Chapter XI

3.1K 45 2
                                    

XI

His Weakness


PINAULANAN NIYA AKO NG mapusok na halik sa leeg, pababa sa tiyan ko. Pangalan niya lang ang nauungol ko. "Elliot . . ."

Agad siyang tumigil sa kanyang ginagawa. Matapos ay humiga siya sa tabi ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Ba't mo tinigilan?" nagtataka kong tanong. "Pabitin ka talaga! Asan na ba ang kamanyakan mo?"

Gumulong siya para harapin ako. "I respect you," simple niyang sagot.

Tumawa ako. Ewan ko ba, pero gusto ko lang tawanan lahat ng mga pinagsasabi niya. Ito siguro ang epekto ng alak sa'kin. "Wow ha! Akala ko pa naman isa kang dakilang manyak." Ngumisi ako sa kanya. "Kung ayaw mo, ako nalang ang magsisimula," pilya kong saad. Gumapang ako sa itaas niya at hinalikan ang leeg niya, dahilan para mapaungol siya. Matapos ay kinagat ko 'yon at sinipsip, sinisiguradong mag-iiwan 'yon ng marka sa leeg niya.

"Ri—Ria," paos niyang sinabi ang pangalan ko. "Damn it."

Marahan niya akong tinulak palayo, at ngumuso ako sa ginawa niya. Dahan-dahan niya akong pinahiga, at hindi nalang ako pumalag.

Gumulong ako sa gilid para harapin siya. "Bakit ka tumigil?"

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang kamay at marahang hinimas-himas 'yon. "I don't want to take advantage of you. I want you sober if we do it."

Natigil ako sa pagtawa at seryoso ko siyang tinignan. "Baka mawala ka sa'kin at magsawa ka pag hindi ko 'yon ibibigay sa'yo," sabi ko. "Baka isang araw, malaman ko nalang bigla na may katalik ka ng iba kasi tigang ka sa'kin."

"I will never leave you just because of my needs. Aaminin ko na malibog akong tao, pero kaya kong pigilan 'yon para sa'yo. I'm a loyal person, and I'd never pressure you to doing it with me. I will wait for the day that you'll let me make love to you. I am willing to wait, no matter how long it takes."

Ngumisi ako sa sinabi niya. "Nakaka-turn-on naman yang pinagsasabi mo!" Humalakhak ako. Hinaplos ko ang pisngi niya gamit ang aking kamay. "Nakakalaglag ng panty!"

"I love you," bigla niyang sinabi na ikinagulat ko.

Tama ba ang narinig ko? O baka naman nabingi lang ako? Lasing ako kaya wala ako sa tamang ulirat. Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sa sinabi niya.

"I love you," pag-uulit niya, at bakas ang sinseridad sa boses niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, at ang mga kabayo ay nagkakarera sa dibdib ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung mahal ko rin ba siya, pero ang alam ko lang, gusto ko siya at hinahanda ko ang sarili kong mahulog sa kanya. Siniil ko nalang siya ng halik bilang tugon sa sinabi niya.

Naghalikan lang kami. Walang SPG na nangyari o kung ano. Hindi ko namalayan ilang oras kaming naghalikan, pero tumigil kami nang naramdaman ko ang antok.

Nakatulog ako sa bisig niya.

***

Nagising akong nakaramdam ng kirot sa aking ulo. Bumaba ang tingin ko sa aking pansuot. May damit pa ako, pero hindi na ito 'yong sinuot ko kagabi.

Hindi ko na maalala ang mga nanyari kagabi. Ang huling alaala lang sa utak ko ay 'yong eksena ng pag-uusap ni Elvira at Elliot, at ang pag-iwan ko sa kanilang dalawa.

Asan na ba siya? Nasagot ang tanong ko nang nakita ko siyang tumapak siya palabas ng banyo. Tuwalya lang ang tanging saplot niya.

"Gising ka na pala," aniya.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon