Hartune

2.3K 48 4
                                    

|Dyena|

"Akala ko kasama mo si Eythan" napatingin ako sa nagsalita. Sumabay siya sa akin sa paglalakad "You looked pale, bakit?" Interrogation? Ha. Napapadalas ang pagsasalita niya.

"He bet you." I said. Nakikipagkumpentensya siya kay Eythan. Anong pakiramdam? Yung gusto mong maabot, iba ang nakasungkit? Nagpractice ka ng matagal, ginugol mo lahat ng natitirang oras just to bet the people who around your circle, to bet your mutual enemy pagdating sa rank.

"May susunod pa naman"

What if kung wala na? What if kung last breath mo na pala mamaya?

"Si Eythan, nagkaroon na ba siya ng girlfriend?"

Natawa ng bahagya si Eros sa tanong ko kaya napasulyap ako sa kanya sandali. "Kung di lang kita kilala, maiisip kong may gusto ka sa kanya. He never had a girlfriend." Ah. May itsura naman siya. Siguro wala pa sa isipin niya ang magkaroon non. Baka mabago pa takbo ng isip niya. Nakakaabala pala ang isang relasyon lalo't kung hindi alam ang priority at responsibilities.

"Loseriaga," sabay kaming napalingon sa sumigaw, isang Elite. Lumapit siya sa amin at ngumiti, mukhang si Eros ang pakay niya. "Eros Loseriaga, pinapatawag ka ni King sa I-Infinity Hall" biglang bumakas sa mukha ng isang Elite ang pagkabalisa at pagkatakot ng matapos sabihin ang kanyang pakay. Maski si Eros ay napaseryoso ng mukha at ng tumingin sa akin ay ngumiti ng pilit "Hindi ko nagawa ang gusto niya"

"Alin?" maski ako kinabahan dahil sa sinabi niya. Alin ang di niya nagawa? At ano naman yung Infinity Hall?

"Pumasok ka na sa unit mo at magpahinga." Tsaka niya ginulo ang buhok ko at umalis kasama ang Elite na yon.

**

Gabi na pero hindi pa rin maganda ang takbo ng pakiramdam ko. Nahihilo pa rin ako. Isama pa yung kay Eros na sinundo siya ng isang Elite na halatang may hindi magandang mangyayari. Hays. Kahit papaano naman kasi si Eros, mabait. Nitong mga nakaraang araw ngumingiti na siya sa akin at hindi nagsusungit.

Si Eythan kaya, nakabalik na ba siya? Yung daddy niya? Kumusta na kaya? Mabuti na kaya? Ayos na? Sapat lang ba yung dugong binigay ko? Haysss!

|Cha|

"Kumusta siya?" After ng ilang oras ay tuluyan ng nakalabas ang doctor ni tito Ezekiel. Agad naman hinarang to ni Eythan na kanina pa nagmumura sa sulok.

"Sa ngayon, wala na siya sa critical na sitwasyon. Napunan ang lahat ng dugong kailangan, salamat sa nagdonate. For now on, he need rest. Nabalian siya ng braso na agad naman namin sinemento para maagapan. Ipatake niyo nalang ang lahat ng meds sa pasyente matapos siyang ilipat sa private room"

Nakahinga kaming lahat ng maluwag ng malaman ang resulta. Maski sila tito Xaner na hindi mapakali ay nakahinga na rin ng maayos. Mukhang lahat sila ay kaya ng mag isip ng maayos.

Nagpaalam na yung doctor sa amin at umalis. Si Zoe at Alliah ay nagyakapan. Para silang nakasurvive sa isang Survival Game.

**

"Di ka pa papasok?" tanong ko kay Eythan matapos malipat si tito Ezekiel sa Private room. Kanina ko pa siya kasama dito sa labas ng room hospital ni tito at mukhag nagdadalawang isip pa siya kung papasok ba siya o hindi. Hays.

Ganito talaga ang eksena pag may gusot sa bawat magkapamilya. Buti nalang kami ni daddy at mommy, wala. Takot lang ni daddy kay mommy oras na gumawa siya ng bagay na ikakagalit ni mommy.

"I feel useless"

Hindi ako umimik sa sinabi niya.

"Muntikan na siyang nawala sa akin. F-ck! I can't imagine my life without him." Bigla siyang umiyak kaya napatapik ako sa balikat niya at hinayaan na umiyak siya at ilabas lahat ng dinidibdib niya.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon