Change

1K 25 10
                                    

|Dyena|

"Why did you do that?"

"What?"

"Howw! Wag na tayo maglaro dito!" sigaw ko sa kanya. Natigil siya sa paglabas ng resto.

"Ikaw lang naman ang naglalaro, Dyena."

Ngayon ko lang napansin, nakatingin na halos lahat sa amin. Na para bang para kaming mga artista dahil sa agaw eksena namin dalawa.

"Narealize ko, hindi ako to. Hindi ako yung nakilala mo na pag ginago hahayaan ko lang. Dyena, may reputasyon ako. At yung pagkatao ko? Parehas nyong inapakan ni Warren. At isa pa, kung bakit siya namatay, kasalanan na niyang umapak siya sa Gloucester. Nagkataon lang na kailangan kong iligtas si Sandrana mula sa kanya."

Ah. Ang sakit naman madinig yon. Ramdam ko yung pagpapahalaga niya sa babaeng sumira ng karangyaan ko at sa Meir.

"Bakit ganon? Bakit mas mahalaga siya? Paano ako? Hindi mo ba naisip na pag ginawa mo yon ay may isang ako na pwedeng magalit sayo? HOWW ano ba!"

"I'll go, masyado ka ng maeksena."

Fuck! Ang harsh mo na sakin magsalita. Ano nangyari?

Walang lingon lingon ay umalis na siya sa harapan ko habang ako, nandito, natigilan sa mga masasakit na salitang narinig ko mula sa kanya. Hindi na niya ba talaga inaalala lahat ng pinagsamahan namin?

Mabilis ko siyang hinabol palabas at hinila "Itatapon mo nalang ba lahat ng pinagsamahan natin? Ganun ganun nalang yon?"

Sana isipin nya din na sobrang sakit na sakin. Na kahit nagmumukha na akong tanga kakahabol sa kanya, ipipilit ko padin sarili ko sa kanya kasi mahal ko siya, kasi alam kong siya na ang gusto kong makasama. Na kahit alam kong ipagtatabuyan niya lang ako ulit, lalapit at lalapit pa din ako sa kanya. Na kahit anong panggagago na ang gagawin niya at kasalanan na gagawin niya, nandito padin ako para magbulag bulagan dahil ganon ko siya kamahal.

"Ganyan ka na ba? Kinakain ka na ng pride at ego mo! Ang selfish mo Howw."

Mabilis niyang hinablot ang braso ko at ang sakit sakit ng pagkakahawak niya. Wala na yung dating malumanay na haplos niya. Na iingatan niya ako at hindi magagawang saktan.

"Talaga? Hindi ako selfish Dyena. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na pumatong sa ibang babae. Na makita ang sarili ko na hindi ikaw ang kasama. Pero bat sayo ang dali lang kalimutan ng respeto para sakin at magawang patungan ng iba? Gaano mo ba ako kamahal habang tayo? O inisip mo bang may tayo habang may kahalikan kang iba?"

"Howw... hindi ko na alam ang gagawin ko para mapawi lahat ng sakit na nararamdaman mo... Sorry-" binitawan niya ako ng padahas.

"DYENA! DYENA! Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi niyang maiibsan lahat ng sakit na ginawa mo dati... Dyena, let's be fair. Gusto ko din sumaya. Kalimutan mo na ako."

Kanina nakokontrol ko pa yung luha ko, yung nararamdaman ko, ngayon hindi na. Kusa ng tumulo ang luha ko at gumalaw ang katawan ko para saktan siya ng pisikal. Lahat yon ay hinayaan nyang tanggapin maski ang sunod-sunod kong sampal sa kanya. Kahit na namamanhid na ang palad ko ay tinutuloy ko lang ang ginagawa ko. Akala ko mapapawi lahat ng sakit pero hindi. Napagod lang ako. Ako na din kusang tumigil at dumistanya.

Kita ko ang pagdura niya ng dugo sa semento at pag iling sa natamasa. Tinignan niya ang paligid na may ilang taong nakatingin.

"Sana ito na yung huling mamahalin mo ko. Dahil ngayon, tatapusin ko na lahat. Iiwan na kita sa nakaraan. At ang kasalukuyan, magiging magkatunggali tayo." sa ma sinabi nya, I know, wasak na wasak na ang loob ko.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon