Meir

1K 27 0
                                    



|Dyena|

Walong buwan na ang nakakalipas simula ng umalis kami ng Pilipinas at hanggang ngayon ay naririto padin kami ni mama. Hindi ko alam kung kailan balak ni mama bumalik sa Pilipinas. Masyado ko ng namimiss ang Pilipinas. Nawalan na rin ako ng kumunikasyon kala Zoe. Even kay dad.

"Ma!" sambit ko pagkalapag ko ng baril sa mesa. Kakatapos ko lang magtraining sa tulong ni John. Iyong kasama namin ni mama at nagt-train sa amin. "Umiinom ka na naman." Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang inom nya. Nagtatakha na ako.

"You've been like these..." I stopped "Ano nangyayari ma?"

Wala akong ideya.

Tinapunan nya lang ako ng tingin at tipid na ngiti bago umalis.

"You need to be more stronger than anyone Dyena." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si John "Hindi na maganda ang nangyayari sa Meir."

Tila'y huminto panandali ang mundo ko ng marinig ko iyon. May hindi magandang nangyayari sa Meir. Fvck!

|Zoe|

Tinignan ko ang buong paligid. Gusto kong mapaluhod. Gusto ko umiyak. Pero hindi to ang panahon para lalong panghinaan ng loob.

"Ano na gagawin natin?" Warren ask out of the blue.

Umupo si Amethys sa tapat na upuan ko at sinimulan linisin ang kutsilyong may bahid na dugo. "Mukhang may sumalakay na naman ah?" Komento ko

"Gloucester nalang ang natitirang tayog ng Meir kaya hanggang maaari protektahan natin habang..."

Bago pa nya matapos ang sasabihin nya at dumating sila daddy.

"Bumalik na kayo sa Gloucester. Mas ligtas kayo doon." Hayag ni tito Alexis bago tapikin sa balikat si Warren. Nauna ng umalis si Amethys at Warren habang naiwan naman kami ni Justin.

"Zoe sumunod ka na sa kanila."

"Pero pa! Kayo?"

Tinitigan ako ni papa. "Pogi papa mo kaya wag mo na alalahanin kung ano mangyayari sa akin. May backup naman akong mga unggoy eh!" sabay tingin nya kay tito Alexis at tito Ervin na ngayon at nakadirty finger.

"Tangina mo tol nahiya naman kami ng gurilya mong mukha"

"Sayo pa talaga nanggaling yan ha?"

Kahit papaano ay natawa kami ni Justin dahil sa way ng pag uusap nila. Kahit ganito na ang sitwasyon nagagawa pa din nila maglokohan na para bang walang kritikal na sitwasyon na nangyayari.

|Ervin|

Sunod sunod na pag atake ang nangyari sa Meir. At halos maubos ang tauhan ng Meir dahil sa pagsalakay. Tanging ang Gloucester nalang ang may silbi ngayon. Yun nalang ang pinoprotektahan ng mga natitirang buhay sa Meir.

"Tumawag kanina sa akin si Alys" pahayag ni Xaner matapos lagukin ang laman ng isang beer. "Konting panahon nalang ay babalik na sila."

"Hindi ba mukhang mas delikado kung babalik sila? Lalo na si Alys. Maraming gustong pumatay sa kanya dito sa Pili—"

"Tama ka. Pero mas magandang nandito sila para protekhan ang Gloucester."

"How about Boss? Hindi siya payag na pabalikin ang dalawa habang wala siyang malay."

"Walang makakapigil kay Alys, Alexis. Let them do what they desires to do. Kailangan natin ng dagdag pwersa para pabagsakin sila Camila."

That bitch! Traydor!

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon