Chapter XIV

2.9K 40 0
                                    

(A/N: Dedicated to mariellefrncs. Shoutout to her! Isa sa mga blockmates ko yan na palagi kong kinakausap tungkol sa Wattpad. 

As promised, I dedicate this chapter to you. Wag mo munang basahin tong chapter na 'to hangga't hindi mo nabasa ang simula. At saka, salamat pala sa mga sharings natin. LABYU! XD)

XIV

Titig


"ANO BA ANG ibig sabihin ng tattoo mo?" tanong ko bigla.

Nagluluto na naman siya ngayon ng breakfast, at wala siyang pang-intaas. Naka-apron lang siya at boxers. Tinapunan ko lang siya ng tanong para mawala ang awkward na pakiramdam ko. Nananadya ata siya kasi alam niyang nang-aakit yang matipuno niyang katawan.

May tattoo siya sa may dibdib niya, at ilang beses ko man siyang nakitang hubad sa itaas, ngayon ko lang ito napagtuunan ng pansin.

"It's an alibata," aniya. "Pangalan ng ex ko."

"Ganun ba." Kumunot ang noo ko, at mukhang napansin niya 'yon.

"There's no reason for you to be jealous, Babe. She's just part of my past." Binalingan niya ako ng tingin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko, iniiwasan ang mata niya. Pero lumapit siya sa'kin at hinawakan ang babae ko, inangat para tignan siya sa mata.

"If you don't believe me, then look me in the eye. Tignan mo sa mata ko kung gaano ako sabik sa'yo, at gaano kita kamahal," aniya.

Tinitigan niya ako sa mata. Yong titig na tagos sa kaluluwa. Mas grabe ang intensidad niyon kumpara sa titig na binigay niya sa'kin noong una naming pagkikita. Sa di malamang dahilan, tumindig ang balahibo ko.

Ang mata niya. Yan ang mata na nakita ko sa aking panaginip. Yan ang mata na palagi kong pinapanaginipan.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ako na ang umiwas ng tingin. "E-Elliot—"

"—Benedict," pagtatama niya.

Bumalik na siya sa pagluluto.

***

Hindi mawala sa isip ko ang titig na binigay sa akin ni Benedict. Wala ako sa sarili ko habang nagtra-trabaho. Napansin 'yon ng katrabaho kong si Annie.

"Okay ka lang?"

Tumango ako. "Okay lang ako."

"Talaga? Eh bakit puro 'q' ang na-tipa mo?"

Tinignan ko ang screen, at tama nga siya. Napuno ng letrang 'q' ang dokumento na ini-encode ko sa Microsoft Word.

Sabay na namin kami ni Benedict mananghalian. Nagiging routine na namin 'yon. Kahit busy siya, sinisiguradong niyang maisingit ang 'lunch date' naming dalawa.

"Potato Salad nalang sa'kin," sabi ko.

"Potato Salad?" tanong ng waitress para makumpirma iyon, at tumango ako.

"Can you replace mayonnaise with something else? She's allergic to it."

Paano alam ni Benedict na allergic ako sa mayonnaise? Kahit kailan, hindi ko sinabi iyon sa kanya.

Tumango nalang ang waitress at nilista 'yon. Nang matapos kaming um-order, binalingan ko ng tingin si Benedict.

"Paano mo alam?" tanong ko bigla sa kanya.

"Ang ano?"

"Na allergic ako sa mayonnaise," sagot ko.

Mukhang nagulat siya sa tanong ko kasi nanlaki ang mata niya. Kinamot niya ang kanyang batok at nag-aalangan akong tinignan. "Alam ko lang."

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon