Chapter XXIV

2.5K 29 5
                                    

(A/N: One chapter to go, and then it's the end of part one. Like FC, the part two of Forgotten Love will be narrated by Elliot's point of view. Matutuklasan niyo din ang nakaraan ni Elliot at Ria, at paano sila nagkatuluyan.)


XXIV

Threatening


BUMALIK AKO SA TRABAHO pagkahapon. Ihahatid sana ako nila Mama, pero hindi ako pumayag. Ayokong malaman nila kung saan ako nagta-trabaho. Magagalit lang si Mama pag nalaman niyang sa mga Cortez ako nag-ta-trabaho.

Pagkapasok ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Benedict. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Welcome back!"

Uminit ang pisngi ko nang napansin ko ang mga tao sa paligid namin. "M-Maraming nakatingin," bulong ko sa kanya.

"I don't care. I'm the boss," aniya.

"Malandi ka talaga."

Matapos nangyari yung eksena kanina, agad akong siniko ni Annie pagkaupo ko sa cubicle ko. "Ang sweet niyo kanina, ah. Kinikilig ako."

Pabiro ko siyang inirapan. "Ang korni nga!"

Tumawa lang siya.

***

"So . . . kumsuta ang family reunion?" tanong ni Benedict sa kalagitnaan ng aming dinner.

"Okay lang naman," matipid kong sagot. Ayokong sabihin sa kanya na nandito ang Mama ko. Lalo na sa nalaman ko kanina. Yung tungkol sa galit nito. Ang akala pa naman nito ay wala akong naaalala tungkol kay Benedict.

"Kumusta na pala si Rio?" pag-iiba ko ng usapan.

Biglang lumiwanag ang mukha niya. "He's very cute! Nasa penthouse. Pinabantayan ko muna," aniya. "Ang kulit 'non."

"Nagmana sa'yo," sabi ko. "Mana sa ama niya."

"So anak ko na pala si Rio?" Marahan siyang tumawa. "So ibig sabihin, anak natin siya?"

Ngumisi siya. "Oo."


Natapos lahat ng trabaho, tumungo kami sa penthouse niya. Nadatnan kong tumatakbo ang aso ni Benedict na si Rio.

Ang likot na aso.

"Baby," tawag niya sa aso, at agad naman itong tumakbo patungo sa kinatatayuan namin, ang kanyang buntot ay wumagayway. Sumukot siya at agad na kinarga ang aso, at agad na tumahol ito. "How are you?"

Tahol lang ang sagot ni Rio.

"Hello, Rio," malambing kong tawag sa aso.

Agad niyang winagayway ang kanyang buntot, at iniabot siya sa'kin ni Benedict. Kinuha ko siya at niyakap.

Naglaro lang kaming tatlo. Ako, si Rio at si Benedict. Ang friendly niya. Buti nalang hindi nangangagat.

***

Iniisip ko ang inalok sa'kin ni Mama at Tito Robert. Iyong tungkol sa pagpunta ko sa estado unidos at pag-aaral ng fine arts.

Dapat ko bang sabihin yon kay Benedict? Hindi ko alam kung dapat ba. Wala naman akong balak iwan si Benedict, pero gusto ko din abutin ang pangarap ko.

Kuntento naman ako sa kung anong meron ako ngayon, pero iba kasi ang passion eh. Kung mag-aaral ulit ako, paniguradong maaabot ko na ang mga pangarap ko. Isang 'oo' ko lang naman ang kailangan at makukuha ko na iyon.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon