ko kaya hinawakan ko yung kamay nya.
"Mommy, ok lang ako. Alam mo naman na magiging masaya ako diba? Kasi yung lalaking papakasalan ko ay ang lalaking mahal ko. Kaya mom, wag ka ng malungkot at wag ka ng magduda, magiging masaya kami. I swear." Sorry mom, I have to lie. Sorry.
"Ok. I trust you honey." Napangiti na lang ako kay mommy kahit, gusto ko ng sumabog at umiyak sa kanya, kahit gusto ko ng sabihin sa kanya na 'mommy sorry, mommy I'm lying, mommy the wedding if fake.' pero pinigilan ko ang sarili ko at tinuon n ang atensyon ko sa pagkain. Umuwi na rin kami ni mommy pagkatapos kumain, hinatid ko sya sa kwarto nya at nagpahanda na kay yaya nanay ng hapunan para kay Papa pagka-uwi nito. Dumeretso ako sa kwarto ko at binuksan ang desktop ko at nag online sa IG account ko, then without a split second I cried my heart out. Sino ba namang hindi, kung makita mo lang naman na yung lalaking mahal mo, ay kasama ng babaeng totoong mahal nya at masaya silang magkasama sa bawat litrato nila. I close my computer at dumeretso sa kama ko. I just need to sleep and just let the pain subside. Mawawala din ito bukas.
BINABASA MO ANG
Within the Month
RomanceI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...