The Races of Other World•

2.2K 49 0
                                    

|Dyena|

"Paano makakakuha ng mga Elites?"

Kasama ko ngayon si Kristina dito sa mini park ng school. Vacant time ng room kaya nakarating kami dito. Next class ay cutting kami dahil sa katamaharan.

"Paano nga ba, hmm" sandali siya ng nag isip at mukhang inaalala ang lahat kung paano niya nakuha ang mga Elites niya ngayon

"Sa pagkakatanda ko, tatlong Elites lang ang pwede sa bawat Royal Leader. Tapos yung mga Elites na yon may mga reapers na sinundan ng assassins then soldiers. By ranking. Hahanap ka ng taong gusto mong maging Elites sa Examine Day. Maraming gusto maging Elites mula sa Reapers Section. Kapag naabot nila ang required strength ng isang Elites, may possibility na masama sila sa Waiting List ng Elite. Sa ngayon, walang naka Waiting List since hindi nagpabattle ang mga Reapers dahil ayaw ng Elders last year."

Napatango ako sa sinabi niya. Para maging Elite ang isang Reaper kailangan sumali ng isang battle? By ranking din talaga ang pagkuha ng Elite. Mula sa soldiers tumaas ang rank nila turn to Elite. Sobrang paghihirap yon para sa kanila.

At sa isang tulad ko na transferee na agad napasok sa Royal Section ay isang kawalan sa lahat. Iniisip siguro na dinaya ko sila.

"Excited ka na ba magkaroon ng Elites?" Tanong niya pa ng may halong nakakalokong ngiti sa labi

"Siguro. Gusto ko lang maramdaman na may promoprotekta sa akin."

Simula nung bata ako, lumaki akong mag isa. Simula ng malayo ako sa kanila, kinailangan kong mabuhay sa sarili kong paa. Kung ano anong paghihirap ang inabot ko sa mga tao kapag naabutan ako ng dilim sa kalye sa paghahanap ng pagkain. Daig ko pa ang pulubi.

Pero isang araw nabago yon lahat ng may isang misteryosang babae ang tumulong sa akin. She gave me a Shelter. Foods. Clothes. Money. Ni hindi ko manlang siya nakita kahit isang beses. At hanggang ngayon, nagbabakasakali ako na lumapit siya sa akin at magpakilala. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Marahil lumaki ka talagang mag isa?"

Napangiti ako sa sinabi ni Kristina.

"Masakit?" She asked again

May iba siyang pinupunto.

"Oo, masakit malayo sa taong mahal mo."

Tumayo ako at pinadpagan ang palda mo "Like what I've said hatred and sorrows, this is the reason why people are weak. Strenght begins in understanding your own weakness."

Tumayo na rin siya at sumabay sa akin pabalik ng classroom.

"Anyway, may rules pala na bawal makipag usap ang kapwa sa kapwa na Royal. And I heard na invalid na ang rules dahil sa ginawa nyo, anong punishment?"

"Ah. That one. Nagpalamog lang kami sa Elders."

Napailing ako sa tono ng pananalita niya. That means na natalo sila. Pinapatunayan lang yon na hindi basta basta ang mga elders ng school.

Nagulat kami ng may malakas na pagsabog mula sa west wing ng academy. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kristina. Lahat ng istudyante ay napatigil sa kanilang mga ginagawa at tinanaw ang pinagmulan ng malakas na pagsabog.

"What was that?" Tanong ko sa sarili ko

"Lets find out"

Tinahak namin ang daan patungo sa may west wing. Mula sa pwesto namin ay natanaw namin ang ilang katawan na tumilapon at wala ng buhay dahil sa pagsabog.

Nagkalat ang blood stains sa pader at tilay sadyang pagpapasabog ang ginawa. Nakita ko na rin sila Eythan na tumatakbo papunta sa amin.

"Sino may gawa?" Tanong ni Zylie habang nakatingin sa isang kotseng kinakain ng apoy

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon