New Deal

1.6K 32 6
                                    

|Zoe|

Medyo nagulat ako ng makita ko si tito Ashton na kasama si Haivara Maxwell. What the hell! Kailan pa nila nakita si Haivara Maxwell?

Nginitian ako ni Eros, yung kaibigan ni Dyena, tapos ni Haivara Maxwell. Kahit na naguguluhan ay ngumiti ako pabalik. Mabuti nalang at hindi siya nakuha ng Black Organization.

"Zoe, lead them sa vacant room sa third floor. Si Eros, sa isang bakanteng kwarto mo ihatid. Jasper," ngayon ko lang napansin yung lalaki sa may hamba ng pinto. May mga sugat siya at mukhang okay naman na siya.

"Dumito na kayo. Mas ligtas"

"Areglado" at nagsalute pa siya

**

"Nasaan si Dyena?"

Nahatid ko na sila tita Haivara sa kanilang kwarto. Si Eros naman ang sasamahan ko.

"Tulog na" sagot ko. Anong oras na kaya. 2 am na. Malamang sa malamang nagpapahinga na yon dahil kung saan-saan nakarating kanina. Madalas pang wala sa mansyon. Pag siya napahamak na naman. Nako.

"Nakita na niya si tita Alys?"

Sasagot na sana ako ng may nagsalita sa sulok. Si Amethys at kasama niya si Warren. Nakita kong nagtanguan silang tatlo. Okay. Sila na magkakakilala na ng matagal. Others ako sa company nila.

Lumapit sila sa amin.

"Kailan babalik si Dylan?" Tanong ni Warren. Oo nga pala, bukas na libing ni Mrs Ayu. Napakabilis naman.

"Siguro kapag okay na siya" ako ang sumagot

Iba magtrabaho si Dylan. Magkahiwalay ang personal matter sa trabaho niya. Mukhang makakabalik naman din siya dahil handa at sanay na siya sa mga eksenang kinasasangkutanniya. Pero iba pa rin ang mawalan ng ina. Ng magulang. Mas masakit. Mas mahirap.

Ni hindi mo na nga alam kung paano ka mabubuhay. Kung alam mo pa bang huminga. Isipin mo nga lang na wala na sila, maiiyak ka nalang at mapapatanong sa sarili mo kung ano na gagawin mo. Kung kaya mo pa ba.

Sa tagal ba naman natin na umasa sa kanila, sa tagal ba naman na nakasama at sinandalan sila, ni hindi mo na napag aralan kung paano tumayo sa sarili mong paa. Kumbaga, hahanapin mo lagi ang sponsor ng buhay mo.

Kaya mahirap mawalan ng magulang. Nakakaloko. Nakakasira rin ng pagkatao.

**

Nailibing na si tita Ayu. Ilang oras din ang ceremonies bago natapos lahat. Sila papa, huli na dumating. Inantay muna nila umalis ang mga bisita para maiwasan ang gulo.

Well, may class naman ng bisita, ang iniiwasan lang talaga ay yung magkaroon ng bantaan. Still, nirerespeto nila pala ang may libing.

Sumama na sa amin pabalik sa Meir si Dylan. Nagulat pa kami. Kasi trabaho agad ang gusto niyang asikasuhin. Hassle. Kailangan niya kayang magpahinga. Pero dahil siya nga si Dylan, hindi siya basta-basta nakikinig sa iba.

Kahit ano naman sabi namin sa ikakabuti niya, sasalungat at sasalungat talaga siya. Pursigido talaga niya.

"So I guess na yung napause na task ang uunahin mo?" Amethys eyeing Dylan.

Tumango si Dylan habang nagsasalansan ng papers sa harapan niya. We're all sitting sa harap ng round table at nagpapakiramdaman. I don't know why but I feel akwardness in four corners of this room. Parang ewan ha. Dahil ba di kami kompleto?

Napatingin ako sa tatlong silyang bakante. And I realized, pilay pala ang grupo namin. Wala ang tatlo pang magaling. Malamang sa malamang, naglalakbay ang kaluluwa nila sa kung saang parte ng impyerno. Like duh, as if makatalon sila sa langit. Sa makasalanan nilang kamay, gagoooo mas mahaba pa mga sungay ng mga yon sa akin. Sila ang taga assassinate ng mga piling misyon. At kahit gusto kong sabihin na may palpak doon, mas cute pa sa papa mo ang pagkakasulat ng mission accomplished nila sa task log. Lalo na pag magsama ang trimpleng kupal na yon.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon