Happiness is Sadness

8 0 0
                                    


Yue's POV

Dalawang linggo na kami sa Icove Beach Hotel. Masaya naman kami dahil nakakapag-bonding naman kaming lahat, pero minsan nakikita ko na suko na sila Min, Kenneth, Jonas at Dion sa kakulitan ni Ice. Wala naman kaming magawa ni Justice kundi ang mag sorry. And speaking of sorry, Kaka-sorry ko pa lang kay Kenneth dahil ginawa lang namang canvas ng kambal yung mukha niya. Nakikisali na rin kasi sa kalokohan ni Ice si Tice.

"WALANG SORRY SORRY YUE! BARKADA TAYO. OO. PERO WALA NAMANG GANITO!" Nagmamaktol na sabi ni Kenneth habang nakaupo sa sofa at nakasimangot parin.

"Tol bata lang yan. Wag mo ng patulan." Natatawa namang sabi ni Min, habang hinihimas yung likod ni Ken.

"HEH! ISA KA PA!!! Isa ka rin sa sulsol eeeh!!!!" Sabi ni Ken at muntik pang suntukin si Min.

"Tito Kenny, Sorry." Sabi ni Tice kay ken saka tumabi dito. Tiningnan naman nito si Tice at niyakap.

"It's ok buddy, ngayon mo lang naman ito ginawa. Pero sya" Saka nya inginuso si Ice.

"Yan ang dami ng kalokohan na nalalaman, manang-mana sa nanay." Sabi nya. Tumawa naman kami sa itsura niya dahil para syang bata.

"Tito Kenny, I'm really very sorry. You know what tito? I really really love you" Pagpa-pacute ni Ice at nag pout pa habang tumutulo yung luha sa mata nya. Nataranta naman si Kenneth at niyakap agad si Ice.

"Hush now! wag ka ng umiyak baby, hindi naman galit si tito eeeh. Nagtatampo lang kasi dinumihan mo yung gwapo kong mukha." Sabi nya habang hinihimas yung likod ni Ice. Lalo namang ngumawa si Ice na mas lalong ikinataranta nya. Pinapanood lang namin silang dalawa at natatawa sa itsura nila, si Justice naman naka akbay lang sa akin at naiiling na lang sa eksenang napapanood nya.

"ANONG GINAWA MO????!!!!!" Sigaw ni Dion ng maabutan nyang umiiyak si Ice, kahit pasaway kasi si Ice, eh close talaga sila ng tita Dion nya dahil parehas silang kikay.

"TI-TITO HA-HATES M-ME. HE-HE SA-SAID TH-AT IM BA-AAD!!!" Sabi ni Ice at lalo namang nagalit si Dion.

"Siraulo ka! Ang laki mong bulas tapos inaaway mo yung bata?" Sigaw ni Dion. Halos maiyak naman si Kenneth dahil walang nag-tatanggol sa kanya. Mukhang hindi na rin naman nakatiis si Justice kaya naman pinatigil nya na si Ice. Tumawa naman si Ice dahil napagalitan ang tito nya sa ginawa nyang fake act.

"HAAAAAAY!!!!! AYOKO NA!" Sigaw ni Kenneth matapos makita si Ice na pinag tatawanan sya.

"Ok! to make it up to you. Mag mall na lang tayong lahat." I said. Kahit medyo naiinis parin si Kenneth ay binuhat nya parin si Ice na parang nagbubuhat lang sya ng bigas. Nag bihis na rin kaming lahat at sabay na pumunta sa isang mall dito sa Subic.


Jacob's POV

Naglalakad muna ako sa mall na malapit sa resort na tinutuluyan ko. I wanted to buy something for my self. Mula kasi ng mag-asawa ako, nawalan na ako ng time sa ganitong bagay. I was too busy managing my company and of course yung family business namin. Pero dahil nabigyan ako ng pagkakataon, gagawin ko yun ngayon.

Papasok na sana ako sa isang men's wear shop ng makuha ng pansin ko yung babaing naglalakad papunta sa way ko. Hindi sya nakatingin sa daan dahil nakatingin sya sa loob ng bag niya. Tiningnan ko sya ng maigi, natatakpan ng kaunti yung mukha nya ng medyo kulot nyang buhok. Nakasuot sya ng maong pants na hapit sa katawan nya, naka white shirt sya at pinai-babawan lang ng baby pink na three-forth polo shirt na naka unbutton. Babalewalain ko na sana sya ng biglang may lumapit sa kanyang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko yung lalake. Pero agad ding naningkit ang mata ko ng makita ko yung babaeng hinahalikan nung lalaking yun. Unconsciously naglalakad na ako palapit sa kanila, pero bago pa man ako makalapit, nakita ko na nilapitan sila ng isang batang lalake.

"MOMMY!! DADDY!!" Tumatakbo syang lumapit sa tinawag nyang mommy at daddy. I can't contain my anger anymore, inisang hakbang ko sila at sinuntok ang lalaking tinawag na daddy ng bata.


Yue's POV

"Just, puntahan mo na sila sa may game zone oh. Hihintayin kita dun." Sabi ko sa kanya habang tinuturo yung mga bench na nandun sa gilid.

"Ok. Hintayin mo kami ha? I'll be fast." Sabi nya at hinalikan ako. Umalis na sya at ako naman naglakad na upang umupo sa isang bench doon. Habang naglalakad, sinilip ko yung bag ko upang kunin sana yung cellphone ko dahil balak kong tawagan si kuya Angelo. I want to see him pagbalik namin sa manila.

"Yue, baby" Medyo nagulat ako kay Justice dahil bigla nya na lang akong hinapit at ibinulong yun sa tenga ko.

"San sila?" I asked.

"They're coming." Hinalikan nya ako, a slightly long kiss. Pero agad din kaming bumitaw ng mapansin namin na may tumatakbo papunta sa lugar namin. Medyo napangiti naman ako kasi ang bilis ng takbo ni Tice habang tinatawag kami. I think may ginawa nanaman silang kalokohan ni Ice. Justice is about to hold my hands and Tice's hand ng bigla ko na lang naramdaman na nakahilata na sya.

"JUSTICE!!-- DADDY!!!" Sabay kaming napasigaw ni Tice, napatingin naman ako sa walang hiyang lalake na nanuntok kay Justice. I was shock. Really shock. Pakiramdam ko nawindang ang buong pagkatao ko ng makita ko ang mukha nya, yung mukha na akala ko maiiwasan ko ng makita.

"JACOB?!!"

Within the MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon