Offer

1.2K 36 2
                                    

|Dyena|

"Where have you been?"

"Concerned cousin?"

Napairap ako kay Meeco. Napansin ko lang na dalawang gabi siya hindi nauwi ngayon. Wala pa naman pinapagawa sila papa sa amin. At hindi din naman sila nagbibigay ng solo task.

Hindi din naman ako concern at wala din ako pake. Trip ko lang magtanong dahil panis na laway ko at wala akong kausap sa bahay na to. Tanging si Ruru at Riri lang nakaharap sakin bago dumating ang kulugo na to.

"Baka magulat nalang kasi ako may ataul na kaming pinaglalamayan" sabi ko

"Eh yung puso mo kamusta?" pang aasar niya kaya nabato ko siya kaagad ng unan. Bwisit talaga to minsan.

"Lubayan mo ko Meeco, baka samain ka sakin."

"Hahahahahaha labyu tulog muna ko insan"

Nagdederetso siya sa kwarto nya at iniwan kami ng dalawang pusa na nakasimangot. Ang laki na nila talaga. "Saan tayo mga ming?" yeah, mabaliw ka Dyena. Kausapin mo yang mga pusang yan na nakapoker face sayo for sure.

**

Pagkapark ko ng kotse ay kaagad akong lumabas na sinundan naman ng talunan ng dalawang pusa pasunod sa akin. Lulan kami ngayon ng elevator paangat sa floor ni Parker.

Wala ako ngayon mapagtripang tao, siya ang gusto ko mapagbuntungan ng katamaran ko sa buhay.

Habang paangat kami, may mga nagsisikay sa elevator na to. Napapatingin sa dalawang pusang prenteng naghihintay sa paglabas namin. Napapaiwas tuloy ang mga tao sa pusa. Takot na baka maapakan o masanggi.

Humuni si Riri ng makitang humakbang na ko. Nakarating na kasi kami sa top floor.

"Hello ma'am, nasa lobby po si sir Parker." bungad sa akin ng sikretarya nito, ang alam ko may gusto ito kay Parker. The way she looks to Parker, she's inlove to him.

"I'll wait inside" kilala naman nya ako at may autorization naman ako pumasok sa office ng director nila kaya hinayaan nya na ko tumuloy sa loob.

Mula sa pwesto ko, kita ang city na kinatatayuan nito. Mataas ang building na to kumpara sa CH Group na hawak ng pamilya namin.

Kung sa yaman lang naman, alam kong hindi makakahigit ang pamilya ni Parker. Besides, sa industry namin hindi namin kelangan magpagod para makahanap ng pera. Kailangan lang namin ay mapanatiling humihinga.

Makalipas ang isang oras, dumating na din si Parker na sapo ang sintido. Kulang nalang sabihin nyang stress siya. Nagulat pa siya ng makita ako. Hindi ata expect. Hindi din nya siguro pinansin ang sinabi ng secretary nya.

"Kanina ka pa?" he asked

"An hour ago"

"Cheeze. Sana tinawagan mo ko, namiss mo na ko kaya ka nandito noh?"

Sumilay sa labi nya ang ngiti. Damn. I felt chills down to my skin.

"Are you stress? Why?"

"May isang daredevil ang namatay kanina. Nahulog sa building na to."

"You mean, yung may umaakyat sa matataas na lugar? I mean sa towers or building? Rooftoppers?"

"Yes."

"What the issue? Hindi mo naman problema yon."

Labas na siya doon. Yes, building nya to. Pero hindi na nya kailangan pumasok sa mga gantong stress. Pinayagan na niya umakyat ang tao dahil field nila yon. Doon nila nakikita ang hapiness nila.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon