Chapter XIX

2.8K 44 1
                                    

Warning: SPG

XIX

Una at Huli


ISANG LINGGO ANG LUMIPAS simula nang nalaman ko ang katotohanan tungkol kay Benedict. Mas naging progresibo ang relasyon naming dalawa. Nababawasan na din ang pagiging misteryoso niya.

Marami akong alaalang napapanaginipan at nandoon si Benedict. Mas nagiging klaro ang lahat ng 'yon dahil alam ko na siya iyon.

"Tonight is Ellise's debut," paalala ni Benedict sa'kin.

Ngayong gabi pala siya mag-de-debut. Engrande iyon siyempre. Sasamahan ko si Benedict bilang 'escort.'

Parte si Benedict sa eighteen roses ng nakababatang kapatid niya, at ako nama'y parte sa eighteen candles niya.

Binigyan ako ni Benedict ng damit, kahit sinabi kong ayaw ko na muna kasi madami siyang binili sa'kin.

Binigyan niya ako ng rectangular box na may lamang black sheer dress na may puting accent. Black and white kasi ang color motif ng debut ni Ellise.

The dress is too sexy, but I don't say anything about it. Mukhang hindi din umaangal si Benedict.

"You will have a make-up session before the event starts with Ellise," aniya.

***

Alas singko ay umalis kami para magpaayos. Nilagyan ako ng konting make-up.

Kasama ko si Ellise ngayon na kahit hindi pa suot ang gown, ang ganda-ganda na. Naka-robe lang siya, pero nilalagyan pa siya ng make-up. Smoky eyes ang kanyang mata, at ang labi niya'y napaka-pula. She looks more mature, but she's beautiful nonetheless.

Sigurado akong magiging overprotective si Benedict sa kapatid niya. Siguro apat o limang taon mula ngayon, mas lalo siyang gaganda.

Sana nga lang ay hindi siya malasing sa after-party.

"Ang ganda mo. Dalaga ka na talaga," kumento ko matapos nalagyan ni Ellise ng make-up.

"Salamat, Ate," nakangiting sagot ni Ellise.

"Woah! Dalagang-dalaga na si bunso, ah." Agad na sumulpot si Benedict. May nanunuya na ngiti sa kanyang labi nang tinignan niya ang kapatid mula ulo hanggang paa. "Mukhang marami akong mababasag na mukha, ah."

"Kuya naman!" Ngumuso si Ellise at humalukipkip.

Lumapit si Benedict kay Ellise saka niyakap ang kapatid. Hinalikan niya ang noo nito. "I'm so proud of you."

"Ang drama mo Kuya! Parang ikaw ang tatay ko."

"Matanda na pala talaga ako."

"Ewan ko sa'yo Kuya!"

As usual, nag-asaran ang magkakapatid. Matapos ng kantyawan ng dalawa, agad na binaling ni Benedict ang kanyang atensyon sa'kin. Umalis si Ellise para suotin ang kanyang gown.

Hinila ako ni Benedict patayo, at agad niyang pinadausdos ang kamay niya sa beywang ko. Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko, at naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang hininga. "Ang ganda naman ng asawa ko," bulong niya. "Baka mauna ang honeymoon natin at mabuntis kita ng wala sa oras," mapaglaro niyang sabi.

"Benedict!" pabulong kong suway sa kanya. "May mga tao dito."

Humalakhak siya at lumayo ng konti. "Ang sexy mo talaga."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-suit siya, at ang buhok niya'y naka-slickback. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Gosh, ang sexy niya. "I-Ikaw din," wala sa sarili kong sinabi.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon