Chapter XXI

2.5K 32 0
                                    

XXI

Galit


I'M PREGNANT with your child, yun ang mensahe. Ang text galing kay Elvira. Sa una, hindi pa naproses ng utak ko 'yon. Nagbibiro ba 'tong desperadang babaeng to? Nanlamig ang buo kong katawan sa nabasa. Nanginginig kong binalik ang cellphone ni Benedict sa nightstand.

Hindi ko binuksan ang mensahe at hinayaan nalang iyong notification.

Totoo kaya 'to? Baka naman sinasabi lang 'yun ni Elvira para masira kami? Iyon ba ang 'importante' niya sanang sasabihin kay Benedict kaya determinado siyang makapasok sa building?

Posibleng kay Benedict ang dinadala ni Elvira. Nagtatalik sila dati. Fuckbuddies, ika nga. Ayokong gumawa agad ng mga konklusyon at haka-haka.

Pero paano kung si Benedict nga talaga ang ama ng dinadala ni Elvira? Anong gagawin ko? Saan ako lulugar sa buhay ni Benedict?

Puta, kahit labag sa loob kong magparaya, kailangan kong gawin 'yon. Alam ko ang pakiramdam ng walang ama, at ayokong mangyari 'yun sa bata. Kahit gaano ako kagalit kay Elvira, hindi ko pwedeng idamay ang magiging anak niya.

Natapos si Benedict mag-shower. Agad akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot, kunwaring natutulog. Ayokong makita niya ang aprehensyon sa ekspresyon ng mukha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at madiin na pinikit ang mga mata ko.

Magkukunwari muna akong walang alam.

"Babe," malambing niyang tawag.

"Hmmm . . ." Nagkukunwari akong tulog.

"Is there something wrong?"

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at binalingan siya ng tingin. "Bakit mo nasabi yon? Okay lang ako."

Pinagdikit niya ang kanyang labi, at di ako makapaniwalang tinignan. "Gut feeling. I can sense it. I don't know, it's weird, but I feel this connection with you."

Peke ko siyang nginitian. "So soulmates tayo?"

He chuckles. "Oo." Kukunin na niya sana ang cellphone niya sa nightstand, pero agad kong hinawakan ang braso niya. Ayokong basahin niya ang mensahe. Kahit ngayon lang, magkukunwari akong okay pa kami. Bukas, magagalit ako sa kanya at susumbatan ko siya.

"Halika nga dito, Babe," malambing kong sinabi. "I'm in the mood."

Hindi na niya pinagpatuloy ang pagkuha sa kanyang phone. Agad niya akong tinabihan sa kama. Pumaibabaw siya sa'kin, pero gumulong ako para ako ang nasa itaas.

Siniil ko siya sa halik, at tinugunan niya naman iyon. Diniin ko ang labi ko.

Nang maghiwalay sandali ang labi namin, hinabol namin ang aming hininga.

"Babe, why are you so aggressive?" paos niyang tanong.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

Umiling siya, matapos ay ngumiti siya. "No. Gusto ko, actually. It makes me feel wanted."

"Edi mabuti," sabi ko, at hinalikan ko siyang muli.

***

Nang mahimbing na nakatulog si Benedict, agad akong tumayo at pinulot ang damit ko. Sinuot ko 'yon, matapos ay kinuha ko ang bag ko.

Umalis ako sa penthouse niya. Hindi na ako nagpaalam pa. Sa ngayon, gusto ko munang magpalamig.

Pumara ako ng taxi, pagkatapos ay sinabi ko sa kanya kung saang bar ko gusto pumunta.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon