First Mission

2K 53 0
                                    

|Dyena|

Two days. Two freaking days of my life! Wala akong nakitang Warren! Sh-t lang! Nakakainis. Di manlang nagpadama simula nung makita namin si Eros at kausapin kami. Nakakagigil. Lalamutakin ko talaga mukha niya pag nakita ko siya.

"Nakabusangot ka?"

"Wala." Ngumiti sa akin si Kristina at nailing. Tapos na ang class pero nandito pa rin kami sa classroom at nakatambay. Wala ako sa mood maglakad. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"You're looking to that Elite, huh?"

"He has name. Warren."

"Still, he's Elite and you're Royal, a Queen also."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Queen? Mukha ba akong reyna ng school na to? Parang t-nga lang talaga ha.

"I'm not Queen."

"Yeah, sorry for my mistake" ngumiti ulit siya "let's go, Sir Yamoto wants to talk to you." Tumango ako at iwinaksi sa isip si Warren.

Pag di pa siya nagparamdam, lagot siya sa akin. Letshe sya!

**

"I know you're inform about all the activities of Royal's member, am I right?" Nasa harap ko ngayon si Sir Yamoto, mid 40's I think. Nakareading glass siya habang nakatingin sa akin.

Of course, I know that. All Royals. Lahat sila may binibigay na misyon sa myembro ng Royals. At ito ang unang beses na tatanggap ako.

"I think nakikinig ka naman although your brain is out of here?"

"Ah, forgive my attitude sir." Yumuko ako at siya naman ay tumango lang.

"As I said, pinatawag kita dito sa opisina ko para sa isang activity or let me say, a task for our name." He said. Tinapik tapik niya ang lamesa sa harapan niya gamit ang daliri at sinuri ang mukha ko. Sigurado naman ako na walang dumi ang mukha ko bago pumunta dito.

"You're one of Royal, Dyena Del Fierro. Kung sa side ko, I won't take you to that position because you're... weak... like your mom." Upon hearing the word mom, kumulo bigla ang dugo ko.

Sa lahat ng ayoko, yung madadamay si mama sa usapan. Kahit sila lolo. And how dared him to say infront of me that my mom is weak? Stupid! Lapastangan.

At bago pa uminit ng tuluyan ang dugo ko, pinakalma ko ang utak ko bago sumagot. Naaangkop sa posisyon niya.

"I don't know kung nakasama mo na si mama when she's still nth times stronger better than you sir, we all known kung bakit ako nasa Royal, I'm strong enough to make your downfall." Hindi ko tinanggal ang titig niya sa mata ko. Tinatagan ko ang loob ko kahit kabang kaba na ako dahil alam kong wala akong laban sa kanya oras na hingin niyang patunayan ko using a battle. I'm weak... for now on.

"Sorry for my words, I should have limits my words." He bowed and smiled again "Gusto kong gawin mo ang task na 'to as assurance of being one of the Royal. This world is rooten, Dyena. Rotten people should be killed off to cleanse this world."

May nilagay siyang folder sa harapan ko "Open" he said

Unang bumungad sa akin ang isang picture ng babae, maganda. Simple. "Suraina Cha. One of the target, an assassin. Malinis siya gumawa, target siya dahil sa tangka niyang pagpasok dito sa school as spy."

"Spy of what?" Maganda siya para maging target "Life School." For a seconds, I stunned. Death and Life School. Nice. May Life school din pala. Anong klaseng school yon? "Focus on mission Dyena, kill her."

She just tried lang naman kaya why I need to kill her? Hindi ko rin kayang pumatay ng tao. Umiling ako. "I can't kill her,"

"You have no feet to step backward. Aabante ka ng kusa." He retorted "Papatunayan mo bang mali ako?"

Tinitigan niya ako ulit.

Bakit ko papatunayan? Sino ba siya para maliitin ako? Tsk!

"Mukhang gagawin mo, so, you may leave this room."

Nagbow ako at tumalikod na. Hindi ako mahina. Malakas ako. Tulad nila mama, may mararating ako.

Malapit na ako sa pinto ng magsalita siya ulit. "Anyway, nagkita na ba kayo ni King?"

Who's King? "Mukhang hindi pa. Mag ingat ka."
~~

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon