Chapter VI

3.9K 55 0
                                    

VI

Nagugustuhan


BUMALIK NA NAMAN si Sir Elliot sa kanyang dating gawi. Ibig sabihin, namemeste na naman siya at nang-iistorbo sa'kin araw-araw.

Minsan, nag-cha-chat lang siya ng mga bagay na malayo sa trabaho. At minsan—o palagi—bigla niya nalang akong inaaya sa lunch at dinner. Ni-hindi nga niya ako binibigyan ng choice na maka-hindi. Tapos hinahatid niya pa ako. Kulang nalang eh sunduin niya ako tuwing umaga, pero buti nalang at hindi na siya nag-aya pa, o hindi man lang naisipan 'yon.

Ngayong umaga, pagkapasok ko sa opisina, bumungad sa akin ang mga bulaklak. Lahat ng mga kasama ko, may rosas sa kanilang cubicle.

"Anong nangyayari?" nagtataka kong tanong kay Annie.

"Nagbibigay ng bulaklak si Sir," sagot niya sa'kin.

Tinignan ko ang mga mukha ng aking workmates. Kalahati sa kanila ay ngumiti, nasiyahan ata sa mga binigay sa kanila.

"Kenekeleg ne eko, ohmeygesh!" tili ng bakla na isa sa mga katrabaho ko.

"Ako din!" pag-sang-ayon ng isang babaeng katabi lang nito sa cubicle.

Lumakad ako papunta sa cubicle ko, pero wala akong nakita na bulaklak sa mesa. Kumunot ang noo ko. Sa di malamang dahilan, nadismaya ako.

Teka! Ba't ba ako nadidismaya? Dapat hindi ako makaramdam ng kahit ano. Wala naman akong gusto sa kanya o ano. Wala din akong karapatan na magalit. Tama lang na hindi niya ako bigyan ng ganyan.

Nahagilap ng mata ko ang isang sticky note na naka-rolyo. Hindi ko maalala na nadiyan 'yan dati. Kinuha ko 'yon at binasa.


As soon as you read this, go inside my office. Also, don't make me coffee

— E


Sinunod ko nalang ang nakasulat sa note. Kumatok ako, at narinig ko ang senyas na pwede na akong pumasok.

Marahan kong binuksan ang pinto, at nakita ko si Elliot na nakaupo sa swivel chair. "Good morning, Babe," masigla niyang bati.

"Ano na naman ba trip mo?" Napahalukipkip ako.

Tumayo siya, may kinuha sa drawer, at lumakad papunta sa kinatatayuan ko. Inilahad niya ang isang bouquet ng Tulips at tinanggap ko 'yon.

I love tulips.

"Pa-paano mo alam?" Nagtataka ko siyang tinignan.

Binigyan niya ako ng makahulugan na ngiti. Matapos ay nagkibit-balikat siya. "I figured that if you were a flower, you'd be a tulip," aniya.

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Kung ngingiti ako, aasarin niya ako. Pinagdikit ko ang labi ko at tinignan lang siya. Nananatili ang neutral na ekspresyon sa mukha ko. Hindi ko ipapakita sa kanya ang kilig na nararamdaman ko.

"Hindi ka man lang ba kinikilig?"

"Ba't naman ako kikiligin?" Tinaas ko ang isa kong kilay, at nakita ko ang dismaya sa kanyang mukha.

Ngumuso siya. Barakong lalake pero ang hilig mag-pacute. "Paano ba kita mapapakilig?"

"Wag ka ng mag-abala pa. Hindi mo ako mapapakilig," pagsisinungaling ko.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon