Warning

2K 60 2
                                    

|Dyena|

Hawak kamay kaming naglalakad pabalik ng Dorm Section ni Warren.

Ramdam ko ang saya habang kasama ko siya. Ang dami pa rin kasi niyang pakulo sa buto at talagang mapapangiti nalang talaga ako sa simpleng paraan.

Namiss ko talaga ng sobra ang lahat ng ito. Look, we're walking while holding hands. Parang wala kaming problema. Normal na araw. Na parang walang nagbago sa pamumuhay ko. Tulad noon, he's still sweet, caring and joker. Walang nagbago.

Siguro kung lahat ng lalaki katulad niya, baka masaya lahat ng magkarelasyon. Baka walang break up na nangyayari kasi ang saya ng samahan nila. Going strong.

"Di mo ba talaga ako namiss?" Kanina pa siya nakanguso sa akin at paulit ulit ang tanong niya at paulit ulit din ang sagot ko na hindi. Aba, baka lumaki ulo nito pag sinabi kong oo.

"Grabe ka? Namiss kita ng sobra! Daig ng isang taon ang isang araw kapag di kita nakikita tapos di mo manlang ako namiss? Kulang ba pagmama-"sinamaan ko siya ng tingin "joke lang."

Gunggong na to! Dadamay pa pagmamahal niya sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang, sobra sobra na yung pagmamahal niya sa akin e. Sobra na yung pagmamahal na kailangan ko mula sa kanya. Halos mapunan na niya lahat. Ako ang natatakot para sa kanya e. Paano kung wala na siyang natitirang pagmamahal para sa sarili niya? Paano kung magkaroon kami ng problema at wala na solusyon kundi to tear apart us? I know, he can't handle that oras na wala na siyang pagmamahal sa sarili niya. He can be desperade to take me back. Maririhapan siya.

Siguro, hindi naman aabot sa puntong maghihiwalay kami. Hindi. Hindi ko siya iiwan. Hindi niya ako iiwan.

"Malalim na iniisip mo ah? Bakit?"

"A-Ah wala." Sagot ko "You know what? Mas minahal kita." Matapos kong sabihin yon, nabalot kami ng katahimikan. At kahit hindi ko siya lingunin, namumula na siya at pumapalakpak ang tenga. Pero hindi ko na babasagin yon, dahil minsan ko lang to sasabihin sa kanya. All I want is to be with him, until my life's end.

"Thank you." Bigla niya akong niyakap at sinubsob ang mukha sa leeg ko "Sobrang saya ko." Hinarap niya ako sa kanya "I'll protect you." He whispered and kissed my forehead.

"Forever, huh?" Nabasag ang moment namin ng may umeksenang masamang hangin sa paligid. "Papatunayan nyo?"

"Eros" I murmured. Bakit ba nandito ang isang to at nakikialam sa amin?

"What do you need?" Warren's question. Tinago niya ako sa likod niya at parang ayaw ipakita kay Eros.

"Her" Napataas ang kilay ko sa sagot ni Eros. Her? Me?

"She's mine. Back off."

"Why?" Mahinang tawa mula kay Eros ang nakapagpainis sa akin. "Maski ba siya kakalabanin mo? Kinakalaban mo na rin ako oh."

Napatingin ko kay Warren dahil naguguluhan na ako. Sino tinutukoy ng lalaking to?

"I warning you, don't mess with him, Elite. Marami kayong babagsak." Then he walked away.

"What he's talking about, Warren?"

Humarap siya sa akin at ngumiti "Don't mind him."
~~
TAP YOUR REACTION XD
What can you sayyy about this encounter?

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon