Chapter XXIII

2.8K 32 1
                                    

(A/N: Back-to-back update

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Back-to-back update. We're near the ending of Part 1. Enjoy!)

XXIII

Stay Away


"YOU SEEM TO BE thinking of something deep. Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Benedict. "Is it about Elvira and the child? You know, you should stop worrying about them. Negative ang naging result."

Nakuha na namin ang resulta ng DNA test ng maaga. Imbes na isang linggo pa sana, napaaga ng tatlong araw.

Huminga ako ng maluwag nang nakitang negative 'yon. Tatanggapin ko pa din naman si Benedict kahit positive, pero ayokong magkaroon pa ng komplikasyon.

"H-Hindi." Umiling ako. "Iniisip ko lang kung anong mangyayari kung sakaling positive man 'yon."

"Stop the what-ifs," suway niya. Niyakap niya ako at hinila paupo sa kandungan niya.

Sa totoo lang, iniisip ko ang pagbalik ni Mama. Kung anong maaaring mangyari pag nalaman niyang nagtagpo ang landas namin ni Benedict, at kami na ulit. Baka magkakagulo. Ayoko pa namang malayo kay Benedict.

Pero possible din naman na napatawad na siya ni Mama. Ilang taon nadin ang lumipas simula nang nangyari ang insidenteng 'yon.

"B-Benedict," tawag ko sa kanya. Napagdesisyunan kong buksan ang topic tungkol sa Mama ko. "K-Kaya mo ba ako nilayuan dahil sa Mama ko?"

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong umiba ang timpla ng kanyang mukha. "Why are you asking this?"

"W-Wala lang. Bigla lang sumagi sa isip ko. Di ba parte din siya sa nakaraan natin? Alam kong sinisisi ka niya sa mga nangyari," nag-aalangan kong sinabi. "Ayoko kasing tinatago to sa kanya. Darating ang araw na malalaman niya ang tungkol sa'tin. At saka mahalaga siya sa'kin. Siya na lang ang meron ako bilang pamilya, kaya gusto kong mapatawad ka na niya."

Narinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga. "I don't think she'll ever forgive me,"saad niya. "Kahit pa siguro lumuhod ako sa kanya, halikan ang paa niya, o ibigay sa kanya ang mundo, hindi niya ako mapapatawad." Bakas ang lungkot sa kanyang tinig.

"P-Pero limang taon na ang lumipas—"

"Time doesn't heal in this case. Time can't bring back what we've lost. Siguro kahit lumipas na ang limang taon, kinamumuhian niya parin ako."

Hindi nalang ako nagsalita pa. Kinagat ko ang ibaba kong labi.

"But even if she's your mother, I won't let her take you away from me," aniya. Naramdaman ko ang pagngisi niya. "I don't care if she'll send me to hell. Magtatanan tayo ulit kung kinakailangan." May conviction ang kanyang boses.

Tumawa nalang ako sa sinabi niya.

"Ba't ka tumawa?"

"Kinikilig kasi ako," sagot ko. "Ang swerte ko talaga sa'yo."

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon