Closing

1.6K 39 11
                                    

|Dyena|

"May problema sa labas ng Gloucester madam" tarantang nagsalita ang isa sa mga tauhan dito sa loob ng Gloucester. Bakas sa mukha niya na di niya alam ang dapat gawin kaya ako napataas pa ang kilay sa kanya. Busy kaya ako sa pag aalaga kay Riri na tulog sa hita ko. Yung feeling na ayoko siya magising at aarte nalang akong patay hanggang sa magising siya.

"Sila Eros ang palabasin niyo. Kaya na nila yon" sabi ko.

"P-Pero madam-" shhh ang ingay! Magigising yung pusa!

"Unless ikaw ang gusto kong palabasin?" tanong ko

"Nasa labas na po sila sir Eros at sir Meeco. Ang ibang ups ay wala. Kayo lang pong tatlo ang naiwan ngayon dito"

Damn! Sinamaan ko siya ng tingin ng gumalaw bigla ang tenga ni Riri. Muntik na siya magising!!! Iihawin ko talaga tong kaharap ko pag nagising si Riri!

"Damnit! Pagbilang ko ng tatlo di ka pa nalabas dito sa opisina ko, I'll swear in my name, ibibitin kita ng patiwarik"

Di pa ko tapos sa sasabihin ko ng kumaripas na siya palabas.

Susunod din naman pala. Inistress pa ako. Bakit pa kelangan tawagin ako. Tss.

Dahil intersado ako sa nangyayari sa labas ay binuhay ko ang replica ng Cloud Nine. "What's happening outside?" saad ko matapos mag ilaw ang buong haligi ng opisina ko.

Bumukas ang vtr at tumambad sa akin ang labas ng gate.

Who is she? Ngayon ko lang siya nakita. Nag aamok pa siya ha.

Dahil alam kong limited ang alam ng replica ng Cloud Nine ay nagtawag na ko sa labas.

"Isang babae lang yan hindi nyo maayos? Baka gusto nyo sumama kayo sa babaeng yan pag pinalayas ko?" Kalmante pa ako.

"Madam ang sabi sa gate ay hinahanap niya daw ang anak niya. Ilabas daw. Eh sino bang anak ang tinutukoy niya? Nagkamali lang siguro po siya madam."

Sasalita pa sana ako ng pumasok na naman yung tauhan kanina. "Madam ayaw talaga lumabas. Pinaulanan na kami ng bala"

Napatampal nalang ako sa noo ko.

Kahit papano kelangan ko padin mag ingat. Magigising si Riri.

"Edi paulanan nyo din-"

"E-Eh m-madam sabi n-niya s-siya daw yung binuntis ni sir E-Eythan!"

"What the fuck?!"

Napatayo ako sa pagkakaupo ko. Doon ko nalang din napansin si Riri na tumilapon at literal na ang laki ng pagkakabukas ng mata niya sa pagkagulat dahil sa pagkabagsak niya. Hindi pa siya nakakarecover ay agad na akong umalis.

Madali kong binaybay ang palabas ng opisina. I can't imagine na sa unang pagkakataon ay makikita ko ang ina ng anak ni Eythan. Nagkaroon din ng pagkakataon para sa amin. I've been curious about her for the long time. Kung bakit na kay Eythan ang bata at wala sa kanya.

Di pa ako tuluyan nakakalabas ng bukana ng mansyon ay nasalubong ko si yaya na buhat ang bata. Umiiyak ito at nang makita ako ay nagsumamo ang mata nito na kunin ko siya.

"Ako na bahala, pahinga na muna kayo"

"Salamat po madam"

Ang isang munting anghel na to ay nasa labas ang ina. At hindi ko alam bakit narito siya at ngayon lang nagbalak umapak sa labas ng bakuran namin.

Isang babae ang nagwawala sa labas ng gate at nagsisigaw sa pangalan ni Eythan. Ang mahaba niyang buhok na kulay kayumanggi ay nakapusod at ang maporselana niyang kulay at balat ay nasisinagan ng araw. Ang maliit niyang mukha ay mas lalo nagiging asset sa kagandahan niyang taglay. No doubt. Ina nga siya ng batang hawak ko.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon