Part I: The Memories

9.6K 106 9
                                    

Prologue


HINDI MALINAW ANG lahat ng nasa paligid; hindi ko alam kung nasaan ako. Ngunit isa lang ang klaro sa'kin: ang kanyang mga mata.

Ang mala-tsokolate niyang mata ay nakatitig sa akin ngayon. Tagos sa kaluluwa ang matinding pagtitig niya. Kahit hindi masidhi ang imahe sa aking paligid, ramdam ko na sa akin lang siya nakatingin, na para bang ako lang ang babae na nakikita niya; na ako ang mundo niya; na mahal niya ako at kaya niyang tawirin ang dagat at akyatin ang mahahabang bundok para sa'kin.

"Ria . . ." malumanay niyang sabi; ang kanyang boses ay puno ng emosyong hindi ko mawari. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Mahal na mahal kita."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagbigkas niya sa bawat salita. Tatlong salita lang iyon pero ang saya ko. Sobrang saya ko. Wala akong rason para pagdudahan iyon; bakas ang sinseridad sa kanyang boses, sa kanyang galaw at sa kanyang mga mata.

Libo-libong emosyon ang dumayo sa sistema ko, pero isa lang ang sigurado ako: masaya ako. Masaya ako dahil mahal niya ako. Masaya ako dahil mahal ko siya.

Hindi ko alam na may kakayahan pala na magdulot ng histeria ang pag-ibig. Namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata ngunit nakangiti ako.

Nanginig ang labi ko at pinipilit kong isambit ang gusto kong ipahayag. Hinabol ko ang aking hininga at pilit na pinakalma ang aking sarili. "Ma-Mahal din kita . . . sobra." Sa wakas, lumabas na rin ang salitang iyon sa bibig ko.

Hinawakan niya ang tigkabilang pisngi ko at isinarado ang distansya sa pagitan namin. Siniil niya ako ng halik; marahan niyang ginalaw ang labi niya sa labi ko. Nakakalasing ang ginagawa niya at parang mababaliw na ako. Hindi ko alam kung ilang minuto, oras o segundo niya akong hinalikan. Tumigil siya at pinagdikit niya ang aming noo. Ramdam ko ang pagngiti niya. "Thank you, Babe. Sana hindi tayo maghihiwalay."

Sana nga. Sana.


Nagising ako sa sigaw ng aking kaibigan na si Clarisse. "Gising Ria! Gising! It's the first day of our work!"

Alam ko na hindi dapat ako male-late kasi first day ng trabaho ko, pero ang sarap pang matulog.

Napaungol ako. Pagod pa talaga ako. Tinabunan ko ang mukha ko ng unan at gumulong sa kama.

Kinurot ni Clarisse ang binti ko. Napangiwi ako. Nawala na ang antok sa sistema ko sa ginawa niya. Bumangon ako. "Tsk!"

"Nananaginip ka na naman ba?" tanong niya. "Ano na naman ang nangyari sa panaginip mo?"

Sinasabihan ko parati si Clarisse tungkol sa panaginip ko. Dalawang beses sa isang linggo ay napapanaginipan ko ang lalaking iyon. Ewan ko ba kung bakit. Nag-suggest si Clarisse na magpa-albularyo daw ako dahil puno ng kahiwagaan ang koneksyon ko sa lalaking 'yon.

Hindi ko naman nakikita ang kanyang hitsura. Mata lang talaga niya ang nakikita ko palagi. Pero kahit hindi ko siya kilala, mahalaga siya sa'kin. Ramdam ko na minahal ko siya dati at mahal ko pa rin siya ngayon.

Siguro nga delusyonal ang ideya na mahalin ang isang tao na hindi mo pa nakikita o lubos na nakilala.

But that's love, right? It's unconventional. It's doesn't follow conformity. It doesn't follow the norms.

***

Alas-ocho ng umaga ang simula ng trabaho ko. Maswerte ako kasi hindi ako male-late dahil sa lapit ng boarding house sa bagong workplace ko.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon