Chapter XII

3.1K 40 0
                                    

XII

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XII

Official


"ARE YOU OKAY?" tanong ni Elliot sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang mga dokumentong pina-print niya sa'kin.

Tumango ako kahit ang totoo, maraming bumabagabag sa isip ko. "Okay lang ako," pagsisinungaling ko.

Alam kong hindi niya ako pinapaniwalaan kasi binigyan niya lang ako ng tingin na alam kong hindi naniniwala. "Are you sure? You don't look okay to me."

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang talaga ako."

"Alam kong marami kang iniisip ngayon. Someone must've told you something, and you couldn't get it out of your mind." Tumaas ang isa niyang kilay. "It it something about me?"

Ganun ba ako kadali basahin? Bakit niya alam? "Bakit kung magsalita ka, parang alam mo," sagot ko nalang sa kanya.

"I just know you, Babe. I know you more than you know yourself," makahulugan niyang saad.

"Kailangan ko lang magpalamig," sabi ko.

Tumalikod ako para aalis, pero bigla na naman siyang nagsalita kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Let's go to my penthouse later," aniya.

Hindi na ako umisip pa ng sagot kasi diretso ko ng sinabing, "Okay."


"My son is going to marry one of my business partners' daughter in the future," Elliot's father said. "If you're not sure of him, then I see no point of your relationship with him."

"Naiinitindihan ko po," magalang kong sabi.

"Kaya kong pigilan ang kasal sa hinaharap, Iha. Basta't sigurado ka lang sa kanya. Kung hindi mo kayang panindigan ang desisyon mo, walang patutunguhan ang relasyon niyo." Pormal siyang ngumiti. "I hope you understand, Iha."

I nodded. "Naiintindihan ko po."

Ngayong nakapag-desisyon ako, kailangan kong panindigan iyon. Kailangan kong ipakita kung gaano ko kagusto 'yon.

***

Malaki ang penthouse ni Elliot. Simple lang pero malakas ang dating at panlalaki masyado. Halos kasinglaki lang ito ng boarding house na tintirhan ko.

Malaki ang espasyo dito. Ang living room ay may malaking couch na pwedeng tulugan, at ang dining room ay pwedeng kainan ng isang malaking pamilya. May apat na kwarto. Ang master bedroom—kwarto niya. Ang isa ay kwarto na pambabae—kay Ellise yata ito; sabi niya tumatambay daw ito minsan dito. Ang natitirang dalawa naman ay para sa mga bisita.

Hapon pa pero gusto ni Elliot na tumamabay daw kami dito. Iniwan niya ang mga trabaho niya kasi gusto niya daw akong aliwin. Na-touch ako sa ginawa niya. Pinakita lang niya kung gaano ako kahalaga sa kanya, kahit na alam kung bukas, magkakandarapa na naman siyang magtrabaho.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon