Chapter IX

3.3K 52 2
                                    

IX

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IX

Cheating


KAHIT BUSY SA trabaho si Elliot, humahanap parin siya ng oras para sa'kin. Sinusuway ko siya na mag-pokus na lang sa kanyang trabaho, pero makulit siya at gusto niya daw akong bigyan ng panahon. Gusto niyang patunayan kung gaano siya kaseryoso.

At nasasanay na ako.

Isang linggo na ang lumpas simula 'nong pumayag akong magpaligaw sa kanya.

Nagpapalitan na kami ng kape tuwing umaga. Tinitimplahan ko siya ng kanya, at binibilhan niya naman ako ng kape na may mensahe sa cup.

Buti na nga lang at wala pang nakakahalata sa'min. Tuwing dumadating ako sa opisina, awtomatikong nasa cubicle ko na ang cup ng kape.

Have a great day ahead, Babe :) – E

Iyon ang nakasulat ngayong araw na 'to. Maiksi lang lahat ng mensahe na nakasulat, pero espesyal 'yon para sa'kin. Hindi ko sinasabihan si Elliot na kinikilig ako, kasi alam kong manunuya lang siya.

"Galing na naman sa admirer mo?" Nakangising tanong ni Annie.

Tumango ako at sumipsip ng kape. Matamis at creamy 'yon—ito ang paborito kong lasa sa kape. Tumayo ako agad para ipagtimpla si Elliot ng kape.

Kumuha ako ng Sharpie at sinulatan siya ng mensahe.

Have a nice day! Don't get stressed, Mr. Handsome :D – R

Ito ang unang pagkakataon na lalagyan ko ng mensahe ang cup niya. Kahit sinusulatan niya 'yong binibigay niya, hindi ko magawang sulatan siya pabalik. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para gawin 'to.

Pagkabigay ko sa kanya sa kape, agad akong tumakbo palabas.

Pagkabukas ko sa desktop, nag pop-up ang chatbox. Gaya ng inaasahan, may mensahe ako mula sa kanya.


Elliot Cortez:

Improving ka na, Babe. <3


Nagtipa ako ng reply.


Me:

Gago.


Wala na akong alam pa na masagot.


Elliot Cortez:

Mahal mo naman ako kahit gago ako ;)


Me:

Magtrabaho ka na.


Elliot Cortez:

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon