Chapter XVIII

2.8K 39 4
                                    

XVIII

Never


"CLARISSE." Agad kong niyakap ang kaibigan ko.

"Oh, ba't ang senti mo? Anyare?" tanong niya, pero niyakap niya ako pabalik.

"Alam ko na ang tungkol kay Elliot at sa Kuya Adrian ko," sabi ko. Sa di malamang dahilan, lumandas ang luha sa pisngi ko. "Salamat sa pagbabantay sa'kin. Salamat sa pagiging kaibigan."

"R-Ria," basag ang boses na pagkasabi niya sa pangalan ko. Narinig ko agad ang paghagulgol niya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Meron ako ngayon tapos bigla ka nalang magpapasalamat," sagot niya sa pagitan ng iyak. "Nakakainis ka. Naaalala ko tuloy ang Kuya mo. Nahihirapan pa naman akong mag move-on sa kanya!"

Matapos naming magyakapan, umupo kami sa may mesa at nag-merienda.

"Baliw talaga si Elliot sa'yo," saad niya. "He's been watching over you for a long time. He even asked me to look after you." Ngumiti siya.

"Siya ba ang rason kung bakit mo ako kinumbinsi na mag-apply sa kumpanya nila?"

Tumawa siya. "Oo. Baliw kasi 'yun. Maraming sekretaryang pinili ng kanyang ama na pinaalis niya, tapos 'nong binigyan siya ng pagkakataon na pumili, sinabihan niya ako na kumbinsihin kang mag-apply."

Nag-usap kami tungkol sa nakaraan. Tungkol sa relasyon niya sa Kuya ko at kay Benedict.

"Alam mo bang sa una, ayaw ng Kuya mo sa relasyon niyo ni Elliot? Grabe siya ka-overprotective sa'yo ng panahon na 'yon. Muntik na ngang masira ang pagkakaibigan nila dahil 'dun."

"Miss ko na tuloy ang Kuya ko." Napabuntong-hininga ako. "Palagi nalang sinisisi ni Elliot ang sarili niya sa nangyari."

"Walang kasalanan si Elliot sa pagkamatay ng ama at kuya mo," sabi ni Clarisse sa matigas na boses. Malungkot siyang yumuko. "Kung may maalala ka man, Ria, itatak mo sa isip mo na wala siyang kasalanan," seryoso niyang sabi.

"Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?"

"Ang Mama mo . . ."

"Bakit? Anong meron kay Mama?"

"Galit siya kay Elliot. Sinisisi niya ito sa mga nangyari," rebelasyon ni Clarisse. "Isa 'yun sa mga rason kung bakit ka niya pinakawalan; kung bakit siya lumayo sa'yo. Dahil sa Mama mo."

"Tell me more."

"Halos mabaliw na si Elliot dahil sa pagkamatay ng Kuya mo," panimula niya, at bigla akong nanlamig sa aking nalaman. "Gumamit pa siya ng droga, at nakulong, pero buti nalang at maraming pera ang pamilya niya kaya nakapagpiyansa siya. Muntik na nga rin siyang magpakamatay, pero buti nalang napigilan ko."

Gumapang ang lungkot sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Ang unfair naman. Maraming oras na nasayang namin.

***

Pagkadating ko sa opisina, nakasalubong ko si Elvira. "Nandito ba si Elliot?" tanong niya.

"May appointment ka ba sa kanya?" pormal kong tanong.

"No." Umiling siya. "But we're close friends. I don't need to set an appointment with him. I'm welcome to come to him anytime."

"We have protocols to follow in order for you to see him." Sa di malamang dahilan, bigla akong nainis, pero pinilit ko ang sarili ko na wag siyang tarayan o murahin. Kailang kong maging propesyunal. Ayoko sa tono na ginagamit sa akin ng babaeng 'to. "Tatawagan ko muna siya at tatanungin kung pwede—"

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon