Chapter III

4.4K 64 5
                                    

III

Buong Pangalan


"PATAY NA ANG PAPA AT KUYA MO," garalgal ang boses ni Mama sa kabilang linya. "Nandito kami sa pinakamalapit na hospital sa lugar natin."

Lumandas ang luha sa pisngi ko nang narinig ko ang balita. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nanginginig kong binaba ang cellphone ko.

"K-Kailangan ko ng umalis at puntahan ang Papa ko," sabi ko sa nurse na nakabantay sa'kin ngayon.

"Miss, wag po muna kayong umalis dito. Ipagpabukas mo nalang. It's not good for your health. It might harm you and your—"

Hindi ko na siya pinagpatuloy sa kanyang sasabihin. Marahas kong tinanggal ang karayom na naka-konekta sa kamay ko. Humikbi ako at tumayo.

Hinawakan ko ang IV stand at sinamaan ng tingin ang nurse. "Wag mo akong pigilan," banta ko sa kanya. "Kundi, tatamaan kita nito."

Hindi na siya pumalag. Tumango lang siya at hinayaan akong lumabas.

Tumakbo akong nakapaa at hospital gown sa hallway. Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob pero wala na akong pakialam sa kanila. Iyak lang ako ng iyak nang tumakbo ako palabas.

Nakita ko ang isang lalaking papasok pa lang sana sa kotse niya pero pinigilan ko siya. "Teka lang! Akin na ang kotse mo," pagmamakaawa ko, bumabagsak parin ang luha sa pisngi ko.

Nag-aalala akong tinignan ng lalake. "Okay ka lang, Miss?"

"Hindi ako okay!" sigaw ko at humagulgol. "Akin na muna ang kotse mo. Parang awa mo na. Ibabalik ko 'yan. Kailangan ko lang puntahan ang ama ko."

Kita kong naaawa na siya sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Saang hospital ba yan? Ida-drive nalang kita," pag-aaya niya. "Sa lagay mong yan, delikado kayong dalawa. Baka mapano ka."

Umiling ako. "Nagmamadali ako. Please lang, wag ng maraming tanong."

"Saang hospital ka ba papunta?"

Sinabi ko sa kanya kung saan at tumango lang siya at binigay ang susi niya. "Salamat," sabi ko agad pagkatanggap ko ng susi.

Pumasok ako sa passenger's seat at pinaharurot ang kotse. Aabot pa ng isang oras patungo sa hospital kung saan ang Papa ko, pero kung i-doble ko ang lakas ng pag-aandar ng kotse, maaari akong makaabot ng trenta minutos doon.

Napagdesisyunan kong pataasin ang speed ng accelator. Humagulgol lang ako habang nagda-drive.

Naging malabo ang daan dahil sa luha sa mata ko. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko napansin ang pagtagpo ng kotse sa isang truck. Napansin ko nalang 'yon nang lumapat ang liwanag na nakakasilaw sa mata ko.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. The last thing I saw was the glaring light. Then I heard the glass windows shattering, and the violent screeching of tires.


Nagising ako pawisan, mabilis ang tibok ng puso. Sumigaw ako na nagpagising sa ka-boardmate kong si Clarisse.

"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.

Niyakap ko ang paa ko sa aking dibdib at sinandal ang ulo ko sa headboard. Umiling ako. Hindi ako okay. Paano ba ako magiging okay matapos kong napanaginipan 'yon?

"Kunan kita ng tubig," ani Clarisse. Matapos ang ilang minuto ay bumalik siya na may dalang basong tubig.

Binigay niya sa'kin yon at tinanggap ko naman. "Salamat," sabi ko matapos kong inumin ang laman ng baso.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon