POD

1.8K 52 0
                                    

|Dyena|

Pagkalabas ko ng office ni Sir Yamoto, napataas ang kilay ko dahil sa eksenang nakikita ko.

Maraming nagtatakbuhan istudyante. Lahat lumabas mula sa kwarto. Lahat ng nakatambay, may pinuntahan na iisang dereksyon.

Anong meron?

Anong eksena na naman tong nakikita ko? Daming ganap ha. Araw araw nalang yatang may bagong ganap. Tsk! Di na ba mauubusan ng ganap dito sa school na to? At kailan ba ako masasanay sa mga nakikita ko? Nako! Ito talagang school na to, magugulat ka nalang.

"Anong ganap?" Harang ko sa isang tumatakbo

"May pinaparusahan na Elite!" sagot niya at nagpatuloy sa pagtakbo.

Isang Elite na pinaparusahan? Sino naman yon at napakamalas niya sa araw na 'to? She or He claimed that day, huh.

Yung area-ng pinupuntahan ng lahat, hindi ko pa yon nadadayo since sobrang dalang lang ng taong dadaan doon. Minsan pa nga, sadyang iniiwasan at nilalayuan ang place na yon. I don't know kung anong meron sa place na yon.

Sinong Elite kaya yon. At sino ang nagpaparusa? Kawawa siguro yon. Nasaan ang royal niya para iligtas siya?

Dahil curious ako, tinahak ko ang daan na yon. Gusto kong makita ng aktual na nangyayari. Para masanay na rin siguro ako.

"Royals are not allowed here" May humarang sa akin na tatlong lalake ng malapit na ako sa fences nung place na yon. "You're not the Royal of that guy, Ms Dyena." The other one said after he bowed.

Sayang.

Tumalikod na ako at bumalik nalang sa Royal Section. Nakita ko rin ang ibang Royal na paakyat except kay Eros at Eythan. Si Kristina, mukhang may iniisip na malalim kaya di na ako nagtangkang lumapit sa kanya. Mamaya nababaliw na siya at mahawaan pa ako.

Hays. Pero di talaga maalis sa isip ko yung mga nangyayari sa baba. Naaawa ako para sa Elite na yon. Siguradong malupit na pagpaparusa yon.

"Ms Kristina," may dumating na lalake at tinawag si Kristina "pinapatawag kayo sa POD."

"Sh-t" Tumango si Kristina sa lalake "Susunod ako."

Bumaba na yung lalake. Lahat kaming Royals diro ay nakatingin kay Kristina. Hindi maipinta ang mukha niya. Ano kayang problema ng mga tao ngayon? Ako kasi yung sa mission ko. Mahirap pumatay. Kasalanan sa diyos. Pero kailangan talaga, hindi ako santo na kailangan sumunod at magpakabait sa lahat. Still, ibang klase ng mundo ang meron kami. Killing is not a sin.

"Are you okay?" I asked Kristina, she just smiled and nodded her head. Bumaba na siya ng hagdan kaya ilan nalang kaming Royal ang nandito. Walang imikan. Parang di talaga kami magkakakilala- I mean hindi ko naman talaga sila kilala pero sa tagal nila dito sa Death School, syempre dapat vibes na sila at nagngingitian manlang di ba? Sila hindi e, wala talagang kibuan. Totally.

May rule ba na bawal mag ngitian ang mga Royals? O kaya manlang tanguan?

**

|Kristna|

"Alam nyo ang rule ng school na to, aren't three of you?"

Hindi kami umimik. Nanatili lang ako sa pwesto ko habang nakanguso. Grabe naman kasing rule yon. Bawal makipag usap sa kapwa Royal. Tsk.

"Ngayon lang nadumihan ang maganda nyong record nang dahil sa isang babae. What happened? I'm so disappointing to the three of you, three Royals."

"Tsk"

"Nandito na e"

Napailing ako sa dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko. Ang panget nila!

"Ano balak nyo?" Tanong na naman ng head ng POD sa amin habang nagbibigay ng mapanuring tingin.

Umiling ako. Bakit ba kasi may ganung rule pa di ba! Nakakasura. Ang saya kayang kausap ni Dyena. Komportable ako kapag nandyan siya at kausap.

"Hindi ako magpaparusa sa inyo, bahala na si Mr Hartune sa inyo."

"H-Ha?"

Natulala ako for moment ng marinig ko ang apilyidong yon. Pakiramdam ko gusto ko ng lumubog sa lupa dahil sa apilyidong yon. Hartune. Sh-t lang talaga. Tangina para akong haharap sa kamatayan. D-mn!

Maalala ko lang kung paano magparusa ang mga naunang Hartune, di ko na kakayanin. Mas demonyo pa sila sa demonyo.

"Okay you may leave this room except to Mr Palma. We'll talk about your Elite, Warren Fuentez."

Tumango si Palma at nagpaiwan.

Ang daming eksenang nangyayari ha!
~~

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon