Chapter VIII

3.4K 44 1
                                    

VIII

Atensyon at Panahon


TATLONG ORAS LANG ang tulog ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko, at bumungad sa akin ang mapayapang mukha ni Elliot na natutulog. Kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, at narinig ko ang ritmo ng paghinga niya.

Napansin ko na nakabalot pala ako sa matipunong bisig niya. Ang mukha ko ay halos magkalebel lang sa mukha niya, at sa lapit namin, kitang-kita ko siya. Kung gwapo siya kagabi kahit sa dilim, mas gumwapo pa siya ngayong umagang-umaga na.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi, at uminit ang pisngi ko. Hinayaan ko siyang halikan ako!

Agad kong pinikit ulit ang mata ko nang gumalaw siya. Gising na siya. Naramdaman ko ang marahan na paghawi niya sa buhok ko. At ang paglapat ng labi niya sa noo ko.

"Good morning, Babe," bulong niya sa tenga ko.

Pinigilan ko ang sarili kong manginig nang naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tenga ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ang mga kabayo ay nagkakarera na sa loob ng dibdib ko.

Imbes na gisingin niya ako, hinila niya pa ako papalapit sa kanya, at lumebel ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib.

Hindi pa ako handang harapin siya. Hindi pa ako handang tanggapin ang asar niya.

Sa kabila ng mga naiisip ko, nakatulog ako ng mahimbing sa kanyang bisig.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.Pagka-gising ko, wala na sa tabi ko si Elliot.

Saan ba siya?

Bumangon ako at dali-daling lumabas sa tent. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ewan ko ba kung bakit bigla akong natakot sa posibilidad na iwan niya ako. Kinakabahan ako nang hindi ko parin siya nakikita paglipas ng isang minuto.

"Looking for me?" Tumunghay ako sa direksyon ng boses. Huminga ako ng maluwag nang bumaba si Elliot sa may hagdan.

Kinagat ko ang ibaba kong labi at umiling. "Hinahanap ko lang ang tubig," pagsisinungaling ko.

Lumakad siya sa kinaroroonan ko at ngumisi ng malapad. "Takot ka bang mawala ako?" Tinaas niya ang kanyang kilay.

"Hindi ah!" bulalas ko.

"Then why are you so pale? Plus, you were sighing in relief when you saw me up there."

Umiwas ako ng tingin. "May tubig ba dito?" Umilag ako sa usapan. Ayokong aminin sa kanya ang tungkol sa takot ko noong maikling isang minuto na 'yon

Mukhang naiintindihan niya na hindi pa ako handa kasi tumango siya. "Oo."


Kahit walang ilaw ang bahay, may tubig pala dito. May caretaker din pala na bumibista dito limang beses sa ilang linggo. Nagpakilala sa'min ang isang matandang lalake na nakatoka sa pagbabantay sa bahay na ito.

"Iha, ikaw ba ang asawa ni Ben?" biglang tanong ng matanda. Ngumisi siya na para bang may alam na hindi ko alam.

"Po?"

"Manong Bonifacio, hindi po siya ang asawa ko," singit ni Elliot. "Pero balang araw po, magiging asawa ko na rin siya." Nakangiting saad niya.

Binalingan ako ng tingin ng matanda. "Talaga? Maganda siya, iho, kaya alagaan mo ng mabuti. Asawahin mo na hangga't maaga pa kasi baka maagaw ng iba," natatawang saad ni Manong Bonifacio.

Inakbayan ako ni Elliot. "Hindi po mangyayari 'yon. Sisiguraduhin kong akin lang siya."

Pumula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon