Chapter XIII

3K 38 2
                                    

XIII

Again


"ANO BA YANG trip mo?" tanong ko kay Elliot.

Binigyan niya ako ng isang piraso ng papel, at meron din siyang kanya. "We'll make a list, Babe."

"List for what?"

"Us."

Nagtataka ko siyang tinignan. "Ano naman ang ilalagay natin?"

"Let's write what we expect. Like, rules or some sort," paliwanag niya. "Well, not necessarily something strict. But something we can expect from each other so we can compromise."

Seryoso talaga siya dito. Gusto kong matawa na ewan. Ang korni kasi na ewan. Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya, at nagtataka niya naman akong tinignan.

"What's funny?"

"Wala. Ang cute mo lang kasi," sagot ko sa kalagitnaan ng tawa. Kumunot ang noo niya. "At dahil cute ka, makikisabay nalang ako sa kabaliwan mo."

Sinimulan naming magsulat sa papel.


Rules:

1. Bawal ang PDA.

2. Bawal mag-sex.

3. Bawal mambabae.

4. Bawal magsinungaling.

5. Kung may problema, kailangan pag-usapan.


Sabay kaming natapos sa pagsulat. Matapos 'non, nagpalitan kami ng papel. Binasa ko ang sa kanya.


1. Kiss and make-out anywhere.

2. No man shall come near you.

3. Be honest.

4. If there's a problem, we must compromise before the day ends.

5. We should not break-up or cool off.

6. We should not break each other's hearts. We should be together forever.

7. Call me Benedict.


Taliwas masyado ang number 1 sa listahan ko. Nang nabasa ko ang #6, naramdaman kong may kung anong humila sa puso ko. Seryoso nga siya. Kahit gaano ka korni ito basahin, alam kong totoo ito. Nang umabot ako sa #7, nagtataka ko siyang tinignan.

"Bakit Benedict?"

"Elliot Benedict," aniya. "Yan ang pangalan ko. Gusto kong tawagin mo ako sa pangalawang pangalan ko."

"Bakit ba?"

"Basta." Nagkibit-balikat siya. "Everyone calls me Elliot, and since you're special, I want you to call me by my second name. It's more . . . intimate."

"Susubukan ko, Ellio—Benedict." Nababaguhan ako sa pagtawag niyon sa kanya.

Binasa niya ang listahan ko, at kumunot ang noo niya matapos niyang basahin ang nilista ko—halatang tutol siya dito. "Ano ba tong #1 at #2," pagmamaktol niya. "Negotiable naman ang number #2 diba?"

Hinampas ko siya sa braso. "Ang manyak mo Elliot—Benedict!"

Napakamot siya sa kanyang batok. "Babe, tigang na ako sa'yo," reklamo niya.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon