Moving

1.2K 38 4
                                    

|Dyena|

Sa buhay walang sigurado. Dahil bawat minuto pwede may magbago. Mga pagbabago na hindi mo aakalain na mangyayari sayo. Pagbabago na malayo sa pananaw mo na mangyayari. At kapag nangyari yon, magugulantang ka nalang. That you need to go with the flow.

Sabi pa nila, pag may nawala may darating. Yes, it's true. For me. Because you deserve better. You deserve more things. You deserve most.

Ang bilis ng pangyayari. Parang last time, we almost wiped out. Then now, way back to normal na parang walang nangyari. Except sa pagkawala ng ilang members ng Meir.

"Baby,"

Napairap ako sa paparating na si Parker. Geez. May flower na naman na dala.

"Ilang beses ko ba sasabihin na tigilan mo ko? Di ka ba nagsasawa sa sagot ko na busted ka?"

"Kahit ilang taon pa yan Dyena, makukuha at makukuha kita" sabi pa niya na puno ng kumpyansa sa sarili. This arrogant guy.

Parker Sullivans. He's just fcking normal business man out of my field. Ni wala nga siyang kaalam alam na ibang transaksyon ang ginagawa ko sa mga company na kamerge ng company nya e.

Para naman ako dalaga nito. Nasa stage na ko ng pag aasawa pero hanggang ngayon, single pa din ako! Wala na ata ako balak mag asawa. Ifofocus ko nalang siguro ang buhay ko sa Meir. Ito na ata kakatandaan ko. Mas better. Kaysa makipaglokohan sa Parker na to. Ako lagi ang trip. Ang daming babaeng umaaligid sa kanya pero ito siya, buhay na buhay sa panggugulo sakin. Ito na ata ang pansamantagal nyang trabaho, ang guluhin ako.

"Tara sakay, sexy natin!" Sisipol sipol pa siya habang nakakaway sa loob ng kotse. Di na ko nagkomento pa at sumakay na sa kotse niya pauwi. Inumaga na naman sa trabaho ang gago.

"Oh. Bakit?" tanong nya ng matapos ko siyang titigan ng tatlong segundo ng buhay nya. "Sasagutin mo na ba ako-"

"Malalim na eyebag mo. Natutulog ka pa ba?"

"As usual, work. Itong last three days hindi maayos tulog ko. Concern?"

"A bit. Lalo kang pumapanget sa paningin ko." Natawa nalang siya sa sinabi ko bago nya ako ibaba sa tapat ng bahay ko. "Thanks"

"You're always welcomed." He smiled before he went away.

**

"Days went well?" I smiled timid to my mom. Kiniss ko pa siya sa cheeks bago kargahin ang pamangkin ko.

"Wala na naman daddy mo baby? Iniwan ka na naman samin."

"Napapadalas na ang alis ni Eythan. Hindi ko alam ang nangyayari sa batang yon at napapabayaan na nya ang apo ko."

Year ago. Nakabuntis si Eythan after nyang pumunta sa High-end Bar. And until now, hindi namin alam kung sino ang ina ng cute na baby nito. Paniguradong maganda yon. Halos kamukha nito ang ina. At ang DNA Test ay positive na si Eythan ang ama.

"Natanong nyo na ba?"

Humagikgik ang bata ng magpacute ako sa kanya. Para bang isa akong clown pag nakikita nya ang ganitong itsura ko. Sinubok-subukan nya pa abutin ang mukha ko.

"Hindi magsasabi yon."

"Baka may problema sa lakad ng grupo niya, ma?"

"Tinignan ko ang statistic at nagtanong na din ako sa mga pinagkakatiwalaan nya at sinabing wala. Maski sila walang alam sa ginagawa ng amo nila."

Sasagot pa sana ako ng biglang dumungaw si Meeco sa gilid ko para harapin ang supling na karga ko dahilan para unti-unting umiyak ito ng malakas.

"Fucker! Sumpa ka talaga sa bata! Takot na takot sayo!" Singhal ko

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon