Justice's POV
Nag-paalam sila Ice at Tice na gusto nilang mag lakad sa labas. Sinamahan naman ni Ally yung dalawa dahil gusto nya ding i-exercise yung katawan nya. Si Yue naman ini-imbestigahan na ng dalawa nyang barkada. Si Min, at si Kenneth. Ako naman nandito sa kusina kasama si Jonas, balak naming mag luto para sa kanila. Nag aral ako ng culinary arts sa New York before at kasama ko si Jonas noon, kaya naman naging close na kami. Pero hindi namin sinabi sa kanila yung totoong sitwasyon namin ni Yue at ang totoong katauhan ng mga bata. Si Dion lang ang nakakaalam ng lahat at mas pinili nya rin na itikom yung bibig nya at hayaan na lang na ganito yung sitwasyon, dahil masaya naman na kami ni Yue.
Yue's POV
"Uyy. Ano nangyari? Tagal mong nawala tapos ngayon may asawa ka na!!." Min exclaimed.
"Hindi lang yun 'tol si Justice yun. Justice Guillian ang the one that got away na kapatid ni Jacob." Natatawang sabi naman ni Kenneth. Natawa rin ako sa term nya na 'the one that got away'. Hindi na ako natatahimik sa twing maririnig ko yung pangalan ni Jacob. I think nakapag-move on na talaga ako at malaki ang naging parte ni Dion, Tice, Ice at lalong lalo na si Just sa mga magagandang pangyayari sa buhay ko.
"Tama ka jan 'tol.. Uyy, Bestie, ano ba talaga nangyari?" Tanong ulit ni Kenneth.
"We fell in love nung nasa Thailand kaming parehas, and in no time we did it and then everything was a history." I heard Justice explained.
"Really? Ganun lang kadali? Wow! iba talaga nagagawa ng pag-ibig." Tumayo si Kenneth at Min. Lumapit sila kay Justice at umakbay dito.
"Hanep ka bro. Ngayon barkada ka na rin.. Nakadalawa ka agad eeeh.. Idol na kita." Pagbibiro naman ni Min.
"Gwapo eh.. Tara. Kain na tayo tapos nang mag prepare si Jonas. Sinundan na rin ni Dion yung tatlo sa baba."
/
/
/
Ilang minuto pa ang nakalilipas narinig na namin ang pag-pasok ng apat. Napatingin naman kami sa dereksyon nila at napansin na nakabusangot si Ally.
"Hoy! Guillian! Anong lahi meron ka? Bakit mo pa ikinalat? Ayan tuloy namana ata ng anak nyo. Mga kabayo ba kayo? Grabe akala ko manganganak na ako." Pagmamaktol ni Ally habang inaalalayan sya ni Jonas na makaupo sa tapat ng lamesa.
"Bakit ano ba ginawa nila sayo?" I suddenly asked.
"Yung lalake mo wala. Pero yung babae mo ang dami. Nagpahabol lang naman yan sa halos kalahati ng resort, at kung ano-ano pa pinagsasasabi nya sa akin. Naku kung hindi lang ninyo anak yan baka nilunok ko yan ng buhay." Naiinis na talaga si Ally, kaya naman hinawakan na ni Jonas ang kamay nya. Tumawa naman si Min, Justice, Dion, Kenneth at si Tice. Si Ice naman, tahimik lang sa tabi ng kapatid nya at kunwari walang alam sa mga nangyayari. Natawa na rin ako. Pero syempre, pinagalitan ko rin sya dahil mali yung ginawa nya. Nag sorry sya kay Ally at kumain na kami.
Dion's POV
Pagkatapos naming kumain, in-excuse ko muna ang sarili ko at palihim na tinawagan ulit si Angelo, yung kapatid ni Yue.
"Hello?" He answered from the other line.
"Angelo, ginagawa mo parin ba yung plinano natin?" I asked. Lumingon muna ako para siguraduhin na walang makikinig.
"Yes. Naumpisahan ko na last three weeks ago pa." He replied.
"Let's stop it Gelo. Mukhang masaya na siya kay Just at hindi na natin kailanagan pang guluhin yung lalake na yun." I said.
"Yan din ang plano ko. Nakausap ko kasi sya kahapon at napansin ko nga na hindi na sya yung Yue na super down at umiiyak dahil lang sa Lalake." We agreed to stop our revenge. I was the mastermind of this revenge thingy. Pero ginawa ko lang naman yun dahil nakita ko yung pag hihirap ni Yue mula ng malaman nyang buntis sya. Lalo pa akong nagalit kay Jacob dahil hinayaan nya na yung kapatid nya yung mag suffer sa bagay na sya ang may gawa. Pero atleast ngayon masaya na silang dalawa. At masaya na kami ni Gelo na ganun yung nangyari, dahil natagpuan na ni Yue yung happy ever after niya sa piling ng kambal at ni Justice. I ended the call at bumalik na sa loob ng Suit namin.
I saw Justice, habang buhat niya ang tulog na si Ice. Naka upo naman si Yue at nakapatong ang ulo ni Tice sa paa nya. ' I really love the sight of the both of you.' Nasabi ko na lang sa sarili ko. They are perfect at hindi ko naman hahayaan na masira yon.
BINABASA MO ANG
Within the Month
Storie d'amoreI fell in love with them I only see future with him. I feel nothing for him. But he keeps on hurting me. And he keeps on secretly loving me. He left me with broken heart. But he fixed it with love and purity. I know I loved him deep within my heart...